Part 2: Chapter 58

626 30 2
                                    

Hindi makapaniwala si Lucian at Pickett sa nakita nila. Maraming katawan ng nakahandusay sa sahig, dahan-dahan ang paglakad ni Lucian at hindi makapaniwala sa nakikita niya.

Kitang-kita ng dalwang mata niya ang patay na katawan ni Lucius at ang katawan ng kaniyang anak na hawak-hawak ni Luci sa kaniyang mga braso. Tila ba ay isang patay na ito kung titignan mo, ang dahan-dahan na kaniyang paglalakad ay nauwi sa kaniyang pagtakbo.

Halos masubsob siya sa sahig nang makalapit siya sa kung nasaan sina Luci. Mabilis ring lumapit si Pickett at nakita niyang may babaeng nakatayo sa gilid ni Luci. Hindi man niya tignan nang diretso ang kalagayan ni Lacy, alam niyang hindi rin niya magugustuhan ang itsura nito.

"L-Lacy...?" mahinang tawag ni Lucian sa kaniyang anak at dinala sa kaniyang mga bisig. Ngunit wala itong malay at para bang isang lantang gulay.

Uminit ang ibaba ng kaniyang mata at pakiramdam niya may nakaharang na bikig sa kaniyang lalamunan. Ma-ingat niyang hinaplos ang pisngi nito at inalis ang mga dumi na nasa mukha nito.

"H-Hey..." hindi nito maiwasan ang pagnginig ng kaniyang boses at ang paagtulo ng kaniyang luha sa mga mata nito. Hindi maiwasan ni Lucian na maalala ang itsura ng kaniyang asawa na nanay ni Lacy. Ang itsura nitong hirap na hirap dahil sa isang sakit na hindi nila alam kung saan galing.

Minus all the bruises, this is what Lacy's mother looked like, when she's in her deathbed.

"...daddy's h-here..." Ngunit kahit anong tawag ni Lucian sa kaniyang anak, hindi ito sumasagot sa kaniya. "I-I am h-here... so please...!"

Sa kabilang banda, walang ekspresyon na maikita sa mukha ni Luci at pakiramdam nito ay isa rin siya sa namatay. Dahan-dahan siyang tumayo at tinignan ang kaniyang lolo na nakahandusay sa sahig at wala ng buhay.

Lalapitan na sana niya ito nang biglang may sumigaw sa kalayuan. Halos lahat ng nandoon ay napatingin sa isang matandang babae na tumatakbo papalapit sa bangkay ni Lucius.

"Lucius!" sigaw nito habang papatakbo ito, kasunod nito ang kaniyang ibang kamag-anak. Halos madapa na ito nang makalapit sa walang buhay na katawan ni Lucius, nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa bangkay ng kaniyang asawa.

Puno ng dugo ito at hindi na makikilala pa ang dati nitong itsura, nakadilat ang mga mata nito, maraming sugat, hiwa sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Bumalahaw ng iyak si Havana habang hawak-hawak ang asawa niyang si Lucius, pakiramdam ng matandang babae ay mababaliw na siya nang makita ang walang buhay na katawan ng kaniyang asawa.

"No! This isn't h-happening!" she exclaimed. She tried to wake Lucius up, but to her dismay, the man didn't move at all or budge.

"Hey!" tawag niya rito. "You cannot die like this!" she hysterically said. Luci just coldly looked at her. Yana tried to stop Luci by holding him in his arm.

"Let's just calm ourselves," Yana said calmly. "Plus, Lacy needs us, we must put her into a spell," nag-aalalang saad nito. Pero mukhang ayaw makinig ni Luci at tinanggal lamang ang kamay na nakahawak sa braso niya.

Yana closed her eyes tightly and sighed. "Luci, please..." Luci stopped for a bit, but didn't look at Yana.

At the same time, Erich, Christian, and Kasper arrives at the moment. Erich gaped her mouth when she looked around.

"What the heck?" gulat na saad ni Kasper. "What happened in here?" Kasper and Erich's attention went to Luci and Yana.

"Please, Luci..." Luci swallowed but didn't say anything. "...for your sister."

Natigilan siya nang marinig iyon, nanlalaki ang kaniyang mga mata at gulat na tinignan si Yana, ngumiti sa kaniya ang dalaga at tumango. "So, calm yourself, because we're still going to cure your dying sister," Yana said and smiles at him. Her lips trembles while looking at him.

Crown Series #1: The Dark Era of DiademTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon