Hindi maiwasan ni Lacy ang mapa-irap habang nakasunod sa mahal na prinsipe. Talagang hawak-hawak na nito ang libro na hawak niya lamang kanina. Labag sa loob siyang huminga ng malalim na siyang dahilan upang mapatingin ito sa kaniya. Nangungunot ang noo nito at napangisi rin naman kaagad.
"If you told me earlier that we shared the same goal then I wouldn't have to hurt you, my lady," sambit nito sa kaniya. Napatawa siya ng pagak pero hindi na nagsalita at nauna pang naglakad dito.
"Well, it's rude that you knew my physical appearance and I don't know yours," saad pa niya. Pero hindi siya sinagot ni Lacy at lumapit sa isang dingding at kinapa-kapa ito.
"You know, I feel threatened that you know my face and yet, I don't know who you are. Because you might--" Napapikit naman si Lacy sa kaingayan nito. Kaya naman bago pa nito matapos ang sinasabi niya kaagad siyang humarap dito.
"Can you please? Just for a moment? Shut your mouth," sambit niya rito bago irapan at tumalikod ulit at kinapa ang mga brick.
Kaya naman nang maramdaman niya ang malambot na brick ay kaagad niyang inusog iyon paatras at hindi nga siya nagkamali dahil dahan-dahan ang pag-slide ng dingding. Kaagad na nagsi-ilawan ang torch sa magkabilang gilid at hindi sa kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Kita nilang dalawa ang isang bandang maliwanag at ang kulungan. Rinig na rinig nila ang sigawan ng mga tao roon at iyakan ng mga bata.
"What the hell...?" Pickett suddenly blurted. "Yeah, it's a hell," kumento ni Lacy at naglakad na papasok. Mabilis siyang sinundan ni Pickett.
Mabilis silang nakarating sa loob at ang kaninang maingay na mga tao ay para bang dinaanan ng isang anghel. Masangsang ang amoy sa loob at para bang may mga patay na nangamoy na at masusuka ka, hindi lamang sa amoy pati na rin sa itsura sa loob. Nakapanglulumo ito.
Nahihintakutang napatingin si Lacy sa mga tao na nasa loob ng kulungan. Hindi lamang matanda ang mga nandoon at mga bata, may mga iba't ibang uri rin ng mga nilalang. Katulad na lamang ng Monsti, Creati, Elves at kung ano-ano pa.
Nagmadali siyang sinira ang mga padlock, gamit lamang ang kaniyang kamay. Kaagad na nasilayuan ang mga ito sa takot. Kaya naman ang ginawa niya ibinato niya ang maskara niya sa kung saan at nginitian sila.
"Everything is going to be okay," she assures as she smile at them.
Hinawakan niya ang mga padlock at nang uminit na ang kaniyang kamay, kasabay no'n ay ang pag-itim ng kaniyang mata. Mabilis na natunaw ang padlock kaya naman binuksan na niya ang rehas para makalabas sila.
Pinagpag niya kaniyang kamay upang mawala ang natunaw na metal. Mabilis siyang lumipat sa kabila upang gawin ang ginawa niya hanggang sa matapos siya. Nakatitig lamang sa kaniya si Pickett at kahit tinanggal na nito ang maskarang hawak-hawak niya ay hindi niya pa rin makita ang itsura nito. Dahil sa tumatabing ang mahabang itim na buhok nito sa mukha niya.
Lalapit na sana siya nang biglang may nagsalita sa pinasukan nilang pasilyo.
"Oh well, well... look who it is," nakangising saad nito habang may dala-dalang kahoy, dospordos, at iba pang sandata. Nakangisi ito sa kanila. Kaya naman kaagad na humarang si Pickett sa kanila.
Upang hindi ito makalapit sa kanila Lacy. Nakangisi si Pickett sa mga ito at kinumpas niya lamang ang kaniyang kamay ng isang beses. A sword suddenly appeared.
"If isn't this our crown prince, Pickett Faeroe." Napangiti naman si Pickett nang marinig ang pangalan.
So they know me, what a coincidence.
"Mr. Haffer," tawag niya rito. Isa itong Baron sa isang city sa Faeroe.
"It's not-oh-so nice to meet you, Sire." Yumukod pa ito nang pasarkastiko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Crown Series #1: The Dark Era of Diadem
خيال (فانتازيا)Season 2 of Diadem (Season 1 is a must) Now that everything went into chaos, Lacy suffers from the loss of her grandfather and every people who are close to her. Moreover, the royal palace was ascertained as the origin of all the phenomena that take...