Mabilis lamang na nakaalis si Lacy sa mga taong nagkakagulo at nakatulong din ang kanilang bahagyang pagsigaw dahil nataranta ang mga ito dahil sa biglaang pagdilim.
Her moves are swift and careful. Iniiwasan niya ang mga taong mababangga niya. Siguro pasalamat na lang din siya sa black magic na nasa sa kaniyang katawan dahil may kakayahan siyang makakita sa dilim.
Para siyang isang pusa na nagnining ang mata sa dilim upang makakita. May alam siya sa casino sa tulong na rin ng mga tauhan ni Erich na si Rafael and friends. Well, Lacy has her own connections that they don't have.
Ngayon ay nandito si Rafael at ibang kaibigan nito, maaaring nakakalat sila sa paligid at paniguradong alam nila kung saan siya papunta at nakabantay lamang sila sa paligid, tutulungan din siya sa kaniyang paglabas upang hindi ma-exposed ang kaniyang identidad.
Umakyat siya sa may hagdanan at nakita niya ang mga taong nagbubulungan, hindi niya nga alam kung bulong nga ba 'yon dahil ang ingay nila at rinig na rinig ang mga pinag-uusapan. May nakatingala sa kaniya na isang lalaki.
Lacy squinted her eyes and she saw the beaming green eyes of Rafael. She smirked at nodded her hear. Rafael also nodded his head as his response.
Mabilis siyang pumasok sa isang opisina at hinanap niya ang isang librong itsurang jewelry box na medyo malaki, dahil nandoon ang susi at mga impormasyon na kailangan niya. Kaya naman mabilis niya ring sinara ang pinto at dumiretso sa bookshelve na malaki.
Tumayo siya sa pinakaharap nito at iniatras ang kaniyang paa nang anim na bilang at humarap siya sa hilagang silangan. Mas lalo siyang napangiti nang makita ang isang kakaibang libro. Kaagad siyang lumapit ngunit napatigil siya nang makita niya ang isang sinulid na muntik nang matamaan ang kaniyang mata.
Kumunot ang noo niya at hinawakan ito kaagad na lumiwanag ang paligid at nagkaroon ng ilaw na pula. Para bang nagkaroon ng security sa paligid. Mukhang na-activate niya ang security na meron.
Napahinga siya nang malalim nang biglang may lumitaw na mga linya sa paligid. Kaya naman inikot niya ang kaniyang paningin at napangisi nang makita kung saan nanggagaling ang mga linya.
May Zircon Gem na nakalutang sa likuran ng upuan at malapit sa bintana. Kaya naman bumuo siya ng isang maliit na crystal spear sa kaniyang kamay. Kaagad niya itong binato kung nasaan ang crystal gem at kaagad din itong nabasag, kaya naman nawala na ang pumalibot sa kaniyang laser light.
Mabilis siyang naglakad at kukunin na sana ang libro nang biglang may tumunog na alarm for security.
"What the hell?" mura niya. Kaya naman mabilis niyang kinuha ang libro sa shelve at lumabas na ng kwarto kung nasaan siya.
Paglabas niya ay maliwanag na ang lahat at nakita niyang may mga papaakyat na mga staff ng casino. Nagkita pa ang kanilang mata ng lalaking nasa gitna kaya naman mas lalo siyang napamura at mabilis na tumakbo sa isang pasilyo.
"She got the book!" lityana nito at mabilis na hinabol si Lacy. Yakap-yakap niya ang librong kinuha niya habang tumatakbo.
Kaagad na lumiko si Lacy sa sang madilim na pasilyo, sa sobrang dilim at haba no'n ay hindi na niya makita kung ano ang nasa dulo nito. Ginala niya ang kaniyang mata ngunit wala siyang kwarto na pwedeng pagtaguan dahil puro dingding lang nasa pasilyo.
Nakarinig siya ng mga nagmamadaling yabag at mga boses. "Where is she?" galit na saad nito. Mabilsi ang tibok ng kaniyang puso dahil baka mahuli siya ng mga nito. Hindi naman sa hindi siya makalalaban pero ayaw niyang magkaroon ng malaking komusyon.
Mas lalo siyang napamura sa kung gaano ito kalapit na sa kaniya. I need to hide!
Kaya naman wala na siyang magawa kung hindi ang tumakbo, ngunit bago pa siya maka-alis ay biglang may nanghila sa kaniya sa isang maliit na pasilyo. Sobrang sikip no'n at halos magkadikit na ang kanilang katawan.
BINABASA MO ANG
Crown Series #1: The Dark Era of Diadem
ФэнтезиSeason 2 of Diadem (Season 1 is a must) Now that everything went into chaos, Lacy suffers from the loss of her grandfather and every people who are close to her. Moreover, the royal palace was ascertained as the origin of all the phenomena that take...