Naki-usisa naman ang mga ibang nandoon at maraming gwardya ang pumalibot sa kanila, hawak ng dalawang gwardya ang Baron at nakaluhod ang dalawang tuhod sa sahig. Kasama ang dalawa nitong kasama.
"I'm sorry, my lady. I didn't know that he will block the way," hinging paumanhin nito sabay yuko nang paulit-ulit.
Itinaas ni Lacy ang kamay niya rito, "That's not your fault. Stop apologizing."
Lumabas siya ng karwahe at nilapitan si Baron Joseph na nakaluhod. Tinangka nitong tumayo pero madiing pinigilan ito ng dalawang gwardya na nasa magkabilang tabi nito.
"You could've injured someone today, be thankful that didn't happened," she coldly told him.
Lacy tilts her head as she went closer and match his level.
"Because if you did, no sunrise will welcome you again," pabulong na banta nito bago umatras at nginitian ang Baron.
Bakas sa mukha nito ang pamumutla at takot. Hindi ito kaagad nakapagsalita dahil sa bantang natanggap.
Tumayo na si Lacy at tinignan ang gwardya.
"I'll walk from here, so make sure my things is still in one piece," she told them before signalling at Aziz to walk with her.
Nakailang hakbang pa lamang ang dalaga nang biglang nagpumiglas ang Baron at susugurin na sana ito.
Dahil sa nakalubid na tali nito sa dalawang kamay— ay nasira dahil may patalim pala itong hawak-hawak.
Impit na sigaw ng mga tao ang maririnig sa paligid, mabilis na hinabol ng ilang gwardya ang Baron, ngunit bigo silang maabutan ito dahil sa liksi nitong tumakbo.
Itinaas nito ang patalim at handa nang saksakin ang dalaga nang may bumulusok na pana ang tumama sa kamay ng Baron kaya naman nabitawan nito ang patalim at ilang sandali lamang ay nagdugo ang kamay nito.
Hindi alam kung saan nanggaling ang pana at bigla na lamang itong nag-appear, na tila ba'y kay Baron Joseph naka-asinta.
"What's happening here?" matigas na tono ng kararating lamang na si Luci.
Galit ang expression nito habang nakatingin sa Baron na namimilipit sa sakit.
"Luci," tawag ni Lacy rito. Kapansin-pansin din ang bagong kulay na buhok nito na kagaya ng kaniya. Pilak.
Bahagyang napataas ang kilay ni Lacy nang makita ang pinsan niya, gusto niya itong tanungin pero hindi naman maganda ang timing.
"This Baron is causing a scene just because the guards didn't allowed him to enter." Sinabi ko rin sa kaniya ang ilan pang detalye.
Kaya naman nag-aalala itong lumapit sa akin at bahagyang hinimas ang likod ng ulo ko. Medyo napangiwi ako dahil sa sakit nang mahawakan niya ang unti-unti nang bumubukol dahil sa malakas na pagka-untog kanina.
BINABASA MO ANG
Crown Series #1: The Dark Era of Diadem
FantasySeason 2 of Diadem (Season 1 is a must) Now that everything went into chaos, Lacy suffers from the loss of her grandfather and every people who are close to her. Moreover, the royal palace was ascertained as the origin of all the phenomena that take...