Hawak-hawak ni Lucien ang kaniyang noo habang kaharap ang dalawang lalaking biglang nag-away sa kaniyang tahanan. Ito pa naman ang kaniyang pinaka-ayaw dahil nagpapakita rin ito na wala silang respeto at paggalang sa kaniya bilang may-ari.
"I welcomed you two because you are from the royal family and blood-related to my old friend, Levi--" he stopped mid-way as he glared at both of them.
"I didn't expect the two of you to behave that way!" dagundong ang boses nito sa buong kwarto kung nasaan sila.
Kaagad na tumayo si Pickett at mabilis na iniluhod ang kaniyang isang tuhod habang nakayuko sa harapan ni Lucien. Ang tindig nito ay hasang-hasa na marahil sa tatlong taon din nang mawala ito at makipaglaban sa mga bandito.
"I have no excuse, Sire. I was wrong to do that but if you ever tell me to apologize to him," sabay turo kay Izaak na nakaupo at masamang nakatitig sa kaniya.
"I'm afraid, I couldn't do that," matigas niyang sambit.
Bakas ang pasa sa kaliwang mata nito at sa kanang bahagi ng labi. Samantalang si Pickett ay walang kagalos-galos sa katawan o mukha nito.
Matagal itong tinitigan ni Lucien bago bumuntong hininga nang malalim. "I didn't asked you to do that. But if ever this happen again, I am going to banned your blood from entering this manor," banta nito bago paalisin ang dalawa sa kaniyang opisina.
Nang makalabas silang dalawa ay nagsamaan pa sila ng titig sa isa't isa ngunit naantala lang sila nang magsalita si Lucian na nakasandal sa may pader bahagyang malapit sa pwesto nila.
"I don't want to see another bloodshed in my household, Faeroe's," seryoso nitong pagkakasabi.
Tumingin naman sa kaniya si Izaak ngunit hindi na ito nagsalita pa at umiling na lamang bago tuluyang naglakad paalis hawak-hawak ang labi nitong may pasa.
"Where do you think you're going?" taas kilay na tanong ni Lucian kay Izaak nang lumagpas ito sa kaniya.
Napatigil si Izaak sa paglalakad at tinignan si Lucian na nandidilim ang mukha na nakatingin sa kaniya. Lucian turned to Pickett over his shoulder.
"She's in the field," maikling saad nito bago utusan si Izaak na sumunod sa kaniya.
Hinintay niya munang makaalis ang dalawa bago ito naglakad papunta sa field na sinasabi ni Lucian. Alam niya kung saan ito, dahil noong bata pa lamang siya ay pumupunta siya rito upang i-train ni Lucian sa paggamit ng espada o ng iba't ibang sandata, bahagi na rin ng pagiging crown prince niya.
Hindi kaagad sila nakapag-usap nang maayos kanina dahil ang mga knight at mabilis silang pinigilan, kaya naman mabilis itong nalaman ni Lucien. But he's satisfied that his fist landed on Izaak's face countless times and the latter didn't even got the chance to land his fist on his face.
"Pathetic," bulong niya bago ngumisi.
May nadadaan siyang mga tauhan at kaagad itong yumuyuko sa kaniya kapag nakikita ang badge at patches na meron siya sa kaniyang armor suit. Ngunit dire-diretso lang siya sa paglalakad, buti na lamang ay alam niya ang shortcuts upang mapabilis ang punta niya.
Sa paglabas niya sa isang arko ng pinto, isang liwanag ang bumulaga sa kaniya bago mag-adjust ang paningin niya diretso sa dalagang may hawak-hawak na pana at busog. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa dalaga upang hindi makagawa ng ingay, pokus na pokus ito sa pag-asinta sa pulang bilog na ilang metro ang layo sa kanila.
Bahagya pang humangin kaya naman humawi nang natural ang mahaba nitong pilak na buhok, tila ba'y nagsasayawan sa hangin. Pickett stopped for a moment to appreciate the beauty in front of him.
BINABASA MO ANG
Crown Series #1: The Dark Era of Diadem
FantasySeason 2 of Diadem (Season 1 is a must) Now that everything went into chaos, Lacy suffers from the loss of her grandfather and every people who are close to her. Moreover, the royal palace was ascertained as the origin of all the phenomena that take...