Part 2: Chapter 116

127 9 1
                                    

Lakad-takbo ang ginagawa ko para lang makarating sa isang conference hall na itinuro sa akin ni Butler Damian. Hindi ko na pinansin ang mga taong nasa paligid at iisa lamang ang nasa isip ko at iyon ay si Aziz.

Kabadong-kabado ako dahil sa dalawang araw na wala ako rito, wala rin akong balita sa nangyayari. Dahil tiwala ako kay Aziz at sa mga kasamahan namin.

Nakita ko si Jakob nasa harapan ng nakarasadong conference room, na hindi mapakaling pabalik-balik ang lakad.

"Jakob," tawag ko rito. His face lift up and his eyes went wide as he immediately meet me halfway.

"My lady," tawag niya sa akin na halata mong may kaba at takot sa tono.

"What happened?" I asked.

"I also don't know, my lady. All I can remember was they were ransacking your room and the servant's quarters where Miss Aziz was staying. They say, they found the lost jewelries in her chamber and she's now being punish inside."

"Please, my lady! They've been there for almost an hour!"

Walang katok-katok kong binuksan ang pintuan ng conference room at malinaw na malinaw kong nakita kung paano nila pagpalu-paluin ang walang kamuwang-muwang na katawan ni Aziz, na nakaratay sa sahig na, hindi makagalaw na tila walang buhay.

Her white plain long dress is full of blood.

Iyong lady-in-waiting ni Izabel na si Michelle Gilmore ang nangunguna pa sa pananakit kay Aziz, habang ang amo niya ay tila isang prinsesang nakaupo sa kabisera at pinapanood ang nangyayari. May dalawa ring lalaking gwardya ang nakisali.

Tatlo laban sa isa.

Kaagad na nandilim ang paningin ko at nanginig ang buong kalamnan ko sa galit.

I withdraw the sword of the knight beside me and with no hesitation I lunged at them. Napuruhan ko ang isang lalaki sa kaniyang tagiliran, kaya ang isang lalaki ay napaatras at mabilis na lumayo sa akin at si Michelle ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

Itinutok ko sa kaniya ang espadang hawak ko na nagpapaatras sa kaniya at napaupo sa sahig.

Ang isang lalaki na walang sugat ay biglang sumugod sa akin kaya naman, with my fast reflexes, mabilis kong nasalag ang pag-atake niya sa'kin. Rinig sa buong kwarto ang kalansing at pagtama ng espada naming dalawa.

Galit itong nakatingin sa akin pero mas galit ako, handa akong pumatay ngayon.

Patuloy ang pag-atake niya sa akin na siyang sinasalag ko. Sinipa ko siya nang makahanap ako ng butas sa kaniyang binti, kaagad itong napaluhod sa sahig. Ngunit muntik na akong matumba nang sumugod iyong isang lalaki sa akin na napuruhan ko.

But my reflexes are sharp as an arrow, I ward off his attacks before lunging at him with continous attacking him. The other one got up and now, two of them are fighting me.

They are in attacking position, waiting for one another to attack.

I protected Aziz with my body as her shield as she's still lying on the floor with blood all over her body. She's weak, I can say. Tatlong tao laban sa isa.

Hindi ko alam kung talagang punishment ang gusto nilang ipataw o sinadya nilang pahirapan talaga si Aziz and I surely know, it was because of me. This was intentional and planned.

"Two against one, huh?" I murmured.

"M-My lady..." I heard someone below me calls me.

"Just hang on, Aziz. I'll finish them," mariin kong sabi rito habang masamang nakatingin sa dalawang lalaking nasa harapan ko at handa nang umatake.

Crown Series #1: The Dark Era of DiademTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon