Part 2: Chapter 85

360 17 0
                                    

That day, Luci and her family, together with their colleagues in their house had a little welcome party for her even though she told them it's not necessary.

But they wanted it, plus Luci was so persistent to do it, that's why she didn't have a choice but to agree. At afternoon, Yana, Erich and Christian was here.

But Erich and Luci were the one staying here and entertaining our staffs, Yana and Christian were nowhere to be found tho, I should look for them later.

Grabe kasi itong si Luci napakadaldal parang hindi mauubusan ng sasabihin, puro kwento. Kaya siguro magkasundo rin sila ni Erich dahil siya rin, palakwento.

Napatingin ako sa aking ama at bahagya siyang nakangiti habang nakatingin kila Luci na nakikipagtalo pa sa mga staff. Nasa iisang kwarto kasi kami na pwedeng magsalo-salo ang mga iilang staff at knight sa hapagkainan, kaya rito na rin kami pumwesto para lahat ay makakakain.

Ang iba ay umalis na pagkatapos ng kumain at kaunting kwentuhan, dahil may mga trabaho pa silang kailangang gawin, ang iba naman ay pinalitan sa pwesto ang kaninang nakabantay sa mga gate.

Zeus didn't joined us, but I told them to send foods for him. It's already late in the afternoon when Trick and his troops decided to bid their goodbye.

"My lady, it's time for us to go." Napatingin naman ako kay Trick nang bahagya itong lumapit sa akin upang bumulong. Tumango ako bago tumayo at sinundan sila sa labas.

Matangkad na binata si Trick, medyo bata ito sa akin, siguro dalawang taon ang tanda ko sa kaniya pero ang height niya ay iba sa edad niya dahil aakalain mong nasa bente pataas na siya kahit hindi. May itsura rin ito at ang mga dalagitang katulong, o trabahador nila sa bahay ng dating duke ay halos may gusto sa kaniya, pati na rin dito sa bahay.

Ano nga bang masasabi ko kung ang creole iris niyang mata, white hair, at ang makisig nitong katawan dala ng laging pakikipag-sparring sa mga kabaro niya tuwing training nila. Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit matangkad siya at malaki ang katawan kahit sa murang edad dahil bata pa lang ay batak na kaagad.

Bahagya pa itong yumuko sa harapan ko at pupunta na sana sa kabayo nito nang makarinig kami nang malakas na tawanan. Napatingin kami sa terrace at nandoon sina Yana at Christian na nagtatawanan. Pinalo pa ni Yana si Christian sa balikat nito habang bumubungisngis.

Hindi ko na sana sila papansinin nang marinig ko si Trick na parang huminga nang malalim. Kaya naman bahagya ko siyang tinignan at masama ang tingin nito sa dalawa.

Rinig kong tinawag ako ni Yana kaya naman nalipat ang tingin ko sa kanila. Kumaway ito sa akin habang nakangiti, bahagya rin akong kumaway at ngumiti sa kaniya. Pati si Christian ay yumuko sa akin.

Narinig ko ang pagpitik ng daliri nito at wala pang isang segundo nasa harapan ko na silang dalawa. Bahagya pa akong napaatras at si Trick ay nakahawak na sa sandata niyang nakasabit sa bewang niya at handa na itong manakit.

"Woah! Chill!" gulat na saad ni Christian nang makita niya ang kinilos ng binata.

"Your fault," Yana said while grinning. Kaagad itong lumapit sa tabi ko kaya naman ang ginawa ko ay pinakilala ko si Yana at Christian kay Trick.

"Yana, Christian," tawag ko sa kanila, "this is Sir Trick Abawi. He's soon to be the Grand Commander of my grandfather's knights."

Yana nodded her head as she extends her hand for a handshake, "That's nice. Was it Chivalry of..." nag-isip pa ito nang sandali.

Kinamayan naman siya ni Trick, kagulat-gulat nga na mas matangkad pa ito kay Yana kahit na matanda na si Yana kesa sa kaniya. Well, talking about genes.

Crown Series #1: The Dark Era of DiademTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon