Part 2: Chapter 80

410 17 2
                                    

Lacy was busy drinking her cup of tea, while Aziz and Yen were accompanying her. Wearing her long boots, black trench uniform pants, royal silver tie-bow and little accessories along with it. Kaagad na lumapit sa kaniya si Russ nang makita siya nito.

Ito ang butler ng Marquez's Residence, si Russ Asuncion. Dalawang dekada nang butler ng Marquez's residence, halos ka-edad ito ng kaniyang ama, ngunit mas matanda lamang ito ng limang taon. Kaya naman kung isang tao pa, bukod sa kaniyang ina ang nakakikilala kay Lucian, si Russ na ang taong iyon.

Ang angkan ng mga Asuncion ay matagal nang pinagsisilbihan ang pamilyang Marquez, simula sa mga kanununoan ay kasama na ito ng mga Marquez. Kaya naman ang anak nitong si Jeff Asuncion ay kasalukuyang nagsasanay sa kanila, samantalang ang ama nito na si Russ ay piniling manatili rito upang pagsilbihan ang matandang Marquez.

"My lady, Lady Beah, Lady Jona, and Lady Zhona already arrived here. They are currently waiting in the main hall, shall you greet them while we prepare your food in a empty room?" he politely asked. Ibinaba naman ni Lacy ang tasa ng tsaa, bahagya niyang napansin ang kaliwang kamay niya, bandang palasingsingan bago tumayo at bahagyang pinagpagan ang kaniyang hita.

"I'll meet them in the main hall and make sure everything is already prepared," malumanay na utos nito. Kaagad na tumango si Russ at mabilis na umalis. Kaagad namang lumapit si Aziz sa kaniya at tinanggal ang kapang nakapulupot sa kaniyang balikat.

"Shall we change your clothes?" pagtatanong nito. "I'll meet them first, then I'll change," maikling saad nito.

Mabilis na tumango si Aziz at nilingon si Yen. "Prepare formal clothes for the lady," utos niya. Mabilis na tumango si Yen, na isa sa mga katulong sa Marquez's Residence; mabilis din itong umalis upang gawin ang ipinag-uutos sa kaniya.

Ilang lakad lamang ay mabilis silang nakarating sa main hall at nakita niyang nakatayo ang tatlong dalaga sa gitna habang tumitingin-tingin sa paligid at panloob na disenyo at istruktura ng malaking mansion.

"Ladies," tawag ni Lacy sa kanilang atensyon. Mabilis na nagsilingunan ang mga dalaga at pumaskil ang malalawak na ngiti sa kanilang labi.

"Your highness," sabay-sabay na tawag nila, kasabay ng kanilang pagyuko sa kaniyang harapan. Nginitian naman sila ni Lacy nang magsi-angat na sila ng kani-kanilang mga ulo.

"I hope you've had a nice journey coming in here."

"We didn't encounter any difficulty coming all the way here," sagot ni Zhona. Tumango naman si Jona sa sinabi ng dalaga at dinugtungan ang kaibigan, "She's right. It's always nice to travel with your peers."

"Anyway, Aziz will lead you to a room--" She was cut off by Beah.

"Uhm... can I request?" Nangunot ang noo ni Lacy pero kalaunan ay tumango na rin siya at tinignan ang dalaga. Sa tatlong taon nilang magkakilala at naging magkaibigan, nakita niya kung paano ito maglayag sa sarili nitong kakayahan at kagandahan. Sobrang confident na nito sa kaniyang sarili at kung dati ay inaalipin lamang siya, ngayon ay hindi mo na ito halos magalaw.

Dahil sa mga taong nakapaligid sa kaniya, nagkaroon na ito ng lakas ng loob upang tumayo sa kaniyang sarilng paa at hindi dumepende sa ibang tao.

"Sure, my lady," Lacy sweetly uttered. "The weather looks nice and the environment is surely a friendly one, can we have our get-together outside?" alanganing tanong niya.

Tinignan ni Lacy sina Zhona at Jona kung sumasang-ayon ba ang dalawa sa gusto ni Beah. Kaya naman sinabihan niya si Aziz na i-assist muna ang tatlo at saka sabihan ang butler sa kaunting pagbabago ng lokasyon nila.

Mabilis silang umalis at si Lacy naman ay kaagad ding umakyat sa taas sa kaniyang kwarto upang magpalit ng kaniyang kasuotan. Maaga kasi itong gumising upang magsanay at bantayan ang knights na magsanay, ayon na rin sa utos ng kaniyang lolo na si Lucien. Hindi porket nandito na siya sa residence ng mga kamag-anakan niya ay magbubuhay mayaman siya, dahil ito ang kondisyon na gustong ipagawa ng kaniyang lolo kung gusto niyang manatili rito.

She requested before that she wants to train herself for some self defense and also as the Duke's daughter, kailangan niya ring matuto kung paano humawak ng sandata, hindi man kagaling sa Clemson Knights, Royal Knights o mga mercenaries, mahalaga pa rin na matuto siya, as the one and only pride of her father.

Wala rin namang masama dahil ginusto niya 'to, hindi man madaling mag-adjust, pasalamat siya at tinulungan siya ng mga taong nakasasama niya araw-araw.

Nang makarating siya sa kaniyang kwarto ay ang mabilis na pagkilos ngunit pulido ni Yen. Si Yen ang isa sa mga katulong dito pero mukha itong bago pa lamang ngunit sanay na sanay na ito sa kaniya, kaya hindi rin masyadong nahihirapan ni Aziz. Ang kambal naman ay naiwan sa kanilang tahanan, may dahilan kun bakit mas pinili na lang niyang si Aziz ang kasama at maiwan ang kambal.

Katulad na lamang kung bakit nandito ang tatlong matatanyag na mga dalaga. Kung dati ay umaasa ang tatlong dalaga sa kani-kanilang magulang at sa yaman ng kanilang pamilya, ngayon ay kilala na ang mga pangalan ng mga nito.

Katulad na lamang ng kaniyang inaasahan kay Beah, bali-balita na ngayon na mayroong isang lalaki na umaaligid sa kaniya, na siyang parte ng royal family. Walang iba kundi ang pinsan nina Yasmine. Siguro kaya rin ito sumama upang ibalita ang magandang balita sa akin.

Si Jona at Zhona ay mag-business partners para sa kanilang skin products at make-up line, nang dahil sa kanilang negosyo mabilis silang nakilala hanggang sa ibayong lugar. Hanggang ngayon ay patuloy ang pag-usbong nila sa larangan na iyan, at si Jakob Isis naman ay isa nang tanyag na designer ng mga magagarbong damit, ang kaniyang mga customer ay dumarayo pa sa main city ng Faeroe upang magpagawa sa kaniya ng damit, puro VIP na ang kaniyang tinatanggap, kung hindi man mga prinsesa at prinsipe, mga hari at reyna. Nakilala rin siya dahil sa magagandang kalidad ng damit, although may pagkamahal siya, worth it naman ang damit.

Samantalang ako ay nandito at nanahimik sa isang tabi, pero it doesn't mean na wala na akong ginagawa. I am their shareholder and an investor. As for their businesses blooming from time to time, marami ring average people ang gustong makasubok ng mga kani-kanilang produkto at gawa, magkakaroon kami ng mga budget friendly pero nandoon pa rin ang magandang kalidad sa kung saan sila nakilala.

Like I've said, I am an investor, I am also investing in small businesses na kung saan nakikitaan ko ng potensyal, hindi dahil sa may alam ako sa mangyayari sa hinaharap. Well, kasama na rin 'yon, pero tumitingin pa rin ako kung worth it ba ang mga negosyo nila at hindi masasayang ang oras ko.

"My lady, would you like to put this ring on?" pagtatanong ni Yen sa akin na siyang nagpapukaw sa aking atensyon at matigil sa aking pag-iisip nang malalim.

Pinakita niya sa akin ang isang box at doon ay nakalagay ang singsing na ibinigay sa akin ng isang tao, tatlong taon na nakalilipas. Matagal ko iyong tinitigan bago muling tumingin kay Yen at umiling. "I don't want any accesories right now, maybe a necklace will do," sabi ko na lang sa kaniya.

Mabilis naman siyang tumango at kinuha ang isang box na naglalaman ng mga kwintas, kaagad kong tinuro ang isang kwintas na kulay ginto, ang pendant nito ay isang pakpak ng anghel at may diyamante sa gitna, maliit lamang ang bato pero maganda pa rin itong tignan. This necklace was given by Cain. Bumagay ito sa aking kasuotan na isang dress na puti, see through ang sleeves niya at may disenyong bulaklak sa bandang dibdib na parte at pa-ikot sa aking beywang, may bulaklakin din ang nasa babang parte nunit hindi ito ganoon karami. Kita ang aking gitnang dibdib, dahil sa pa-V nitong hati sa gitna. Ipinadala ito sa akin ni Jakob, regular siyang nagbibigay ng mga limited edition na damit sa akin, kahit na sinasabi kong hindi na kailangan. Pero dahil sa kagustuhan naman niya, dahil bilang pasasalamat niya raw, wala na rin akong magawa, kundi ang tanggapin.

Matapos kong mag-ayos, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Matapos kong ma-satisfy ay tumango na ako at lumabas na sa kwarto. Mahirap nang paghintayin ang aking mga "investment".

Tatlong taon na ang lumipas, kaya naman sa pakiwari ko, marami na rin ang nabago, at kapag sinabi kong marami. Marami talaga, katulad na lamang ng isang taong nakatayo sa aking harapan na may dala-dalang mga dilaw na maliliit na bulalak.

"My lady..." He uttered as he smile towards me.

Ahh... Izaak...

——————————————————————

Please let me know if you're uncomfortable that I am using your names in the story (esp, w/out your consent) I understand, and willing to change that. Thank you.

Crown Series #1: The Dark Era of DiademTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon