Part 2: Chapter 105

188 14 2
                                    

On the other hand, Lacy is looking at herself, staring at her physical changes. Yana sealed the magic and told her to stay still, as she's close to finding what she needed to erase completely the black magic inside her.

As of now, she's resting in her chamber, it's been days since that happened but it's still a hot gossip here inside the palace.

Some were calling her a curse, a witch, a bad omen, and some names. Maybe others will understand what is happening, she was attacked by the monsters and that caused the chaos happened.

Pero binawelawala niya na lang ang lahat dahil wala na rin naman siyang magagawa, mabuti na lang ay may nagpakalat na dahil iyon sa epekto ng black magic, at hindi nila alam dahil din iyon sa akin.

Well, somehow, totoo pero hindi whole story ang alam nila. Mas okay na rin dahil hindi siya mapapahamak, mas delikado kapag masyado silang maraming alam.

Pinaliwanag na rin sa kaniya no'ng Kaleb na hindi siya immune sa monster's poison, pinabagal lamang nito ang epekto pero maaari pa rin siyang malason, immune lang siya sa man-made poison, so kahit uminom siya ng sangkatutak na lason na gawa ng tao, hindi siya mamatay dahil kaya iyon labanan ng dark magic, pero kung dark magic to dark magic, since gawa sa dark magic ang poison ng mga monsters, mahirap kalabanin ito.

Kaya mataas pa rin ang chance na malason siya.

Natawa siya sa sarili niya, dahil ang yabang niya pa na hindi siya mapapahamak, pero heto't muntik na siyang mamatay. Masamang damo siguro siya dahil hindi siya mamatay-matay.

Napailing na lang siya sa kaniyang mga iniisip at umalis sa harapan ng salamin upang magpahangin saglit sa kaniyang balcony. Ni isa walang lumalapit sa kaniya, maliban na lamang sa kaniyang lady-in-waiting at ibang maids na naka-assign sa kaniya.

'Baka natatakot pa rin.'

Binuksan niya ang glass door at bumungad sa kaniya ang madilim na kalangitan at ang iilang bituin sa itaas na nagniningning. Kahit kalahati lamang ang buwan, nagbibigay pa rin ito ng sinag sa madilim na gabi.

Madaling araw na pero hindi pa rin siya natutulog, rather, hindi siya makatulog. Maraming bagay ang tumatakbo sa isip niya. May kaunting kaba dahil, sigurado siyang gawa ng kabilang kampo ang nangyari noong unang paligsahan, what more, ano pa ang kaya nilang gawin sa susunod?

Tama pa ba iyon? Tama pa bang magpatuloy siya? Natatakot na baka kapag nagpatuloy pa siya, may mapahamak na namang taong mahal niya, na siyang ayaw niya. Tama nang namatay na ang kaniyang lolo Lucius, masyado nang masakit kung may susunod pang mapapahamak.

Mukhang kailan niya ring magdahan-dahan dahil marumi maglaro ang kalaban niya. Lalo na't si Brandon Brandenburg, gagawin ang lahat manalo lang. Ito pala ang angsuhestiyon sa hari na i-level up ang laro para sa kanilang 'excitement'.

Hindi niya ba alam na mapapahamak din ang anak niya kung gano'n? Hindi ba siya nag-iisip?

Buti na lamang din ay natakpan siya ng isang tela no'n bago pa man makita ng lahat ang itsura niya, katakot-takot, dahil bukod sa itim na itim niyang mata, na tila ba naglaho na ang puti sa kaniyang mata, ang buhok niyang naging itim, at ang mga ugat na nagsilitawan bigla sa kaniyang buong katawan.

Parang mga uod na nagsisigapangan sa loob niya.

Speaking of the Crown Prince, hindi ito nagpakita sa kaniya matapos ang nangyari. Wala na rin naman siyang masyadong maalala, ang ama niya ay nagbantay sa kaniya nang ilang araw at si Aziz, si Luci ay kailangang bumalik sa Cunningham Palace, ganoon na rin ang kaniyang lolo na si Lucien.

Maybe he's busy with his responsibilities.

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya at yinakap ang sarili nang humangin nang bahagya. Papasok na sana siya sa loob ng kaniyang silid, nang biglang may mabilis na itim na biglang sumampa sa railing ng balcony.

Crown Series #1: The Dark Era of DiademTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon