Part 2: Chapter 77

363 18 1
                                    

Pickett blinked his eyes for several times, making sure that he's seeing everything right. as he felt his heart racing, the girl in front of his eyes bowed down to him.

"I greet his highness..." she greets. Akala niya nanaginip lamang siya at baka namamalikmata lamang siya dahil matagal na panahon na rin nang huli niyang makita ang dalaga.

"...may the King of Gods bless you an eternal life.." Iniangat naman ni Lact ang kaniyang ulo upang tignan si Pickett pero parang wala ito sa kaniyang sarili.

Tinignan sya ni Lacy magmula sa ulo nito hanggang sa mga paa. Bahagya itong tumangkad at ang buhok nito ay bahagya ring humaba, mukhang naging busy ito sa isyung nangyayari ngayon. Dahil halata ang eyesbags nito sa ilalim ng mga mata niya. 

Magsasalita na sana si Lacy nang may maiingay na dumating, sa pakiwari niya ay sina Xabi iyon, dahil sobrang lakas ng boses nito.

"But I am so curious about that girl, Cain didn't even told us her name," Xabi said as he sound disappointed.

"I think I met her at the bathroom, well, she has a black shiny black hair and she was wearing a red dress. Still, she's not that even beautiful," maarteng saad ni Bella sa kanila.

"Anyway, I think his highness is here. I saw his silhouttes here--" Nakangiti pa si Bella nang lumiko siya dahil nakita niya ang likuran ni Pickett na nakatayo lamang at parang may nakita siyang kung ano.

Pero nang siya rin ay makaliko nakita niya ang babaeng nawala nang isang buwan.

"Lady Lacy..." she blurted out. Napakunot naman ang noo ni Xabi at Gabriel nang marinig ang sinabi nito.

"Lady Lacy?" takhang tanong nito. "Isn't she at the temple?" Gabriel asked. Dali-dali silang naglakad papalapit sa dalawa

Biglang nagliwanag ang mukha ni Xabi nang makita niya ang dalaga at kaagad na tumakbo patungo sa pwesto ni Lacy.

"Lady Lacy!" masayang sigaw nito habang nakabuka ang dalawang braso nito na tila nang-aanyaya ng isang yakap.

Nanlaki naman ang mga mata ni Lacy nang bigla itong tumakbo sa kung nasaan siya kaya naman dali-dali siyang tumagilid kaya naman nagdire-diresto ito sa kaniyang pagtakbo.

''It's a good day to you too, Sir Xabi,'' bati ni Lacy rito. Lumingon siya sa tatlo at sa kaniyang inaasahan ay wala si Golden at Valerie.

''You're here,'' saad ni Gabriel sa kaniya. Masungit siya nitong tinignan. Tinaasan niya ito ng kilay.

''Obviously,'' sagot nito sa kaniya. 

''Seems like you're all busy. Then, I'm going to excuse myself.'' Yumukod si Lacy sa harap nila at naglakad na paalis.

Nang lalagpasan na sana niya ang tatlo na nakatayo at nakatingin sa kaniya ay may naalala siya. Kaagad niyang hinubad ang tali sa kaniyang buhok at nagpunta  sa harapan ni Pickett.

Kinuha niya ang kamay nito, kaya naman napatingin si Pickett sa ginagawa ng dalaga.

''I believed that this item is not for me to have,'' sambit niya rito. Napatingin naman si Pickett sa bagay na nasa kamay.

Isa ito sa mga heirloom ng royal family, it also symbolizes as marriage. Wherein, pinapahiwatig ni Pickett o ng nagbigay na gusto niyang yayain ito ng isang kasal.

Pickett remembered that he sent this as a gift. Because he has reason for this. Napalunok siya at hindi niya napansin na nakaalis na ang dalaga sa kaniyang harapan.

"Your highness?'' tawag ni Gabriel sa kaniya. Pero hindi niya pinansin ang tawag nito at mabilis na tumalikod upang sundan ang dalaga.

Hindi na siya sinundan ng tatlo dahil mukhang nagmamadali ito.

Crown Series #1: The Dark Era of DiademTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon