Napatayo ang mga taong nandoon at napatingin sa taong biglang nagbukas nang padabog. Samantalang si King Levi naman ay kalmado lamang na nakatingin kay Lacy, na siyang nakatingin din nang diretso sa kaniya.
Mabilis na lumapit si Pickett sa kaniya, na isa ring kasama sa mga nagpupulong at mabilis na inalalayan ang dalaga. Hinawakan niya ito sa braso, ngunit hindi natinag ang dalaga at diretso lamang talaga na nakatingin sa hari.
Nagbubulungan ang mga nandoon at ang mga nasa labas ay nakiki-usisa, dahil hindi maisara ang pinto dahil sa nandoon pa si Lacy.
"She's awake," bulong ng isa sa gilid. "Yeah, I heard she's the target of those unknown people that ransacked their house."
"Really?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Yep, she's also the reason why King Lucius from Lucius Kingdom, died."
"Silence," mariin at malakas na ani Pickett. Alam niyang naririnig ng dalaga ang mga bulungan itong mga ito, halata bang pinaparinig talaga sa kaniya.
"Lacy, why are you here? Shouldn't you be resting on bed?" nag-aalalang pero kalamadong tanong ni Pickett dito, pero ni isang tingin ay hindi siya binalingan ni Lacy.
"Come on, I'll take you to..." Hinawakan nito ang braso at aalalayan sana nang biglang alisin ni Lacy ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.
"Get your hands off me," mariing saad nito bago siya tignan nang malamig sa mga mata nito. Walang nakitang ekspresyon na nakita si Pickett kundi ang malalamig na tingin na binibigay nito sa kaniya.
Gone the sparkling eyes, serious and yet, enticing eyes she has.
Nagulat naman iyon ng ibang nobles na nakarinig ng sinabi nito. "You!" Duro ng isang babae sa kaniya. Tinignan naman ito ni Lacy. "That's not the proper way to talk to his highess!" galit na saad nito.
"Just because your grandfather died, doesn't mean you should disrespect--" Bago pa man matapos ng babae ang kaniyang sasabihin ay inirapan siya ni Lacy at tumingin kay King Levi.
Hinawi niya si Pickett sa daanan niya at nilagpasan ang lalaki. Natigilan naman si Pickett nang gawin iyon ng dalaga sa kaniya at hindi makapaniwala na naging kilos nito.
Para bang... bumalik ito sa ugali nito dati.
"Lady Lacy, I'm delighted that you woke up already. But I think and it's best if you are resting on your chamber," King Levi said and smiled at her. But Lacy didn't comply with what his majesty wants.
"I'm here to bargain, your majesty," seryosong saad niya rito. Napataas ang kilay ni King Levi at napahinga ng malalim.
"Hmm... I don't think this is the best time for bargaining, Lacy." Napangisi si Lacy roon at ngumiti sa kaniya, ngunit ang mga mata nito ay malamig pa rin at blangko lamang.
"There's no such best time for this, your highness."
Tinignan siya nang ilang minuto ni King Levi at siningkitan ang mga mata, lalapitan na sana siya ni Pickeett nang pigilan siya ni Yana.
"Let her be," sabi nito sa kaniya. Hindi niya alam kung may spell ba na nilagay ang dalaga sa kaniya at mabilis siyang napasunod, kahit na labag sa loob niya.
"Okay, since you're stubborn. Let's hear it." The hall went silence and everyone is waiting for Lacy to speak up.
Nandoon din sa loob si Cain, Xabi, Valerie, Golden, at Bella, na bilang representative ng kani-kanilang lugar. Kaya naman kitang-kita nila ang nangyayari.
Kita rin nila ang pinsalang tinamo ng dalaga, ang damit nito ay may mga bahid ng dugo, ang paa nitong walang saplot, madumi at may mga sugat. Namumula pa ito at halatang pinilit na ilakad, kaya mas lalong nagdugo.
BINABASA MO ANG
Crown Series #1: The Dark Era of Diadem
FantasySeason 2 of Diadem (Season 1 is a must) Now that everything went into chaos, Lacy suffers from the loss of her grandfather and every people who are close to her. Moreover, the royal palace was ascertained as the origin of all the phenomena that take...