TW ⚠: torture, abuse
Isang madungis na Diana Roses ang naabutan ni Pickett nang makarating siya sa may basement, torture room, specifically. He'll do it by hook or by crook. Sagad na ang pasensya niya.
Lumaki siyang pasensyoso dahil kailangan iyon, para na rin hindi siya magpadalos-dalos sa mga desisyon na gagawin niya, makakapag-isip siya nang maayos pero ngayon; iisa na lamang ang gusto niya, ang makauwi.
Nanlaki ang mga mata ni Diana nang makita ang nakatakdang prinsipe. Mabilis niya itong nilapitan at hinawakan sa braso. Nanginginig ang dalaga, tila ba'y takot na takot sa nakapaligid na mga kabalyero. Marumi ito, tila ba hindi naligo sa dalawang araw na pagtakas niya, sira-sira rin ang damit, masangsang din ang amoy nito.
"Your highness! Please, help me! Your knights!" bakas sa mga mata nito ang takot. May iilang sugat ito sa katawan, may natuyong dugo rin sa kaniyang sira-sirang damit. Nakayapak nga lang ito.
"They were hurting me! I don't even know why! I didn't do anythingg, your highness! Please! Let me out of here, your highness!" she plead and begged Pickett. But the lad is just staring coldly at her.
"Your highness!" frustrated na tawag ng dalaga rito nang hindi siya pansinin.
Pickett tilts his head and he observe the behavior of the once neat and noble lady in front of him.
Napaatras naman si Diana sa tingin na binigay sa kaniya ng lalaki at para bang gusto niya na lang sumuksok sa corner ng kwarto kung nasaan sila.
Naglakad siya sa may long table na puno ng iba't ibang tools ang nakalatag. Nilapag niya ang espada niya sa lamesa. Ang mga gamit na iyon ay ginagamit nila pang-torture ng mga taong nahuhuli nila na ayaw magsalita o magbigay ng impormasyon, o 'di kaya'y mga taong may mabibigat na kasalanan.
"You can get out of here, Diana," he said. "In one condition."
Wala siyang narinig na sagot sa dalaga kaya nagpatuloy lang siya sa pagpili at pagtingin ng mga kalidad na kaniyang pwedeng gamitin.
"We both know what I am talking about and I am sure that you know why you are here also," aniya sa dalaga.
"Your highness," bulong ni Diana na may takot at nerbyos na nararamdaman.
"I'm still giving you a chance to talk, Roses. One last chance." Nanginig ang kalamnan ni Diana nang makita ang pamilyar na torture tool na hawak ni Pickett.
That's a scold bridle, used for women to punish them for being talkative, who make rumors about other people, spreads gossips, criticizes others, revealing secrets, and so on. In the mouth, the talkative harness was equipped with metal spikes that lacerated the tongue every time it moved. A very charming way to silence someone.
"Because you know, if you are not going to say the information we needed, then your mouth is useless. That tongue of yours is no benefit at all."
"Before they can do anything to you, might as well, I should shut you up first for life," Pickett threatened.
Kahit na kalmado ang itsura nito, halata sa boses niya at pagkilos ang galit niya sa dalaga.
Hindi makakilos at makapagsalita ang dalaga dahil sa takot na nararamdaman. Mabilis ang tibok ng puso niya, nanginginig ang buong kalamnan niya. Pakiramdam niya, ang paghinga niya ay bilang na bilang at ang buhay niya ay alam niyang hindi na tatagal kung hindi siya magsasalita at sasabihin ang lahat ng impormasyon na nalalaman at hawak niya.
Pero kung sasabihin naman niya, papatayin pa rin siya, hindi man ng mga taga-palasyo, kundi ng mga tulisan at ang mga nakatataas na nakaaalam sa kaniyang pagkatao. She's torn in between. Dahil kahit anong piliin niya, mamatay pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Crown Series #1: The Dark Era of Diadem
FantasySeason 2 of Diadem (Season 1 is a must) Now that everything went into chaos, Lacy suffers from the loss of her grandfather and every people who are close to her. Moreover, the royal palace was ascertained as the origin of all the phenomena that take...