Knock knock
Narinig ko ang katok mula sa pinto kaya naman mabilis kong isinara ang laptop ko, pumasok si Mama ng nakangiti at umupo sa kama ko "may problema ba Stae?"
Nginitian ko sya at parang normal lanh "okay lang ako Mama" sabi ko tsaka ko inilagay ang laptop ko sa lamesa
"I know you" sabi ni Mama tsaka nya hinawakan yung kamay ko "hindi ka okay"
Tumawa ako ng mahina "Mama naman, okay lang ako para ka namang hindi nasanay sakin ganto naman ako simula pa noon"
"Hindi ka ganyan nung nakilala mo si Zky, nakita ko yung totoong anak ko nung dumating sa buhay mo si Zky, napaka saya mo nung nakilala mo sya" sambit ni Mama na halatang malungkot at nag aalala para saakin ngayon
"Okay naman kami Mama madalas nga kami nag uusap" sabi ko sa kanya ng nakangiti
Hinagod ni Mama ang braso ko "may dumating na box dito kahapon, hindi namin alam kung kanino galing wala ring sinabi kung para kanino kaya binuksan namin, may girlfriend si Zky sa Japan?"
Habang sinasabi pa lang ni Mama ay parang alam ko na agad, malamang yung bruha na yon ang nagpadala non hindi sya mapakali at kating kati na masira kami "Mama naman naniniwala kayo don, baka naman pinaprank lang kayo" alam kong sa nangyayari ngayon ay baka mahirapan ako mapaniwala si Mama dahil may nakita na syang pruweba
Umayos si Mama ng upo at hinawakan ang dalawang kamay ko "kung ano man nangyari wag kang mahihiyang lumapit sakin, saamin ng mga Ate mo" hinagod ni Mama ang buhok ko "basta lagi mong tatandaan, may mawala man sayong isang tao marami naman kaming nasa paligid mo"
Ngayon ko nararamdaman yung suporta at pagmamahal nila sa akin. Simula nung nawala si Zky tumamlay na rin ako at bihira na nila ako nakakausap para bang bumalik ako sa dating ako.
Matapos ang ilang minuto ay nagmadali akong mag ayos ng sarili ko.
"Hi Blezy" bati ko sa kanya tsaka ako nakipag beso, nanlalaki ang mga mata nya dahil ako ang umupo sa harapan nya "nagulat ka ba?"
"Wait, naka reserve na yang upuan na yan" pigil nya sa akin at pinapaalis nya ako
Hindi ako maldita pero nalaban ako ng patas ayoko sa mga taong katulad nya mahilig mangialam ng mga bagay bagay sa buhay ng iba. Tumawa ako ng parang nang-aasar "Si Laura ba inaantay mo? Hindi sya pupunta dahil ako yung kausap mo. Ayaw mo sa akin makipag meet di ba! Bakit? Siguro may ginawa ka nu"
Nag cross arm sya ng parang matapang at akala mo ay walang ginawa, linis linisan "ano namang gagawin ko?"
"Gaano ka ba ka inggit sa akin? O baka naman gaano mo ba ka desperado na sirain kami ni Zky?" nanggigigil na ako at parang gusto ko na syang sabunutan, sa totoo lang ay ayaw ko talagang ipaalam kay Mama ang tungkol sa amin ni Zky dahil gusto kong solohin ang problema ko gusto kong ako mismo ang gagawa ng paraan para lang hindi sila magalit kay Zky pero dahil sa pakikialam ng babaeng yan nalaman na ni Mama
Uminom sya ng kape tsaka tumingin sakin "Nagpapatawa ka ba!! Ano namang ikaiinggit ko sayo? E' hindi naman na ikaw ang girlfriend ni Zky, actually mas bagay sila ni Akinna and beside of that hindi hamak naman na mas maganda sya kaysa sayo"
"Who cares!! Ikaw? Isa ka lang namang hamak na pakialamera't chismosa hindi ko alam kung ano bang ipinuputok ng butsi mo at pasok ka ng pasok sa buhay ko at isa pa kung anong meron man ngayon si Zky wala na kong pakialam sa kanya kaya kung gusto mo mang-himasok ng buhay ng iba, wag ako dahil kapag inubos mo pasensya ko baka kung ano lang magawa ko sayo" nanggigigil na sabi ko sa kanya, nakakarimarim ang pagmumuka nya ayoko ng makita sya pero sya ang lapit ng lapit sa akin "oo nga pala, may dumating na balita sa akin" nag-isip ako ng saglit at tumingin sa malayo, tsaka ko ibinalik sa kanya ang tingin ko "May kilala ka bang Liam? Ah syempre kilala mo sya, sya yung Ex mo di ba!! Actually may group chat kami nabanggit ba sayo ni Liam na trending ka sa group chat namin. Di mo naman sinabi may sex scandal pala kayo parang... isa dalawa tatlo parang anim ata yon infairness magaling ka daw kumanta kaya lang nakakahiya ka next time sabihan mo yung Ex mo na wag ng i-share sa iba yung mga ganung bagay, ang baboy mo tuloy" nakangiting kwento ko sa kanya, tumayo ako at kinuha ko ang bag ko tsaka ko dinampot ang isang basong tubig at ibinuhos ko sa ulo nya "don't fix other people's problems, mind your own"
Hindi ko na sana babanggitin sa kanya ang mga bagay na yon dahil alam kong private yon pero mas maigi na rin yon para alam nya ang ginagawa sa kanya ng Ex nya at aral na rin siguro yon sa kanya para hindi na sya mangialam sa iba. Alam kong mahihiya sya nung sinabi ko iyon kaya naman siguro ayon na yung rason para hindi na nya ako pakialaman at pasukin ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
ALLERGY
Novela JuvenilBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...