Kabanata 4

857 41 5
                                    

Because you've gonna let me standing all alone
and i know i've got to face tomorrow on my own
but baby, before i let you go
i want to say i love you
i hope that you listen cause it's true, baby
you'll be forever in my heart and i know that no one else will do

but baby, before i let you go
i want to say i love you

Tiwala ako sa boses ko na alam kong pwedeng ipanglaban sa mga singing contest kaya naman ang lakas ng loob ko na kahit naliligo lang ako lakas boses ang pagkanta ko

Naka balot ng twalya ang buong katawan ko habang ang buhok ko naman ay may balot na towel, ng biglang napatigil ako dahil may narinig ako na kumakatok mula sa pinto ng kwarto ko, alam kong naka lock naman yon kaya wala akong dapat na ikapangamba

Knock knock

Ilang beses din syang katok ng katok pero hindi ako nasagot dahil inaantay ko na sya ang unang magsalita

"Miss alam kong andyan ka at alam kong may tao dito, hindi naman ako masama gusto ko lang makipagkaibigan" boses ni Jerick mula sa pinto

Hindi pa rin ako sumagot sa sinabi nya at nananatili lang ako na hindi kumikilos dahil bawat galaw ko ay pwede nya marinig

"Miss sige na, di naman ako masama" sabi nya at napatawa lang ako ng mahina

"Jerick" boses ni Ate Kassie sa hindi kalayuan "Sinong kinakausap mo dyan? Yung pinto? Sige ka, baka sumagot yan"

"Ate Kassie no joke, alam kong may tao dito sa stock room" sabi ni Jerick na seryoso ang muka

Tumawa si Ate Kassie "Walang tawa dyan Jerick"

"Ate meron, alam kong meron" pilit nyang sabi kay Ate Kassie

"Gusto mo ba ipatawas ka namin? Baka minumulto ka na" seryosong sabi ni Ate Kassie

"Kung minumulto man ako, kung may multo man dyan sa loob ng stock room. Gusto ko syang makilala" seryosong sabi ni Jerick

"Halika, sumama ka sakin maggala tayo" sabi ni Ate Kassie sabay akbay kay Jerick

"Ayoko Ate" pigil ni Jerick sabay iling

"Sige, ikaw bahala basta sinasabi ko sayo Jerick walang tao dyan you are wasting your time" sabi ni Ate Kassie tsaka nya iniwan si Jerick sa labas ng kwarto ko

Knock knock

"Miss, alam kong nandyan ka ako nga pala si Jerick Montalvan, ikaw anong pangalan mo?" tanung ni Jerick "gusto ko lang makipag kaibigan

Panandaliang tumahimik at napagtanto ko na wala namang masama kung makipagkilala ako sa kanya dahil hindi naman maaapektuhan ang Allergy ko

"Stae ang pangalan ko" mahinang boses na pakilala ko

"Sa wakas nagsalita ka rin, sabi ko na nga ba may tao dyan e hindi ako nahihibang" masayang boses na sabi nya "Ang lambing naman ng boses mo, bakit hindi ka sumama sakin maggala tayo"

"Hindi pwede, hindi kita pwedeng makita" sabi ko sa kanya

"Ha? Bakit naman" nakakunot noo na tanung nya

"Mahirap ipaliwanag, hindi mo ko maiintindihan" mahinhin na boses na sabi ko sa kanya

"Maiintindihan ko yan, sabihin mo lang" pilit nyang sabi

"May allergy kasi ako" sabi ko habang nakatungo

"ahh you mean kaya hindi kita pwede makita kasi may skin problem ka? Okay lang yon hindi naman kita huhusgahan" strong voice na sabi nya

"May allergy kasi ako sa lalaki" mabilis kong sabi

"Ha? Nagbibiro ka ba?" di makapaniwalang sabi nya

"Tingin mo ba nagbibiro ako?" sabi ko sa kanya

"May ganun ba? Parang wala naman" di makapaniwalang sabi nya "ngayon lang ako nakarinig ng ganun, may allergy sa lalaki"

"Anyway, kahit sinong malapit sayo na pupunta dito pwede bang itago mo ko, yung wala kang kilalang Stae" paliwanag ko sa kanya

"Sure, no problem" sabi nya sabay ngiti

"Mamaya na tayo mag-usap, i have something to do" sabi ko sa kanya

"Sige, i am really happy to meet you" masayang sabi ni Jerick

Kahit papaano gumaan naman yung pakiramdam ko dahil for the first time na may nakausap ulit akong lalaki

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon