Inilapag ng isang kasambahay ang isang pares ng tsinelas sa gilid ng kama ko at isinuot ko naman iyon
"Okay ka lang?" tanung sa akin ni Clyde
Tumango ako sabay ngiti, umupo sya sa tabi ko at hinawakan nya ang kaliwang kamay ko "Thank you" sabi ko tsaka ko hinawakan ang kamay nya
"Kahit ano!! Basta ikaw" nakangiting sabi nya
Natatandaan ko lahat ng nangyari kagabi, bago pa man dumating si Zky ay tinawagan ko na si Clyde para tulungan akong makalabas ng building at nangyari naman, dumating si Clyde at nailabas ako ng building hindi nya na rin ako dinaretso sa bahay dahil alam nyang may mga reporters doon na inaantay ang pag dating ko kaya naman mas pinili ko na tumuloy muna sa bahay ni Clyde
Napaka ganda at napaka lawak ng labas ng bahay ni Clyde, napaka dami nyang kasambahay dahil na rin siguro sa wala na syang pamilya kaya naman napaka bait nya sa mga ito maging sa mga hardinero ay napaka bait nya rin
"Ma'am" tawag nya at napalingon naman ako
"Yes po?" tanung ko
"Pwede po ba magpa-picture?" tanung nya sakin habang hawak nya ang isang cellphone
Ngumiti ako at tumango "wait" pigil ko "pero walang magpopost dahil baka malaman nila na nandito ako"
Tumango sya habang nakangiti "Hindi po ako magpopost Ma'am ike-keep ko lang po to sa album ko kasi palagi akong nakikinig sa radio nyo Dj Stae"
"Thank you" sabi ko habang nakangiti
Nagpicture kami ng madami, maging ang iba pang mga kasambahay ay nagpapicture na rin, tiwala naman ako na hindi sila magpopost dahil na rin alam kong tiwala din sa kanila si Clyde
"Ma'am pwede mag tanung?" tanung nya sakin habang nakataas ang kanang kamay at tumango naman ako "ano ka po ba ni Sir Clyde?"
Tumawa ako ng mahina "malapit sakin si Clyde" sagot ko
"E' ano ka po ba ni Zky?" tanung nya sakin at natahimik ako "okay lang naman po kung hindi mo sagutin Ma'am"
"Wala!! Hindi kami, wala kaming connection" sagot ko at ngumiti lang sya
"Ahhh" sabi nya habang natango "kilala mo po ba si Akinna?"
Tumango ako "why?"
"Ang ganda ganda nya, bagay na bagay sila ni Zky" sabi nito habang kinikilig "Oo nga po pala Ma'am Staecy, may boyfriend ka po ba?" sabi nya at umiling ako "sana ikaw na makatuluyan ni Sir Clyde para naman kahit papaano makita naman namin sya na maging masaya"
Maging yung mga kasambahay nya ay napamahal na rin kay Clyde, napaka swerte nila kay Clyde dahil napaka buti ng puso ng amo nila at masaya din naman ako na nakilala ko si Clyde
"Nakita ko sya kaninang masaya habang kausap ka, sana makita namin yon araw araw" sabi nya sakin habang seryoso "sige na Ma'am, maglalaba pa ko"
Ng maiwan ako doon mag-isa ay biglang nag ring ang phone ko at sinagot ko naman iyon
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko Staecy, babalik balik ka na naman dyan sa Zky na yan" sigaw ni Mama mula sa kabilang linya at inilayo ko naman ang tainga ko "nasaan ka? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Siguro nasa bahay ka ng Zky na yon"
"Mama pwede ba huminahon ka" sabi ko habang naka kunot ang noo
"Paano ako hihinahon? Paano ako kakalma? Kung malalaman ko na yang pagmumuka mo at ang pagmumuka ng Zky na yan ay nagkalat sa social media, ano? Okay na kayo? Binalikan mo na sya?" daredaretso sabi ni Mama
Napakamot ako sa ulo "Ma, ayoko ng pag-usapan yan kung ano ano na ngang nangyayari sakin ganyan pa kayo, tsaka nyo ko kausapin kapag okay na lahat. Okay ako, andito ko sa bahay ni Clyde" sabi ko tsaka ko pinatay ang linya
Naririndi na ko, ang dami ko na ngang problema nadagdag pa si Mama. Hindi okay sakin yung mga nangyayari ngayon, ayoko ng ganito hindi ako makapag trabaho dahil lang sa bagay na yon
Inayos ko ang kwelyo ng damit ko, tsaka ko inilagay ang pouch sa bag ko "wag kayo mag-alala, tatawagan ko si Clyde tungkol sa pag-alis ko dito" sabi ko kasambahay tsaka ko nagsimula maglakad
Nag taxi lang ako, papuntang company "saglit lang Kuya" pigil ko habang nakatingin ako sa labas ng building ng company
"Miss ano ba? Bababa ka ba? Kanina ka pa, kanina pa tayo dito" galit na sabi nung driver sakin
"Saglit lang Manong, konti na lang magbabayad naman ako" sabi ko sa kanya habang nakasilip ako sa bintana
"May pupuntahan pa ko Miss baka gusto mong bumaba na" hirit ni Manong at sinamaan ko lang sya ng tingin, kumuha ako ng pera sa bag ko tsaka ko iniabot sa kanya ang bayad "Kulang to, kanina pa tayo dito eto lang ibibigay mo" kumuha pa ko ng pera sa bag ko tsaka ko iniabot sa kanya
Pagkababa ko ay nakatungo ako at normal akong naglakad papunta sa ibang daan para makapasok sa building pero biglang may sumalubong sakin na nakafacemask na black at naka sumblero "wala akong panahon sayo" sabi ko kay Zky, nilagpasan ko lang sya pero hinigit nya ang wrist ko para humarap sa kanya "Ano ba!!" sabi ko, isinuot nya sa ulo ko ang suot nyang sumblero
"Ayon sya" sigaw ng isa sa mga reporters
May humigit ng kamay ko tsaka ako tinakluban ng jacket, nagmamadali kaming sumakay ng kotse habang takip takip nya ako
Pagkasakay namin ng kotse ay agad itong pinaharurot ng takbo "bakit umalis ka sa bahay?" tanung ni Clyde sa akin
"Hindi kasi pwedeng nakakulong lang ako, kailangan ko magtrabaho Clyde" sagot ko at mukhang galit na ang itsura ni Clyde
"Padalos dalos ka Staecy, mainit ka sa mga mata ng reporters at sa mga fans ni Zky. Paano na lang kung anong nangyari sayo" galit na sabi ni Clyde, ngayon ko lang nakita si Clyde na magalit ng ganun
"Clyde please" nagsusumamong sabi ko sa kanya
Napabuntong hininga sya "Tita Ayie told me to take care of you, ayokong sirain yung pangako ko kay Tita" sabi nya sa akin at nagsimulang umandar ang kotse
![](https://img.wattpad.com/cover/26437033-288-k572785.jpg)
BINABASA MO ANG
ALLERGY
Teen FictionBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...