Iminulat ko ang mga mata ko tsaka ko inilibot ang tingin ko "Ma anong nangyari?" tanung ko na parang wala sa sarili
"Nahimatay ka na naman, okay ka lang ba Anak?" tanung sakin ni Mama habang hinahagod ang ulo ko
Hinawakan ni Ate Sassy ang kamay ko "May naaalala ka ba sa nangyari?" nag-aalalang tanung ni Ate
Isang lalaki ang nakita ko kaya nahimatay na naman ako, sumumpong na naman ang Allergy ko hirap na hirap na ko sa nangyayari ayoko na ng ganito at gusto ko mawala ang allergy na to
Masamang bangungot at hindi makakalimutang alaala at pangyayari sa nakaraan, ang hirap kalimutan dahil kahit anong saya ang nararamdaman ko nakabaon at nakaukit na sa isipan ko ang pangyayari bakit ba kailangan kong dumating sa punto na ayoko na sa lalaki? Bakit ba nangyayari sakin ang mga bagay na to? Bakit ba ko pinarurusuhan ng ganito?
"Bakit? Wala ba kong karapatan magmahal? Hindi ko ba deserve na mahalin?"
Mga paulit ulit na tanung ko sa sarili ko hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihirap at kung hanggang kailan ako ganito. May taong darating ba para tanggapin kung sino ako at kung ano ang nakaraan ko, sana meron dahil ganito lang ako deserve ko naman siguro ang isang lalaki na tatanggapin ako ng buo kahit may nakaraan ako.

BINABASA MO ANG
ALLERGY
JugendliteraturBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...