Nag-aayos sila ng mga gagamitin para bukas, kinokontak na rin nila ang mga mag-aayos para bukas. Excited na sila para sa pagtungtong ko sa eighteen samantalang ako ay may halong saya na may halong lungkot parang ayoko ng eighteen gusto ko na agad ng nineteen "maghanda na lang tayo ng konting kainan, wag nyo ng bonggahan" sabi ko sa kanila ng nakasimangot ang muka ko
Umiling si Mama "hindi pwede, alangan naman na ikaw lang ang walang magarbong debut, ang mga Ate mo ang gaganda nung nag debut Staecy" sabi sakin ni Mama habang naka taas ang kilay
Kumamot ako sa ulo "Mama naman e' okay lang naman sakin kahit hindi magarbo"
"Pwes, hindi okay sakin" sabi ni Mama na parang naiinis na sakin
"Uhm" sabi ni Ate Sassy tsaka nya ibinaba ang phone nya sa table "Tinawagan ko na yung paggaganapan ng venue tapos bumisita daw tayo mamaya para malaman nila kung anong ayos ang gusto natin"
"Tapos naibigay ko na rin yung payment doon sa nabiling gown para sa susuotin ni Staecy bukas sabi nila mamaya daw idedeliver nila dito yung apat na gowns" sabi ni Miss habang hawak nya ang ballpen
"Hindi ba talaga makakauwi si Zky?" tanung ni Mama sakin
Umiling ako sabay pilit na ngiti "hindi sya makakauwi, masyado syang busy"
"hindi kaya nagloloko na si Zky?" tanung ni Ate Sassy ng nakakakunot ang noo
Hinampas ni Mama si Ate Sassy sa braso "hoy kung ano anong iniisip mo Sassy, hindi naman siguro ganun si Zky"
Ngumiti ako ng pilit "hindi ganun si Zky, hindi nya naman siguro gagawin yon"
"Oo naman, isa pa halata naman kay Zky na mahal na mahal nya si Stae" pagtatanggol ni Miss
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi, nakikita ko kasi sa kanila na malaki yung tiwala nila kay Zky at parang nakasisiguro sila na hindi gagawin yon ni Zky. Napatingin ako sa phone ko ng biglang mag ring yon kaya sinagot ko naman agad "Hello"
"Hi Staecy, kilala mo pa ba ko?" masayang tanung nya sakin, nag-isip ako at parang wala naman akong kilala na ganun ang boses hindi rin naman familiar ang number nya "ako si Blezy yung Ex ni Zky, pwede ba tayo mag meet?"
"Bakit? Para saan?" tanung ko sa kanya
"Basta mag kita na lang tayo, may mahalaga akong sasabihin sayo" sabi nya sakin at biglang naputol na lang ang linya, may narecieve akong text kung saan kami magme-meet
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko "may pupuntahan lang ako" sabi ko sa kanila tsaka ako nagpunta sa kwarto ko
Nagparamdam na naman sya, siguro nabalitaan nya na umalis si Zky o baka nabalitaan nya na hindi na nagpaparamdam sakin si Zky wala na naman siguro syang guguluhin kasi wala na dito si Zky, si Zky lang naman ang habol nya.
Pumasok ako sa isang cafe at nakita ko agad si Blezy na nakaupo at may coffee sa table, nilapitan ko sya tsaka ako umupo sa harap nya "anong kailangan mo?" tanung ko sa kanya
Nakit ko syang ngumiti sakin kahit mukang plastic pero nag cross arm lang ako "nabalitaan ko na umalis na si Zky, buti naman hindi mo sya pinigilan"
"Bakit ko naman sya pipigilan iyon ang propesyon nya" sagot ko sa kanya
"Hindi ka ba nagsisi kay Zky ngayon?" tanung nya sakin tsaka sya uminom ng kape
Tumawa ako ng mahina "Bakit naman ako magsisisi? Wala naman akong dapat pagsisihan isa pa masaya kami kung anong meron kami ngayon"
"Ohh, talaga?" sabi nya na parang nang-aasar pa "hindi ka ba natatakot na baka magkaroon sya ng iba doon sa Japan?"
"Bakit naman ako matatakot? May tiwala ako sa kanya, malaki ang tiwala ko kay Zky" sagot ko sa kanya
"I see" sabi nya sabay tango "nabalitaan ko, debut mo bukas invited ba ko?"
Tumawa ka ng parang nang-aasar "pwede kang pumunta bukas, just bring your partner"
"Sure, thanks" sabi nya tsaka inilagay sa lamesa ang isang box na may lasong pula "my advance birthday gift"
"No need" sabi ko sa kanya at itinulak ko ang box sa harap nya
"No!! This is for you" sabi nya sakin tsaka nya inilapit ang box na may laso "my birthday gift"
"Dapat hindi ka na nag-abala pa" sabi ko sa kanya habang nakangiti
"Why don't you open" sabi nya sakin sabay ngiti
Tinanggal ko ang buhol ng laso tsaka ko tinanggal ang takip ng box bumungad sakin ang picture ng isang babaeng babae dinampot ko iyon sa loob ng box tsaka inilapit sakin "sino to?" tanung ko sa sarili ko habang nakakunot ang noo ko
"Hindi mo sya kilala? Sya yung girlfriend ulit ni Zky, her name is Akinna Johnson why don't you search her she's really famous" sabi ni Blezy sabay ngiti sakin "ang ganda nya no!!"
Umiling ako habang tinitignan ko ang mga pictures "hindi" sabi ko sa kanya tsaka ko ibinalik yung mga pictures sa box at itinulak papunta sa kanya
"Nagulat ka ba?" tanung nya sa akin ng nakangiti "actually matagal na sila, bago pa maging kami ni Zky sya yung nauna, nung nag break sila ako yung sumunod nung nag break kami ikaw yung sumunod ang kamalasan lang ay nasa iyo, why? Dahil ikaw girlfriend nya ngayon and at the same time girlfriend nya rin yon, get it!"
"Ano bang sinasabi mo Blezy? Ginagawa mo ba to dahil inggit ka lang o hindi ka maka move on o baka naman, both" sabi ko sa kanya habang nagtitimpi ako ng galit ko
Tumawa sya ng malakas na talagang nang iinis "Hello Staecy!! Magising ka sa katotohanan" sabi nya habang lumapit sya sa lamesa "listen, marami pa akong ikekwento sayo"
Hinampas ko ng palad ko ang lamesa kung saan ay nagtinginan sa amin ang iba pang customer "ayokong marinig kung anong gusto mong sabihin" akmang aalis ako pero isang hakbang pa lang ay hinawakan nya ko sa wrist
"Alam mo bang magkasama sa Japan si Zky at Akinna" sabi nya sakin sabay bitaw sa pagkakahawak nya sakin "Wag ka kasing magmamahal ng hindi mo pa lubos na kilala, ayan tuloy nasasaktan ka"
Iniwanan ko sya doon nagmadali akong mag lakad palayo sa cafe na yon, ang lakas ng kabog ng dibdib ko parang sasabog sa galit sunod sunod na tumulo yung luha ko nakatingin sa akin ang mga nakakasalubong ko maglakad hindi ko mapigilan ang sarili ko na ibuhos yung luha ko alam kong muka akong tanga pero nasasaktan ako paulit ulit sa isipan ko ang mga sinabi ni Blezy hindi ko man alam ang totoo pero nasasaktan ako, wala kaming communication ni Zky ni text, tawag, email wala man lang kaya hindi ko masisisi yung sarili ko kung bakit ako nasasaktan ng ganto kung bakit naniniwala ako sa mga sinasabi ni Blezy. Ang sakit!! Bakit nya ginawa yon? Bakit walang pasabi? Alam kong wala akong karapatan magalit dahil walang kami pero kasi nangako sya sa akin na babalik sya, na ako lang ang mahal nya kaya naasa ako at isa pa mahal na mahal ko si Zky.
9:23 PM
Sinalubong nila ako pagka pasok ko ng bahay "Anak anong oras na, bakit ngayon ka lang umuwi?" sabi ni Mama sa akin
"Staecy nag-aalala kami hindi mo kasi sinabi kung saan ka pupunta" sabi ni Ate Sassy sa akin at hinagod naman ni Miss ang buhok ko
"Okay ka lang ba Anak?" tanung ni Mama sa akin
"Sorry kung nag-alala kayo sa akin, magpapahinga na ako" sabi ko sa kanila at matamlay akong naglalakad papunta sa kwarto ko
Pag sara ko ng pinto ay ini-lock ko iyon tsaka ako dahan dahan na umupo sa kama ko, kinuha kong phone ko tsaka ko tinawagan si Zky "sagutin mo" bulong ko, nagriring lang pero walang sumasagot sinubukan ko ulit tawagan hanggang sa unti unti ng natulo yung luha ko "sagutin mo Zky" sabi ko sarili ko, hindi talaga sinasagot sinubukan ko ulit pero hindi pa rin sinasagot hindi ko na alam yung gagawin ko, nasasaktan ako ng sobra mahal na mahal ko sya.
BINABASA MO ANG
ALLERGY
Teen FictionBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...