Kabanata 30

9 2 0
                                    

Marami akong regalo na natanggap, pero wala ako sa mood magbukas naka istock lang sa gilid ng table ko sa kwarto ang mga regalo pinipilit nila ako na buksan ko na pero ayoko pa ewan ko ba gusto ko na lang lagi na nakahiga ako para bang wala sa mood ayoko rin magkikilos take note hindi ako buntis wala lang ako sa mood. Masaya naman ako sa mga kaganapan kahapon, masaya naman sila at maraming nag enjoy at dumalo naging masaya rin naman ako kahit papaano ipinakita nila sa akin lahat na kahit hindi man nila alam na malungkot ako napangiti naman nila ako.

"Staecy" tawag ng mula sa pinto ko tsaka ito pumasok sa kwarto ko "bumaba ka na at kakain na kayo, kagabi ka pa hindi nakain"

"Busog ako Manang Hena" sabi habang nakahiga ako at nakatingin lang sa bintana

Lumapit sa akin si Manang Hena tsaka umupo sa kama ko "paano ka naman nabusog e' kagabi ka pa hindi nakain alas tres na ng hapon wala pa ring laman yung tiyan mo, halika na kumain ka na"

"Manang kayo na lang, ayoko talagang kumain" sabi ko sa kanya

Hinawakan ni Manang ang bewang ko "may problema ka ba? O mah nangyari ba?"

"Wala naman Manang, pagod lang siguro ako" sabi ko sa kanya at hinayaan nya na akong mag-isa doon, matagal na rin naming kasambahay si Manang kaya naman siguro nararamdaman nya at alam nya kung bakit ako ganito ngayon

Kung babalikan ko yung mga nakaraan namin ni Zky parang ayoko ng umalis sa nakaraan na yon gusto ko ng itigil doon ang oras at gusto ko na lang sya makasama, ayokong hilingin na sana hindi na lang sya napasama sa entertainment na yon ang hinihiling ko na lang sana bumalik sya kasi gusto ko pa sya makasama gusto kong pang ipaalam sa kanya kung gaano ako kasaya nung nakilala ko sya gusto ko pang malaman nya kung gaano sya kahalaga sa akin at kung gaano ko sya kamahal. Parang gusto ko na naman ibalik yung sarili ko sa dati, sa allergy edi sana ako lang ulit mag-isa edi sana hindi ko to nararamdaman ngayon edi sana kontento ako sa kung anong meron ako ngayon, gusto kong sabihin sa sarili ko na 'okay lang yan Staecy sabi nila strong ka ipakita mo sa kanila yon, alam kong nasasaktan ka ngayon pero hindi rason yon para maging mahina ka ulit basta tandaan mo na kapag mas  malaki yung pagsubok mas maganda yung darating'.

Kinuha ko ang phone ko tsaka ko tinawagan si Laura "Laura"

"Ow why Stae?" tanung sakin at may mga ingay ako na naririnig mula sa kanya

"Free ka ba today?" tanung ko sa kanya

"Naku Staecy, pasensya na nagbebebe time kasi kami ni Jerick, nasa Cebu kami ngayon" paliwanag nya at lalo naman akong nalungkot

"Ganun ba! Sige, enjoy kayo" sabi ko at agad ko naman pinutol ang linya

Paano ko ba lilibangin yung sarili ko? Lungkot na lungkot ako pakiramdam ko nag-iisa na naman ako, kahit gusto ko man mag share sa iba hindi ko magawa ayokong malaman na naman nila na malungkot na naman ako at may pinagdadaanan.

Inayos ko ang sarili ko. Habang pababa ako ng hagdan ay naka tingin sila sa akin "may pupuntahan lang ako" sabi ko sa kanila

"San ka pupunta? Hindi ka pa nakain Staecy" sabi ni Ate Sassy sa akin

"Mabilis lang ako, uuwi din ako agad" sagot ko

Gusto ko sanang sabihin na, aalis ako at lilibangin ko ang sarili para naman hindi ako malungkot at makalimutan ko ang nararamdaman ko pero hindi ko masabi, wala akong lakas ng loob. Mahina na naman ako.

Andito ako ngayon sa sementeryo, sa puntod ng Ate ni Zky inilapag ko ang isang basket na bulaklak tsaka ko sinindihan ang kandila

Sana natatandaan mo pa ko Ate, ako nga pala si Staecy ako yung kasama ni Zky na pumunta dito noon. Ako nga, ako nga yung babaeng ipinakilala nya sayo ako nga yung babaeng mahal na mahal nya alam mo ba Ate hindi na sya nasagot sa mga tawag ko sabi ni Blezy girlfriend daw ni Zky si Akinna sana hindi totoo yon kasi mahal na mahal ko yung kapatid mo masaya ako na nakilala ko sya pero mas magiging masaya ako kung magiging parte sya ng mundo ko, bulungan mo naman si Zky o' sabihin mo sa kanya tawagan nya naman ako nami-miss ko na kasi sya, nami-miss ko na yung lambing nya, yung flowery words nya, pati yung sasabihin nya ko ng mahal na mahal nya ko. Alam mo Ate sa totoo lang alam ko yung pakiramdam mo dahil isa rin akong rape victim mas malala nga lang yung nangyari sayo pero kung hindi ka nawala ng maaga nasisiguro ko na may takot man dyan sa puso mo pero mgiging masaya ka kasi maraming magmamahal sayo, sana na meet kita ng maaga kaya lang huli na sa ibang way na kita na meet.

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon