Kabanata 38

8 2 0
                                    

Napatigil ako ng paglalakad ng biglang sumalubong saakin si Zky na may hawak na ice coffee, ibinaling ko ang tingin ko sa iba tsaka ko nagsimulang maglakad para lampasan sya

"Para sayo" boses ni Zky at napahinto ako ng paglalakad, pumunta sya sa harap ko "hayaan mo naman ako magpaliwanag Staecy, please"

"Hindi mo na kailangan magpaliwanag Zky, ang kailangan ko lang layuan mo ko, tigilan mo ko, wag mo na kong kausapin" sabi ko sa kanya na masama ang pagkakatingin

"Dahil ba kay Akinna?" tanung nya sakin at lumapit sya "Staecy wala kaming relasyon ni Akinna"

"Zky tama na, hindi mo na kailangan magpaliwang dahil kahit anong meron kayo ng Akinna na yon wala akong pakialam sainyo, wala akong pakialam sayo" galit na sabi ko sa kanya

Pilit nyang hinahawakan ang kamay ko pero nag pupumiglas ako "please Staecy, mahal na mahal kita" sabi nya at pilit nya akong niyayakap

Itinulak ko sya ng malakas "Zky ano ba!! Umayos ka nga, baka may makakita satin"

"Wala akong pakialam Staecy please patawarin mo, kausapin mo naman ako" sabi nya na nagsusumamo ang muka

"Zky ano ba!!!" Sigaw ko sa kanya "tigilan mo na ko, lalo mo lang akong pinapahirapan"

"Staecy hindi kita titigilan, mahal na mahal kita" nagsusumamong muka na sabi nya sakin

Nahihirapan ako sa mga nangyayari, dapat hindi na lang bumalik dito si Zky masyadong nagugulo yung buhay ko. Okay na ko, tahimik na ko hindi ko na sya kailangan sa buhay at habang kinakausap nya ko mas nangingibaw ang galit ko

"Hayaan mo ko magpaliwanag, please Staecy please" pagmamakaawang sabi ni Zky

"Zky, hindi mo na nga kailangan magpaliwanag dahil tapos na tayo wala ka ng dapat ipaliwanag dahil wala namang tayo hindi naman naging tayo wag mo na depensahan yung sarili mo dahil hindi ko kailangan ng paliwanag dahil wala na yon sakin, zky hindi naman kita mahal, hindi na kita mahal please zky tumigil ka na" paliwanag ko sa kanya tsaka ko sya doon iniwan

Nahihirapan akong kumilos, nahihirapan akong gumawa o magsalita dahil sa iisa ang pinagtatrabahuhan namin ni Zky ayoko namang malaman ng mga ka workmates namin na magkakilala kami ni Zky noon pa ayokong magbigay ng issue, past na ako ni Zky at wala ng dapat ibalik pa

Ibinaba ko ang bag ko sa upuan tsaka ko hinawi ang buhok ko sabay upo "ano na naman yon?"

May inilapag si Laura na isang invitation sa lamesa tsaka nya itinulak palapit sa akin "sana pumunta ka"

Kinuha ko ang invitation tsaka ko iyon binuksan at binasa tsaka ako pasimpleng tumawa "well congrats"

"Yun lang? Walang pa gift?" sabi nya sakin sabay kura

Hinampas ko ng mahina ang palad nya "next time kapag pinalabas na sa tv yung sinulat mo"

"Paano naman lalabas sa tv yung sinulat ko e' ayaw mo nga magpa-interview" sabi nya sakin sabay irap

Ngumiti ako "ayoko, alam mo naman ayoko talaga"

"Sige na Stae mukhang okay na naman kayo ni Zky e' muka ngang close na ulit kayo sa mga sinasabi nyo kapag nakikinig ako ng radio" kwento ni Laura

Umiling ako "NO" sagot ko

"Ang hirap mo naman pilitin, parang wala naman tayong pinagsamahan" sabi ni Laura tsaka sya nag cross arm

"Break na kayo ni Jerick?" tanung ko sa kanya ng maiba

"Oo" mabilis na sagot nya

"Ano na namang ginawa mo?" nakakunot noo na tanung ko sa kanya

"Hindi ko kasalanan yon, wala akong kasalanan" sabi nya sakin ng nanlalaki ang mata

"Bakit nga? Ano ngang nangyari?" tanung ko

"Hayaan mo na, ayoko na sa kanya" sagot nya

"Si Laura parang tanga, bakit? Bakit nga? Ang tagal nyo na ni Jerick a' ngayon pa kayo naghiwalay" sabi ko sa kanya ng naka taas ang isang kilay

"Wag mo ng isipin yon, hayaan mo na kalimutan na lahat" sabi nya

Ang tagal na rin nila ni Jerick pero nagulat ako ng sobra ng biglang malaman ko na hiwalay na pala sila, sobrang mahal nila ang isa't isa kaya hindi ako makapaniwala na maghihiwalay talaga sila sobrang sweet pa nga nila akal ko rin sila na ang ikakasal pero maghihiway din pala sila

"Pumunta ka sa book signing ko ha!!" sabi sakin ni Laura

"Ano namang gagawin ko? Magpapa autograph sayo" pabirong sabi ko sa kanya

"Para ka talagang ano, wala ka manlang ka support support sakin" sabi nya ng malungkot ang muka

"Ako nga dapat ilibre mo kasi pumatok yung talambuhay ko" sabi ko sa kanya sabay higop ng ice coffee

"Sa susunod na kapag nagpa interview ka" pabirong sabi nya

"Aba!! Ang kapal naman kalyo mo Laura kahit wag mo na ko ilibre" sabi ko sa kanya

"Nakakaasar ka talaga Stae, suportahan mo naman ako last na talaga to magpainterview ka na gusto kasi nila makilala kung kanino ba talaga yung buhay non at mas magiging patok yon kasi hindi ine-expect ng lahat na si Zky yung lalaking nagpapatibok ng puso ni Staecy" paliwanag nya

"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?" tanung ko ng seryoso ang muka

"Nakakaasar naman to, sige na!! Kapag naman nagpa-interview ka babayaran ka naman nila" paliwanag nito

Umiling ako sabay iling "kahit na, NO" sagot ko

"Ang hirap mo naman pilitin, nakakainis ka" sagot nya ng naka sambakol ang muka

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon