Nakaupo ako sa sofa namin, nasa gilid ko ang maleta habang nakapatong naman doon ang jacket ko
"Are you excited?" tanung ni Miss Angela
"Andyan ka na po pala" sabi ko sabay beso "naeexcite ako na kinakabahan"
"Mawawala din yung kaba mo" sabi nya sakin habang nakangiti "blind fold na natin yung mata mo para maalalayan kit papuntang van"
Hawak ni Miss ang kamay ko habang inaalalayan ako papunta sa van, pagkasakay ko sa van ay agad ko namang tinanggal ang blind fold ko
"Staecy" masayang bati ni Laura tsaka nya ko niyakap "ang tagal din natin hindi nagkita, namiss kita ng sobra"
"Ako rin na miss din kita"nakangiting sabi ko sa kanya sabay hagod sa buhok nya "ang ganda mo pa rin"
"Mas maganda ka sakin baliw" sabi nya at napatawa naman ako
"Namiss ko tong pagsasabi mo sakin ng baliw" sabi ko sa kanya
Malapit talaga kami ni Laura sa isa't isa, matalik ko syang kaibigan kahit noon pa man alam nya ang mga bagay bagay tungkol sakin maging ang allergy ko man
"Ngayon na lang ulit tayo nagkasama sama, mukang may new classmate tayo" sabi ni Lhaine at napatawa si Miss Angela
"Students wala kayong new classmate, yung iba hindi pa sya nakikita ngayon pa lang, her name is Staecy isa rin sya na katulad nyong online school lang" pakilala ni Miss saakin
"Ikaw pala yon, ang ganda mo naman sa personal" nakangiting sabi ni Rica
"Salamat, pasensya na kung hindi ako nasama kapag may mga outing kayo nila Miss mahirap kasi yung sitwasyon ko" paliwanag ko
"Anak mayaman ka siguro" singit ni Hanna
"Ang laki kasi ng bahay nyo" sabi naman ni Janeth
"Mayaman nga, mansyon ang bahay" singit naman ni Lhaine
"Hindi naman, i'm sure ganyan din yung mga bahay nyo" sabi ko sa kanila
"Hindi naman ganun ang bahay namin yung sayo kasi mansyon" sabi ni Janeth at napangiti ako
"pwede ba kaming pumunta sa inyo?" tanung ni Lhaine
"Oo ba, i will inform you guys kapag pwede kayong pumunta sa bahay" sabi ko sa kanila at natuwa naman sila
humarap ako kay laura "buti na lang sumama ako" nakangiting sabi ko
"Oo nga, atleast nakilala mo sila" sagot naman ni Laura "alam mo, mababait sila pwede mo silang maging kaibigan kasi hindi sila mga plastik"
Ilang oras din kami nakakulong sa van at walang ginawa kundi matulog at kumain
"We're here" sabi ni Miss at nagising na ang mga natutulog
Nagbabaan na sila sa van pero kinakabahan ako at ayoko pang bumaba
"Tara na Stae" yaya ni Miss
Akma akong magsusuot ng blind fold pero kinuha ni Miss ang blind fold ko
"no need Stae kasi puro babae yung nagtatrabaho dito sa beach" nakangiting sabi nya
"Parang hindi ako komportable, kinakabahan ako" sabi ko sa kanya
"Forget about your allergy, mag-enjoy tayo" singit ni Laura
Naka short lang ako tapos fitted na damit nag shades ako at nagsuot ng hat. Pagbaba ko ng van ay iginala ko yung mga mata ko
"Tayo lang ba tao dito?" tanung ko
"Siguro, hindi ka naman pababayaan ni Miss" sagot ni Laura
Tahimik sa lugar na to at mukang kami nga lang siguro ang narito, inihatid kami sa mga room namin halos magkakatabi lang naman kami ng room dahil ang bawat room ay for 2 person lang
"Miss pwede na ba mag swimming?" naririnig kong tanung ni Janeth sa hindi kalayuan
"Go ahead" masayang sagot ni Miss
Nauna na sila at natira lang kami dun ni miss at ni laura, marami pang takot at pangamba sa isip ko
"swimming na tayo?" tanung ni Laura
"Mauna na kayo" pilit na ngiti na sagot ko sa kanya
"Sure ka Stae?" tanung ni Miss Laura at tumango lang ako sabay ngiti
Naiwan ako dun mag-isa, wala akong magawa nangingibabaw pa rin yung takot, ilang sandali lang ay biglang nagring ang phone ko
"Hello Stae" sabi ni Ate Sasy mula sa kabilang linya
"Oh? Ate Sassy bakit napatawag ka?" tanung ko
"sinabi kasi sakin ni Ate Kass na umalis ka, san ba yang outing nyo?" tanung nya
"Ate hindi ko alam kung saan to pero isa syang private beach, i think safe naman ako dito" paliwanag ko
"maigi naman kung ganun" kampanteng sabi nya "oo nga pala ilang days ba kayo dyan?"
"Ate hindi ko alam pero feel ko magtatagal kami dito" sagot ko
"baka naman sumpungin ka pa dyan ng allergy mo" sabi nua
"hindi naman siguro mangyayari yun, wag naman sana" sagot ko
"take care of yourself kasi wala kami dyan hindi ka namin maalagan" malambing na boses na sabi nya
"Ate? Anung tingin nyo sakin baby? At kailangan nyo pa kong alagaan" pabirong sabi ko at napatawa naman sya
Hindi ko pa ibinababa yung phone ng biglang dumating si laura pati na rin yung mga iba naming classmate
"Tara na Stae" yaya ni Janeth
"sige, susunod na ko" sabi ko sa kaniya
Bigla akong hinila ni Janeth at naki sali na rin yung iba
"Hello Ate, mamaya na, bye" sabi ko at pinutol ko na ang linya tsaka ko binitawan ang phone ko
hinila nila ako at pagkadating namin sa beach ay agad nila akong binasa
"Ang lamig" sigaw ko habang nakangiti
Ang saya namin, ngayon ko lang naramdaman na sobrang saya na kasama ang mga kaibigan ko
BINABASA MO ANG
ALLERGY
Fiksi RemajaBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...