Bakit allergy pa?
Am i a bad person to have this?
I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan.
How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt?
--
Stae...
Unti unti na silang nag dadatingan, bihis na si Ate Sassy at si Ate Kassie at ako andito pa rin sa kwarto nakahiga sa kama nagbabasa ng libro, mag-isa pa rin at ayaw ko pa rin lumabas sa kwarto na to
Knock knock
"Kami to Staecy" boses ni Laura na mula sa labas ng kwarto ko
Tumayo ako mula sa kinahihigaan ko at tsaka ko binuksa ang pinto ng kwarto ko
"Bakit umakyat pa kayo dito?" tanung ko sa kanila at inilock ko ulit yung pinto
"Bakit hindi ka pa nag-aayos?" tanung ni Miss
"Oo nga, dito ka na naman ba?" tanung ni Laura "magbihis ka na"
Umiling ako "Ayoko, dito na lang ako"
"Staecy wag ka mag-alala kung kinakailangan na nandito lang kami sa tabi mo gagawin namin para lang hindi maulit yung dati, hindi ka naman namin pababayaan, andito lang kami" sabi ni Miss
"Sorry kayo na lang, ayoko talaga" malungkot na sabi ko
"Sige ka, di ka mag-eenjoy dito" sabi ni Laura sabay inukot ng mata nya yung kwarto ko
"Sige ikaw bahala" sabi ni Miss sabay ngiti "di ka na namin pipilitin"
Knock knock
"Stae buksan mo yung pinto, ako to si Kassie" sabi ni Ate Kassie na nasa labas ng kwarto ko
Pinagbuksan ko ng pinto si Ate Kassie at pagkapasok nya ay inilock ko naman kaagad
"Bakit andito kayo?" tanung ni Ate Kassie kila Miss at Laura
"Niyayaya kasi namin si Stae kaya lang ayaw nya pa rin" sagot ni Laura
"Di nga rin namin mapilit, kahapon pa namin sinasabihan yan, ayaw pa nyang pakawalan yung allergy nya" kwento ni Ate Kassie
"Intindihin na lang natin yung kalagayan nya, trauma ang inabot nya kaya takot pa sya magtiwala ulit" paliwanag ni Miss
Tumango lang ako sabay ngiti "bakit ka nga pala napaakyat Ate?"
"Naiinis kasi ako dun sa sinama nila Jerick na babae, girlfriend daw yon ni Zky, papaano ba naman di daw makapag-enjoy si Zky kasi palaging nakabakod sa kanya pati masyadong maarte" kwento ni Ate Kassie sabay cross arm
"Sino don Ate Kassie?" tanung ni Laura
"Yung babae naka pink na palaging nakadikit kay Zky, tuturo ko sa inyo, tara sa baba" yaya ni Ate Kassie
Bumaba na sila at naiwan na naman akong mag-isa, di ko na naman alam ang gagawin ko at papaanong aliw na naman sa sarili ko ang gagawin ko maitawid lang araw na to
Ilang minuto din ang lumipas ay paikot ikot pa rin ako sa loob ng kwarto ko, pinag-iisipan kong mabuti kung mag-eenjoy ba ko ngayon i mean kung handa na ba ako magtiwala ulit, natatakot ako, oras na ba??
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.