Kabanata 26

345 20 16
                                    

Makalipas ang ilang linggo

"Ma'am may bisita po kayo" sabi ni Manang Hena

Nanlaki ang mga mata namin ng makita namin si Miss, naka fitted na dress at naka jacket "Miss" bati ko tsaka ko sya niyakap

"Kamusta ka na?" tanung ni Ate Sassy kay Miss

"Halika, umupo ka muna" yaya ni Mama kay Miss tsaka kami ang upuan lahat sa sofa

Hinagod ko yung likod ni Ate Miss "na miss ka namin" sabi ko sa kanya

"di ba sabi ko sa inyo, may aayusin lang ako pero babalik ako" sabi nya na parang naiiyak yung mga mata "nahihiya akong humarap sa inyo dahil sa nangyari sakin sabi ko aayusin ko muna yung buhay ko, pero hindi ko naayos"

Hinawakan ni Ate Sassy yung kamay ni Miss "ano bang nangyari?" tanung ni Ate Sassy

Hinawakan ni Miss ang tiyan nya "buntis ako" sabi nya at ikinagulat naming lahat "maga-apat na buwan akong buntis, pero tinakbuhan ako ng lalaking naka buntis sakin"

Hinagod ni Mama ang likod ni Miss "yung lalaking gumawa sayo nito, sinisiguro ko na pagsisisihan nya na iniwan nya kayo"

"Tita kung alam ko lang na mangyayari to hindi ko na sya binigyan pa ng pangalwang pagkakataon" sabi ni Miss habang naiyak

"Ayan ba yung ex mo Miss yung gumawa sayo nito?" tanung ko kay Miss

Tumango sya tsaka sya inabutan ni Ate Sassy ng tissue "wag ka ng umiyak, kung ano man yung nangyayari sayo ngayon hindi mo kasalanan yon at isipin mo na lang ngayon yung buhay nyo ng magiging baby mo" sabi ni Mama

"Sobrang nahihiya lang kasi ako, Teacher pa man din ako" sabi ni Miss habang naiyak

"Walang kinalaman yung pagiging teacher mo sa nangyayari ngayon, basta ano man ang mangyari sayo andito lang kami bilang pamilya mo" sabi ni Ate Sassy kay Miss na syang ikinahagulgol nya ng sobra

Ipinag handa ni Mama si Miss ng pagkain para dito na kumain sa bahay "oo nga pala Angela, si Kassie lilipat na ng bahay doon sa bagong pagawa nila maigi pa dito ka na muna tumuloy para naman may kasama kayo ng baby mo at para na rin makatipid ka" sabi ni Mama kay Miss

"Okay lang naman samin yon" sabi ni Ate Sassy at tumango naman ako

"Naku nakakahiya naman, hindi na! Nabubudget ko pa naman yung pera ko" sabi ni Miss ng nakangiti

"Pati Miss tama yung sinabi ni Mama, para na rin may titingin sa inyo ng baby mo" sabi ko kay Miss at ngumiti ito

Mag isa na lang si Miss sa buhay dahil ang mga magulang nya ay may mga sarili ng pamilya, mag isa lang naman syang anak pero simula nung nag graduate sya ng college tumayo na sya sa sarili nyang paa kasabay non ang pagkakaroon ng sari-sariling pamilya ng mga magulang nya "naku salamat pero okay lang, kaya ko pa naman" sagot ni Miss

"Angela hindi ka na iba sa amin, okay lang yon dito ka na tumira" sabi ni Mama at ngumiti si Miss "Hayaan mo sasabihin ko sa driver na tulungan ka mag hakot ngayon ng gamit mo"

"Salamat Tita, salamat sa inyo" sabi ni Miss saamin at hinagod ni Ate Sassy ang braso ni Miss

Nag ring yung phone "excuse me" sabi ko sa kanila at pumunta ako sa hindi kalayuan tsaka ko sinagot ang phone "hello"

"I miss you" sabi ni Zky at napangiti ako "water break namin"

"Wag ka magpapatuyo ng pawis, bawal ka magka sakit ayaw namin na nag-aalala sayo" sabi ko sa kanya at narinig ko yung mahina nyang tawa

"Gusto na kitang yakapin" sabi nya sakin na mahina ang boses

Tumawa ako "nami-miss na kita, nami-miss ko na yung lambing mo" sabi ko sa kanya

"Nakakagulat naman, first time ko marinig yan sayo" masayang sabi nya sakin

"Galingan mo, habang trainee ka pa lang para ma-impress kaagad sila sayo, kapag nag debut ka ako yung unang magiging fan mo, ako yung mang-aaway sa mga basher mo at ako yung handang makipag siksikan magkaroon lang ng autograph mo" sabi ko sa kanya para maiparamdam yung suporta ko

"Lalo akong naiin love sayo" sabi nya habang nakangiti at sumandal ako sa pader "basta hintayin mo ko, kahit wala tayong label handa akong iparamdam sayo yung nararamdaman ko maniwala ka lang sakin at magtiwala ka ikaw lang yung babaeng mamahalin ko"

"Get ready trainee" boses mula sa linya ni Zky

"Ibababa ko na to Staecy, I love you" sabi nya at hindi pa ko nakakapag salita pero naputol na ang linya

Siguro pagod na pagod sya sa pagpa-practice nya, alam kong kapag nag debut sya baka lalo syang mawalan ng oras sakin at baka mas lalo syang hindi makauwi dito sa pilipinas pero chine-cheer ko pa rin sya dahil sobrang proud ako sa kanya at kung ano man ang mangyari i'm always number one fan of him.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating si Ate Kassie kasama si Kuya Ivan para kuhanin angiba pa nilang gamit "okay lang naman sakin kaysa naman walang tao doon sa room na yon, isa pa hindi naman iba si Miss" sabi ni Ate Kassie kay Mama

"Kapag naayos na po namin yung bahay pwede na po kayong pumunta doon, magulo pa po kasi ngayon" sabi ni Kuya Ivan kay Mama at ngumiti si Mama

"Sige, pupunta kami kapag ayos na lahat" sagot ni Mama

"Kuya kapag ba nag stay ko sa bahay nyo, may kwarto ba ko doon?" tanung ko kay Kuya Ivan

"Oo naman Stae, 4 bedroom yon kahit saan pwede ka doon" sabi nya at napangiti ako

"Oo nga pala Staecy, kamusta na si Zky?" tanung sakin ni Ate Kassie

Tumango ako "okay naman sya Ate, kaya lang konti yung oras na nakakausap ko sya kailangan nya kasi mag pursige para mapabilis yung debut nya" kwento ko sa kanila

"Pero makakauwi daw sya sa debut mo?" tanung ni Ate Kassie

Nag kibit balikat ako "di ko sure, ta-try nya daw" malungkot na sagot ko

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon