Kabanata 3

1.1K 41 31
                                    

Ito na yung simula nung araw na kailangan ko na naman ikulong ang sarili ko dahil sa Allergy ko, dahil hindi ko alam kung kailan ba mawawala o matatapos to hindi ko lam kung anong pwedeng mangyari kapag nandito si Jerick but all i know is ayoko syang makita.

Ngayon darating si Jerick dito, pero habang wala pa sya ay andito ako ngayon sa kitchen, kinuha ko sa ref ang carbonara at inabutan ako ng isang kasambahay namin ng plate at spoon, habang nakain ako ay may narinig akong kotse na huminto sa harap ng pinto namin

"Hi Tita" boses ng lalaki na mula sa pinto namin

"Patay, si Jerick" napatigil na sabi ko

"Patay na si Jerick?" tanung ni Manang Hena na nasa tabi ko

"No, i mean andito na si Jerick" paliwanag ko kay Manang Hena

"Anong gagawin natin?" tanung ni Manang Hena

Binitawan ko ang hawak kong kutsara "wala akong ibang dadaanan, puntahan mo si Mama sabihin mo andito ko sa kitchen dalhin saglit si Jerick sa garden" sabi ko kay Manang Hena

"Sige sige" sagot ni Manang Hena tsaka sya nagmadaling pumunta kay Mama, binulungan nya ito

naglalakad na sila papalabas para pumunta ng garden at ako naman ay nagmamadaling tumakbo paakyat ng hagdan

"wait Tita" pigil ni Jerick at napatigil sila ng paglalakad "parang may nakita ako na natakbo sa hagdan nyo"

"Ha?? Wala yon" sagot ni Mama

"Oo wala yon, baka gutom ka lang mamaya kakain tayo" sabi ni Ate Sassy

"Parang meron talaga kong nakita" sabi ni Jerick ng nakakunot ang noo

"yung maid yon ying natakbo paakyat" sabi ni Ate Kassie

"Ahh siguro nga po" sagot ni Jerick sabay ngiti

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong sinara yon

"Huh!! Nakakahingal, muntik na ko don" sabi ko sa sarili ko

ilang sandali lang ay narinig ko ang boses ni Mama mula sa kabilang kwarto, idinikit ko yung tenga ko sa pader

"Jerick dito yung kwarto mo, just feel at home" nakangiting sabi ni Mama kay Jerick

"Wow!! Ang laki naman po Tita, salamat po" sabi ni Jerick tsaka nya niyakap si Mama

"wala yun, basta nga pala may kailangan ka sabihin mo lang o kaya kung may iuutos ka tawagin mo lang yung mga kasambahay" paliwanag ni Mama at nag pout ako ng lips

Tumango si Jerick "sige po, thank you po ulit" sabi ni Jerick at hinawakan ni Mama ang ulo ni Jerick

iniwan ni Mama si Jerick sa kabilang kwarto tsaka ko naman inilayo ang tainga ko sa partition

"Epal to" sabi ko habang nakatingin sa kabilang kwarto

sa sobrang inis ko ay may sinipa akong gamit at tumalsik iyon sa pinto ko, lumagabog yung sinipa ko

"ano yon?" nakakunot na sabi ni Jerick

narinig ko na lumabas si Jerick mula sa kwarto nya

"dito ko narinig yun" sabi ni Jerick sabay turo sa kwarto ko

"luh" mahinang sabi ko

Mabilis akong patakbo sa pinto ng kwarto ko ng bigla akong madapa

"aray" sigaw ko

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon