Kabanata 20

457 21 33
                                    

Nararamdaman ko na may natapik sa braso ko, hindi ko iminumulat ang mga mata ko dahil sa liwanag "uhhh mamaya na" maktol ko tsaka ako nag daretso ulit matulog

Nagising ako sa alarm ng phone ko, kinuha ko ang phone ko tsaka ko pinatay ang alarm "10:41" bulong ko tsaka ko ibinalik sa table ang phone ko, kinusot ko ang mata ko tsaka ako umupo sa kama ko

"Good morning" bati ni Zky na nakaupo sa gilid habang nagbabasa ng magazine

Nanlaki ang mata ko tsaka ko tinakpan ang boobs ko "anong ginagawa mo dito? Wala akong bra" sabi ko sa kanya at napatawa sya "bakit ka nandito? Wala pa kong ayos"

"Okay lang, palagi ka naman maganda sa paningin ko" sagot nya sakin habang daretso ang tingin nya sa magazine

"Ang aga mo naman dito" sabi ko sa kanya at nginitian nya lang ako, dapat masanay na ko kay Zky na palaging nandito sa bahay

"Mag-ayos ka na, ipinagpaalam na kita kay Tita na lalabas tayo" sabi nya sakin tsaka nya inilipat ng pahina ang magazine na tinitignan nya

Ngumiti ako at tumayo habang hawak ko ang dibdib ko "pumayag si Mama?" tanung ko sa kanya

Tumingin sya sakin tsaka nag de kwatro "oo naman, malaki kaya tiwala sakin ni Tita" sagot nya at tumayo sya tsaka nya inilapag ang magazine sa table "mag prepare ka na, antayin kita sa baba" palabas na sana sya ng pinto pero humarap ulit sya "oo nga pala, wag ka mag skirt wag ka masyadong magpaganda baka may lumapit na naman sayo para hingiin yung number mo" sabi nya tsaka sya umalis

--

Nag high waist jeans lang ako, nag croptop at nag rubber shoes. Tingin ko mas okay kay Zky kapag simple lang ang suot ko at syempre mas okay na rin sakin yung ganito para naman komportable ako sa galaw ko "san ba tayo pupunta?" tanung ko kay Zky

"Alis na po kami Tita" paalam nya tsaka sya bumeso kay Mama at ganun din naman ako

"Ibabalik mo ng buo si Staecy ha" sigaw ni Mama nung nasa labas na kami ng bahay

Alam ko naman na malaki yung tiwala ni Mama kay Zky at alam ko rin naman na hindi bibiguin ni Zky si Mama, talaga namang pinapakita ni Zky kay Mama kung gaano nya ko ka mahal. Sa loob ng ilang taon, ngayon na lang ulit ako nayaya na lumabas hindi ko alam kung date ba to o ano, basta ang importante masaya ako sa nangyayari ngayon

Pagpasok namin sa Mall ay agad nya kong hinila papunta sa bilihan ng mga damit pang babae at pang lalaki "tulungan mo ko pumili ng damit na bagay sakin" sabi ni Zky at umupo ako sa sofa sa harap ng fitting room

Pari't parito siya sa paghahanap ng damit na bagay sa kanya, marami syang damit at pants na kinuha para marami syang choices, pumasok sya sa boys fitting room at ilang minuto lang ay lumabas sya, naka stripe na polo at naka rip jeans "hm okay naman sya pero sobrang simple" sabi ko, tsaka sya bumalik sa fitting room ulit para naman mag palit ng bago, at ilang minuto lang rin ay lumabas na rin sya na nakasuot ng black jacket na may pang loob na white long sleeve with collar "I don't like" sabi ko sabay iling, pumasok ulit sya para magpalit at ilang minuto lang rin lumabas na sya sa fitting room wearing army green jacket with white cotton inner and black pants "this one is good, simple lang" sabi ko sa kanya sabay ngiti

"Final na? Marami pa kong susukatin, marami pa dito" sabi nya sakin sabay turo sa fitting room

Umiling lang ako "okay na yang ganyan simple lang sa mata"

Lumapit sya sakin "gwapo ba?" sabi nya sabay kindat at napatawa ko "your turn"

Itinuro ko ang sarili ko "ako? Okay na sakin to" sabi ko sabay tingin sa suot ko

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon