Makalipas ang dalawang buwan ay hindi na magparamdam saamin si Miss, ang balita namin may inaayos lang sya na problema at kapag babalik sya ay sasabihan nya agad kami ayaw nyang sabihin kung anong problema yon basta ang sabi nya saamin mag-intay lang kami at babalik sya. Sana okay lang si Miss.
Nakita ko si Mama at Zky na nag-uusap sa sofa namin, seryoso at mukang importante ang pinag-uusapan, nasa second floor ako sa harap ng pinto ng kwarto ko ng makita ako ni Zky, kinawayan nya ako at nginitian after non tumayo si Mama para umalis sumunod naman si Zky na tumayo para puntahan ako "anong pinag-usapan nyo ni Mama?" tanung ko sa kanya
"Wala" sagot nya sakin at nagtaas ako ng kilay
"Wala, e seryoso nga kayo na nag-uusap" sabi ko sa kanya tsaka ko sya inirapan
Nagpakawala sya ng buntong hininga tsaka nya hiniwakan ang kamay ko "di ba alam mo kung gaano ka kaimportante sa akin" sabi nya at iniharang ko ang palad ko sa harap ng bibig nya
"Wait, wag mong sabihin na may iba ka na" sabi ko sa kanya
Umiling sya "hindi hindi, wala ikaw lang" sagot nya sakin at tumango
"Natatakot naman ako sa sasabihin mo" sabi ko sa kanya habang hawak nya ang kamay ko
"Bakit? Takot ka na mawala ako" sabi nya sakin at nilagay nya yung dalawang kamay ko sa bewang nya tsaka nya niyakap "sabi ko naman sayo, maghihintay ako hanggang maging handa ka"
"Naiinip ka na ba?" tanung ko sa kanya
Hinalikan nya ko sa ulo "never ako maiinip" sabi nya sakin
Umalis ako mula sa pagkakayakap sa kanya "baka naman hindi ka nga naiinip, nagsasawa ka naman"
"Bakit ako magsasawa e mahal na mahal nga kita" sabi nya sakin tsaka nya ko hinalikan sa kamay
"Hindi ka ba napapagod na punta ka ng punta dito sa bahay pero wala naman tayong label" sabi ko sa kanya at tumawa sya
"Hindi, hindi naman iba sakin ang pinupuntahan ko isa pa i can spend all of my time with you and beside of that i believe, you will be mine soon" sabi nya sakin sabay ngiti
Nag cross arm ako "hindi ka ba naiinggit kay Jerick at Laura?"
"Naiinggit" sagot nya habang nakangiti "sinasabi ko na lang sa sarili ko na balang araw hindi na ko maiinggit sa kanila kasi mangyayari din naman yun sakin hindi ngayon pero maraming pagkakataon"
Napatawa ako sa sagot nya "sigurado ka na ba sakin?" seryosong tanung ko sa kanya
Tumango sya habang nakangiti "oo naman, ano bang tanung yan" sabi nya sakin tsaka sya lumingon sa sala namin
Lumabas si Ate Kassie mula sa kwarto nya ng naka bihis at mukang may pupuntahan "oh bakit kayo nandito? Bakit di kayo doon sa sofa mag-usap"
"Hindi na Ate aalis din naman ako agad" sagot ni Zky
"Sige, maiwan ko na kayo dito aalis na ko" paalam ni Ate Kassie
"San ka pupunta Ate?" tanung ko
"Magme-meet kami ng Kuya mo para bumili ng mga gamit para doon sa bahay na matatapos ng gawin" sagot ni Ate at tumango ako "alis na ko, bye"
Naiwan ulit kami sa harap ng kwarto ko "san ka pupunta?" tanung ko kay Zky
"May babayaran lang ako sa banko tapos baka bukas na ko makapunta dito" sabi nya sakin
"Ha? Bakit?" tanung ko sa kanya
Nginitian nya ko "gusto mo ba sumama sakin?" tanung nya
Umiling ako "nagpapatulong si Mama mag bake"
Tumango sya tsaka nya hinugot sa bulsa nya ang susi ng kotse "wag ka mag-alala tatawagan naman kita" sabi nya at ngumiti ako "alis na ko"
Magkasunod kaming nababa ng hagdan, nagpaalam na rin sya kay Mama na aalis na. Pinuntahan ko si Mama sa kitchen kung saan ay nag susukat sya ng mga ingredients "kamusta?" tanung ni Mama sakin
Napatawa ako sa tanung ni Mama "Mama naman, araw araw naman tayo magkasama"
"Hindi" sagot ni Mama "ang ibig kong sabihin kamusta, kamusta yung puso mo" sabi ni Mama at itinuro nya ang puso ko, ngumiti ako habang nakatingin kay Mama "ibig sabihin ba ng ngiti na yan masaya ka?"
Tumango ako "masaya ako" nakangiting sabi ko
"Masaya ako dahil nakikita kita na bumabalik sa dating Staecy na kilala ko" sabi ni Mama sakin habang naglalagay ng chocolate "gusto mo na si Zky no" umiling ako "nakikita ko sa mga mata mo na masaya sa kanya kaya alam kong gusto mo na sya"
"Hindi ko pa alam Ma" sabi ko kay Mama tsaka ko inilagay sa tabi nya ang mga iba pang ingredients
"Hindi mo pa alam o baka nag aalinlangan ka" sabi sakin ni Mama habang nag hahalo
Nag kibit balikat ako "parang ganun na nga" sagot ko
"Bakit? Ano bang nararamdaman mo kapag kasama mo sya?" tanung ni Mama na napatigil sa paggagawa
Saglit akong nag-isip "hm masaya naman ako kapag kasama ko sya, minsan gusto ko nasa tabi ko lang sya, tapos gusto ko lahat ng galaw nya alam ko" sabi ko kay Mama at tinanggal nya gloves nya
"At ano namang pinag-aalinlangan mo?" tanung ni Mama tsaka humarap sakin
"Na baka maulit yung dati, na baka masaktan ulit ako, na baka ikulong ko na naman yung sarili ko" sabi ko kay Mama at hinawakan ni Mama ang kamay ko
"Di ba sabi sayo ng mga Ate mo andito lang kami palagi para sayo, hindi na namin hahayaan na mangyari ulit yung dati, hindi kami magsasawa na pakinggan ang sasabihin mo. Staecy kung handa mo ng buksan ulit yung puso mo wag ka matakot kasi andito kami para suportahan at damayan ka sa mga desisyon mo" sabi ni Mama tsaka nya hinagod ang buhok ko
BINABASA MO ANG
ALLERGY
Teen FictionBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...