Kabanata 32

8 3 3
                                    

MAKALIPAS ANG 7 TAON

Habang nag-aayos ako ng kwarto ko ay sunod ng sunod saakin si Laura "sige na Stae pumayag ka na huling pabor ko na to sayo" nagsusumamong mukha na sabi nya

Inayos ko ng magkakapatas ang librong nasa sahig lang tsaka ako nag punas ng pawis "Laura ayoko, ayoko ng magkaroon ng koneksyon kay Zky" masama ang loob na sabi ko

Hinawakan ako ni Laura sa braso "Staecy sige na please, lilibre kita kahit anong gusto mo ibibigay ko"

Itinigil ko ang ginagawa ko tsaka ako humarap sa kanya "Laura pumayag na nga ako na i-publish mo yung librong Allergy, tama na yon!! Ayoko magpa-interview"

"Please Staecy eto na yung big break ko para maging ganap na Author, please" sabi nya sakin na nagsusumamo ang muka sabay hawak sa kamay ko "Please! Pumayag na si Zky na magpa-interview ikaw na lang Staecy, pumayag ka na please"

Pangarap talaga ni Laura na maging isang author kahit noon pa man, sinusuportahan ko sya sa mga gusto nya pero hindi sa ganitong paraan. Alam ko at alam ni Laura ang tungkol sa amin ni Zky but this is not the reason para magkita kami at magkaroon pa ng koneksiyon at hindi ko na hahayaan na mangyari pa iyon. Dalawang taon na ako kinukulit ni Laura para sa interview na yan but it's a big NO.

--

Napalingon ako ng may maglapag sa table ko ng papel na naka staple "welcome back" boses ni Pat, sumandal ako sa upuan ko tsaka ko humarap sa kanya ng nakangiti "wag mo kong ngitian ng ganyan, 2 weeks mo ko pinahirapan"

Kinuha ko sa ilalim ng table ko ang isang paper bag na maliit tsaka ko iniabot sa kanya "wag ka na mag-inarte alam kong magugustuhan mo yan" sabi ko tsaka ako sumandal ulit "buksan mo na"

Nakakunot ang noo nya habang nakatingin sakin "siguraduhin mong matutuwa ko dito ha!!" sabi nya sakin tsaka nya iyon binuksan "Ahhhhhhhhhhhh oh my.. Oh my gosh, totoo ba to?"

Napangiti ako sa reaksiyon nya, matagal nya ng gusto magkaroon ng autoghraph mula sa kanyang favorite author na friend ni Laura, 2 weeks din kasi ako nawala nagleave ako for vacation to find my self, charing!!

Hawak ko ang tumbler ko ng biglang mapatigil ako sa table ni Stef "nakakasira ng araw" bulong ko tsaka ko dinampot ang isang marker, tinanggal ang takip nito tsaka ko nilagyan ng ekis ang isang litrato

Hawak ko ang tumbler ko ng biglang mapatigil ako sa table ni Stef "nakakasira ng araw" bulong ko tsaka ko dinampot ang isang marker, tinanggal ang takip nito tsaka ko nilagyan ng ekis ang isang litrato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pat: Magandang magandang magandang morning sa ating lahat, you are in tuned with us at HVJ 2.1 FM at ako pa rin to si Dj Pat ang halhalerang Dj nyo

Stae: At ako naman si Dj Stae muling nagbabalik at  mag-iistay sa tabi nyo to serve you, again. HVJ 2.1 FM.

Pat: The time now is five minutes after seven o'clock. It is February eighteen twenty twenty two and it is a non stop friday mga lalabs

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon