Kabanata 10

658 31 0
                                    

Ilang linggo din ang lumipas, napapag tanto ko na gusto ko alisin yung sarili ko sa Allergy na ako mismo yung nagawa para sa sarili ko, hindi maalis yung trauma na hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isipan ko ang mga nangyari noon, takot pa rin ako, natatakot pa rin ako na kahit gusto kong palayain yung sarili ko hindi ko magawa dahil pinangunguhan ako ng takot ko na baka maulit yung dati. I'm a rape victim, ayoko ng maulit yon.

Sa lahat ng okasyon na dumarating andito lang ako sa loob ng kwarto ko, itong kwarto na to ang naging buhay ko simula ng mangyari yon, sa twing naiisip ko yung nangyari naiiyak na lang ako, ang dumi kong babae na kahit anong ayos ko di ko maitatago sa sarili ko, na madumi akong babae.

28 na si Ate Kassie bukas, at ako ganun pa rin makukulong na naman ako dito sa kwartong to.

Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko sila sa sala na nag-uusap usap kaya naman lumapit ako sa kanila umupo ako sa tabi ni Ate Sassy

"Buti bumaba ka, nakalimutan kong sabihin na umalis si Jerick" sabi ni Ate Kassie

"Narinig ko kasi syang nagsara ng pinto ng kwarto nya kaya alam kong wala sya" sagot ko

"Ate Kassie anong plano mo bukas?" tanung ni Ate Sassy

"Maliit na party lang, konting handaan kasi di ba malapit na kasal namin, mas malaki yung gastos kaya naman kailangan namin paghandaan" kwento ni Ate Kassie

"Marami kang bisita?" pahabol na tanung ni Ate Sassy

"yung mga kabarkada ko lang tapos syempre hindi naman pwedeng hindi natin iimbitahin si Jerick at yung mga katropa nya kasi malapit na rin naman sila saatin tapos yung mga friends mo Staecy" sagot ni Ate Kassie

"Si Laura at si Miss lang naman papauntahin ko e" singit ko

"Ako naman si Aldrin lang ang iimbitahin ko" sabi ni Ate Sassy

"Doon na lang ako sa kwarto ko" sabi ko sa kanila at napatingin sila saakin

Hinawakan ni Ate Sassy yung kamay ko "habang buhay ka ba ganyan?" tanung nya

"Alam nyo naman yung sitwasyon ko di ba, takot ako" sagot ko

"Hindi na namin hahayaan na maulit yung dati" singit ni Ate Kassie

"Ilang taon na yan? Hanggang kailan pa ba yan? Hanggang kailan mo sila ayaw makita?" kunot noo na tanung ni Ate Sassy

"Paano na lang sa kasal ko? Ikaw pa naman ang bridesmaid" sabi ni Ate Kassie sabay pilit na ngiti

"Di mawala yung takot ko Ate, natatakot ako humarap sa kanila dahil pakiramdam ko ang dumi kong babae" papaiyak na sabi ko

"Shhh" sabi ni Ate Sassy habang nailing "hindi totoo yan Stae, sigurado ako pinagsisisihan nya na yung ginawa nya sayo, Stae hindi lahat ng lalaki ganun marami kaming kakampi mo, ipagtatanggol ka na rin ni Jerick at nung tropa nya, si Kuya Aldrin mo at yung boyfriend ni Ate Kassie, marami ka ng kakampi"

Lumingon ako kay Ate Kassie at tumango sya sakin sabay ngiti "paano kung maulit yung dati? Paano kung maulit ulit yon? Takot na ko magtiwala ulit" sagot ko

"Hindi na namin hahayaang mangyari ulit yon" sabi ni Ate Kassie at nginitian nya ako

"Hindi ko pa alam Ate, parang hindi pa rin ako handa" malungkot na muka na sabi ko sa kanila at nag kibit balikat lang ako

"Bahala ka, basta andito lang kami palagi para sayo" sabi ni Ate Kassie "anyway parang may naisip akong pakulo parang gusto ko naka formal tayong lahat"

"Formal? Hello Ate, pag-iisipin mo pa kami kung anong isusuot, papahirapan mo pa kami" sabi ni Ate Sassy sabay irap

"Wag ka nga maarte, last day ko ng magbibirthday ng single ako so dapat memorable yon" paliwanag nya "gusto ko parang pang prom ang datingan yung tipong naka prom dress yung mga girls tapos naka formal attire yung mga boys, tingin ko mas magiging maganda yung party ko"

"Sigurado ka ba dyan Ate?" tanung ni Ate Sassy

"Oo naman, ohh pano ba yan tawagan nyo na sila at sabihin nyo formal yung mga susuotin nila kapag pumunta sila dito at sabihin nyo na rin na 6pm ang start ng party" masayang sabi ni Ate Kassie

"Di ba't papagabi na yon? Masyado naman atang late" kunot noo na sabi ni Ate Sassy

"Gaga mas masarap mag celebrate ng gabi kesa umaga" sagot ni Ate Kassie sabay irap "ohh dyan na kayo tatawagan ko na yung mga friends ko"

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon