Kabanata 35

6 2 0
                                        

"Good morning" bati ni Zky sa lahat

"Good morning Zky"

"Good morning din"

"Pasok mo na yan" sabi ni Zky sa lalaking may dala ng coffee "pakipatong na lang dyan" nilapitan ni Zky isa isa tsaka binigyan ang lahat ng coffee

"Wow may pa coffee, thank you"

"Thank you Zky"

"Thank you, picture tayo" sabi ni Stef ngumiti sila pareho tsaka sila nag picture

Nilapitan ako ni Zky at iniaabot nya sa akin ang coffee "coffee" sabi nya sa akin

"I don't drink coffee" sabi ko tsaka ako nagsimulang maglakad papunta sa table ko

Sinundan nya ako papunta sa table ko "pwede ba tayo mag-usap?" tanung nya sa akin

"Sabihin mo na" sabi ko sa kanya habang nag cocomputer ako

Umupo sya sa tabi ko tsaka nya ipinatong ang coffee sa table ko "wag sana dito" seryoso ang muka na sabi nya

"Kung magpapatulong ka about sa script lumapit ka kay Bela, kung may ipapabago ka naman sa script si Aj ang lapitan mo at kung may iba ka pang kailangan kay Pat ka lumapit" paliwanag ko sa kanya habang patuloy ang pagta-type sa keyboard

"Ayan na naman yung mood nya" bulong ng isa sa katrabaho namin

Tumango si Zky tsaka sya tumayo "Thank you" sabi nya tsaka sya umalis

Dahan dahang lumapit saakin si Pat "hoy Stae bakit mo naman ginanon si Zky?" bulong ni Pat at sinamaan ko lang sya ng tingin "para ka namang may red tide"

Kinuha ko ang kape tsaka ko ibinigay sa kanya "sayo na yan"

"Oo nga pala kahapon nung nagpaalam ka sa akin na may ime-meet ka, lumapit sa akin si Zky tinatanung nya kung saan ka pupunta" kwento sa akin ni Pat at napatigil naman ako sa pagta-type "sino nga bang tinagpo mo?"

Tumingin ako kay Pat "ano namang pakialam nya kung sinong ime-meet ko"

"Malay mo naman hanggang ngayon mahal ka pa rin nya" bulong na sabi ni Pat sa akin

Napatawa ako ng mahina "i don't care" sabi ko tsaka ako nagpatuloy sa pagta-type

"Malay mo naman handa nyang gawin ang lahat para sayo" sabi ni Pat at ibinagsak ko ng mahina ang mouse

"Edi sana noon nya pa ginawa yon" nanggigigil na sagot ko kay Pat at nagtinginan sila

Tumawa si Pat ng mahina at akala mo ay nang-aasar "chill!! Tama ka nga naman wala ka pang nararamdaman ng lagay na yan"

Dinampot ko yung tumbler ko "umalis ka na nga sa harap ko nakakasira ka ng umaga" tsaka ako uminom

"Pupusta ako, may comeback na magaganap" pang-aasar na sabi nya

"Wala ka talagang magawa sa buhay mo" sabi ko kay Pat sabay irap

(Vibrate)

"Ohh?" sagot ko sa tawag at inilapit naman ni Pat sa tainga ko ang tainga nya "sige na, bababa na ko" sabi ko tsaka ko pinatay ang tawag

"Si Clyde?" tanung ni Pat sa akin

Tumayo ako at ibinulsa ko ang phone ko "bababa lang ako saglit" paalam ko

"Ano ba talaga kayo ni Clyde?" tanung saakin ni Pat

Ngumiti ako sabay tapik sa braso ni Pat "ang kulit mo, kung hindi lang kita kaibigan... Sige na"

**

Nilapitan ko si Clyde tsaka kami nag beso "ang sipag mo talaga dumalaw" sabi ko habang nakangiti

Apat na taon na kami magkakilala ni Clyde nakilala ko sya sa isang bar naalala ko noon na inihatid nya ako sa bahay dahil sa sobrang lasing ko syempre pakialamero sya kaya naman pinakialaman nya yung gamit ko kaya naihatid nya ako sa amin, simula non naging mabait sa kanya si Mama kaya naman madalas sya nasa labas ng bahay namin inaantay nya ko dahil gusto nya ko ihatid sa trabaho hanggang sa kinuha na nya yung number ko at unti unti ko na syang nakikilala

Iniabot nya sa akin ang isang ice coffee at isang box na bread "Thank you" nakangiting sabi ko

"Galingan mo mamaya Dj Stae, i'm your number one fan makikinig ako" sabi nya at napatawa ako

"Lokoloko ka talaga, baka naman hinahanap ka na ng secretary mo" biro kong sabi

Tumawa sya sabay tingin sa phone nya "kanina pa nga natawag e"

"Sige na lumakad ka na, alam kong busy masyado ang CEO" sabi ko habang nakangiti

Napakamot sya sa ulo "sorry, tawagan na lang kita" sabi nya at tumango ako tsaka sya nagmadaling umalis

Naglakad ako papunta ng elevator habang hawak ko ang coffee at bread, bumukas ang elevator at pumasok ako pumindot ako magsasara na san ang elevator pero may humabol at iniharang kamay nya

Eto na naman sya yung nakakasira ng araw ko, yung ayokong ayoko makita pero haral pa rin ng harap

Sumara ang elevator at tumingin si Zky sa dala ko "kala ko ba, hindi ka nainom ng kape"

"I don't drink hot coffee" sagot ko sa kanya

"Sino sya?" tanung nya sakin

Tumawa ako ng mahina "who cares" sagot ko

Humarap sya sa akin "Boyfriend mo?" tanung nya

"Who cares, sino ka ba!!" sagot ko sa kanya

Ngumiti sya "hindi mo na ba ko mahal?" tanung nya sakin at hindi ako sumagot "i'm asking you, hindi mo na ba ko mahal?"

Humarap ako sa kanya tsaka ako ngumiti ng pang-asar "bakit? Kailan ba kita minahal?" sabi ko tsaka bumukas ang elevator at nagsimula ako maglakad

"Mahal kita" sabi nya at napatigil ako sa paglalakad "Mahal kita Stae" sabi nya at nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko sya nilingon

Dapat hindi na lang sya bumalik, lalo lang ako nasasaktan sa mga nangyayari dapat hindi na lang sya nagparamdam pa nabalik lang yung sakit na nararamdaman ko.

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon