Nagising ako sa katok na malakas sa pinto ko "ano ba!!" sabi ko tsaka ko kinukuskos ang mata ko
"Ma'am Stae" sigaw ni Ate Cora na kasama ko sa bahay at panay ang katok ng malakas
Tumayo ako sa kinahihigaan ko short na maikli, mahabang damit at sobrang gulo ng buhok "ano yon?" tanung ko kay Ate Cora sabay bukas ng pinto
Pumasok si Samara sa kwarto ko "may boyfriend ka pala Dj Stae" siyam na taon na sabi ng anak ni Ate Cora na si Samara
"Shhhh..." sita ni Ate Cora kay Samara "Ma'am may bisita po kayo"
"Dj Stae nagpapicture na ko sa boyfriend mo, ang gwapo gwapo nya" kinikilig na sabi ni Samara
Kumunot yung noo ko tsaka ko sinilip sa baba ang bisita "eto na naman sya" bulong ko sa sarili ko "susunod na lang ako Ate Cora"
"Sige po" sagot ni Ate Cora at tsaka nya hinawakan sa kamay si Samara at isinara ang pinto
Matapos ko mag-ayos ng buhok at maglinis ng muka ay bumaba na rin ako para harapin ang bisita este ang bwisita
Tumayo si Zky habang papalapit ako "for you" sabi nya at iniaabot nya sa akin ang bulaklak pero hindi ko iyon kinuha kaya naman inilapag nya na lang sa table "may sarili ka na palang bahay, hindi mo na kasama sila Tita?" sabi nya habang nililibot ang tingin nya "wala ka pa ring pinagbago, ang ganda mo pa rin"
"Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?" naka cross arm na sabi ko sa kanya
"Gusto ko lang makausap ka Stae" nagsusumamong muka na sabi nya
"Sabihin mo na daretsuhin mo na dahil marami pa kong gagawin" taray na sabi ko sa kanya
Binasa nya ang labi nya tsaka sya tumingin sa akin "Mahal kita, mahal pa rin kita Staecy" lumapit sya sa akin at hahawakan nya sana ang kamay ko pero lumayo ako
"Naririnig mo ba yung sinasabi mo Zky?" tanung ko sa kanya ng nakakunot ang noo
"Staecy maniwala ka, mahal kita" sabi nya sa akin
"Umalis ka na, wala akong oras pakipag-lokohan sayo" sabi ko at nagsimula ako maglakad pero niyakap nya ko
"Please Staecy, please" sabi nya sa akin
Pumiglas ako mula sa pagkakayakap nya tsaka ko sya iniwan doon
Naiiyak ako! Ayokong ipakita sa kanya na naaapektuhan pa rin ako, ayoko syang bigyan ng rason para ipakita sa kanya na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa mga nangyayari kahit matagal na yon
Makalipas ang ilang oras ay dumating si Mama may dalang mga pagkain at groceries samantalang si Ate Cora ay inaayos ang mga pinamili ni Mama habang si Samara naman ay nakaupo at nag lalaro ng mobile games "madami pa naman akong groceries bakit naman namili pa kayo" sabi ko kay Mama
"Wala lang, gusto ko lang ipag-groceries ka" sagot ni Mama at inilibot nya ang mata sa buong bahay "napakalawak ng bahay mo, wala ka bang ibang kasama dito?"
"Ayan, si Ate Cora, si Samara pati si Manong Berto" sagot ko
Inirapan ako ni Mama "No, i mean...."
Ngumiti ako kay Mama "wala, wala akong ibang kasama"
"May boyfriend ka na ba?" tanung ni Mama sa akin ng nakakunot ang noo
"Wala" sagot ko kay Mama
"E yung flowers na yon, kanino galing yon?" sabi ni Mama sabay turo sa flowers na nasa lamesa
"Dun po sa lalaking galing dito kanina, ang gwapo gwapo nga po nya" singit na sabi ni Samara at agad naman ako tumabi kay Samara
"Ang cute mo talagang bata ka" sabi ko kay Samara sabay kurot sa pisngi "tawag ka ni Mama mo, may cake doon" sabi ko kay Samara ng nakangiti at nagtatakbo naman si Samara papunta sa kusina
"Sino nga yung lalaking bumisita sayo kanina? Na nagbigay ng flowers" sabi ni Mama ng masama ang tingin sa akin
"Si Clyde" sabi ko sa kanya at napangiti si Mama
"Kay Clyde ba galing? O baka naman doon sa bagong Dj" sabi ni Mama sa akin habang nakataas ang kilay
"Kay Clyde yan galing Mama, dumalaw sya dito kanina" palusot ko
Tumango si Mama "E' kamusta naman yung bagong Dj?"
"Normal lang" sagot ko sabay kibit balikat
"Sigurado ka ha!! Baka naman mamaya malaman ko nadalaw na sya dito" sabi nya sa akin at napangibit na lang ako "hindi ba talaga sa kanya galing yon?"
Umiling ako "hindi nga" sagot ko
"Sure?" tanung sakin ni Mama na parang hindi naniniwala
"Alam mo Mama, umalis ka na kasi may pupuntahan din ako wala ka namang gagawin dito" pagtatabuyan ko kay Mama
"Saan ka pupunta?" tanung ni Mama sakin
Kinuha ko ang bag ni Mama tsaka ko ibigay sa kanya "Ma next time ka na lang bumalik kapag wala na kong pupuntahan"
"Aba pinagtatabuyan mo ko ha!" masungit na sabi sa akin ni Mama
"Sige na Ma, bye, thank you sa groceries" sabi ko sa kanya sabay kaway
Ng makaalis si Mama ay kinuha ko ang bulaklak na galing kay Zky tsaka ko itinapon sa basurahan "Samara may sasabihin ako sayo" sabi ko kay Samara at lumapit sya sa akin, hknigit ko sya papunta sa sofa at iniupo ko sya doon "gusto mo ng toys?"
"Bibili mo ko?" tanung nya sakin
Tumango ako ng naka ngiti "bibili kita, sa isang kondisyon" sabi ko sa kanya at iminustra ko sa kanya ang hintuturo ko "kilala mo ba yung pumunta dito kanina?"
Tumango si Samara "yung artista? Si Kuya Zky?"
"Sya nga" tangong sagot ko "sa susunod kapag pumunta sya dito, wag mong sasabihin kay Mama wag mong sasabihin sa Mama ko wag ka maingay, okay??"
Tumango sya ng nakangiti "ilang barbie naman po ang bibilihin mo?"
"Kapag hindi mo sinabi kay Mama kahit ilan bibilihin ko, okay ba yon?" tanung ko sa kanya at ang laki ng ngiti nya
Tumango sya "sige po"
"Wag ka maingay kay Mama ha!!" bulong ko kay Samara at tumango sya
"Ma'am" tawag sa akin ni Ate Cora at lumingon ako "sayang naman po yung bulaklak, pwede akin na lang po? Ilalagay ko don sa kwarto ko"
Tumango ako sabay ngiti "ahh Ate Cora"
"Ma'am?" sagot nya
"Sa susunod na pumunta dito yung lalaki kanina" sabi ko at hinawi ko ang buhok ko
"Sino po? Yung artista?" tanung ni Ate Cora
Tumango ako "Yun nga, sa susunod na pumunta dito yon wag mong papapasukin sabihin mo na rin kay Manong Berto" sabi ko sa kanya at tumango lang sya
BINABASA MO ANG
ALLERGY
Teen FictionBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...
