Kabanata 15

572 24 3
                                    

Binuksan ko yung pinto ng kwarto ni Ate Kassie, wala sya at binuksan ko rin yung pinto ng kwarto ni Ate Sassy at wala rin sya

"Yaya asan si Ate Sassy?" tanung ko habang pababa ng hagdan

"Wala na po Ma'am umalis na po sila kanina pa" sabi nya habang nasa baba ng hagdan

Agad ko namang tinawagan si Ate Sassy at sinagot nya naman iyon

"Ate iniwan nyo ko" sabi ko kay Ate Sassy

"Nakalimutan kita gisingin hayaan mo at may kasabay ka naman na pupunta dito" paliwanag ni Ate Sassy

"Si Ate naman" naasar na sabi ko

"Sige na, sige na ako na susukatan" sabi nya sakin at pinatay nya naman agad

"Nakakaasar e" sabi ko

"Ma'am pinabibigay po" sabi nung kasambahay namin at iniabot sakin ang bouquet of flowers at teddy bear

Binuksan ko ang maliit na card

STAE

I hope you like it

-Zky

"Nagustuhan mo ba?" tanung ni Blezy na dare daretso papasok ng bahay namin

"Wala dito si Zky, anong ginagawa mo dito?" sabi ko sa kanya

"Alam ko, alam kong wala sya dito ikaw talaga yung sadya ko" sabi nya sakin sabay sampal sakin "ayan yung sadya ko, mas nagustuhan mo ba yung bulaklak o yung sampal ko?"

Hinagod ko ang buhok ko "sigurado ako, hindi ka pa nakakatikim ng sampal, pa try nga" sinampal ko sya ng malakas at nakita ko yung pisngi nya na may latay at mukang nahiwa ng kuko ko "Gusto mo bang mag birthday sa kulungan? Basta basta ka napasok dito"

"Ang tapang mo rin, ikaw na nga nang-agaw ikaw pa matapang" galit na sabi nya sakin

"Wala akong inagaw sayo, wag ka nga magtanga tangahan alam natin pareho kung bakit ka iniwan ni Zky" sabi nya at nakita ko sa mula nya na nanggigil sya sakin na para bang gusto na kong isumpa

"Hindi, iniwan ako ni Zky dahil sayo kung hindi mo sya nilandi edi sana hanggang ngayon kami pa rin" sabi nya habang naka taas ang kilay saakin

Tumawa ako ng malakas na syang lalong kinainis nya "hindi ko alam kung kanino mo nasagap yan, ang alam ko lang fake news yang sinasabi mo, wag ka ngang bobo wala akong nilandi hindi ko nilandi si Zky, alam mo umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa guard" sabi ko habang nakaturo ang hintuturo ko sa pinto

"Hintayin mo lang, sa oras na maging kayo guguluhin ko yung buhay mo" panakot na sabi nya at tumawa lang ako tsaka sya naglakad palayo

"Saglit" sabi ko at tumigil sya sa paglalakad tsaka sya humarap sakin "pwede ko ba makuha yung number mo? Para kapag kami na ni Zky mai-inform kita"

Halata sa muka ni Blezy na inis sya kaya maging yung gate ay isinara nya ng padabog

Alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama, wala akong inagaw o nilandi, kusang lumapit si Zky at kahit anong galit o gawin ni Blezy hindi ako magpapatalo at ipagtatanggol ko ang sarili ko

3:45PM

Naka bihis na ko at inihanda ko na ang sarili ko dahil dadaan daw dito yung ibang abay para daanan ako papunta sa magsusukat saamin

Kung isinama na ko kanina ni Ate Sassy edi sana hindi na ko naabutan pa nung blezy na yon at isa pa edi sana nagpapahinga na ko, palibhasa nasanay ako na palaging nakakulong sa kwarto ko hindi ko na ginugustong umalis alis ng bahay o kahit gumala

"Tara na?" tanung sakin ni Zky at biglang dating naman nila Ate Sassy "ohh tapos kayo Ate?"

"Oo" sagot ni Ate tsaka nya inilagay ang bag nya sa sofa "Oo nga pala si Echo at Arvy sumabay na samin kasi ngayong hapon daw ay may pupuntahan sila hindi na nila nasabi sayo kasi biglaan lang rin naman"

"Edi kami lang dalawa Ate" sabi ko kay Ate Sassy at tumango lang sya habang nakangiti

"Lumakad na kayo, may maghahatid naman sainyo doon" sabi ni Ate Sassy

Magkatabi kami ni Zky sa back seat habang yung driver ni Zky ay focus sa pagmamaneho

"Dalawa lang ba talaga tayo?" tanung ko kay Zky at ngumiti sya

"Oo nga, ayaw mo ba kong kasama? Kasi ako gusto ko ikaw lamg ang kasama ko" sabi ko at napangiti ako

"Alam mo Zky wag ka masanay sa mga ganyang sinasabi mo baka mahipan ka ng hangin" seryosong sabi ko kay Zky at lalo syang dumikit sakin

"Okay lang kung sayo naman ako liliparin" sagot nya ng may pagka mayabanag

"wait, hindi ka ba nila kasabwat kung bakit dalawa lang tayo?" nagsususpetsya na tanung ko sa kanya

"Bakit mo tinatanung yan? Dahil alam mong gusto nila ko para sayo" nakangiting sabi nya at inirapan ko lang sya

Pakiramdam ko ay nagsabwatan sila para dalawa lang kami ni Zky na pupunta doon, imposible kasing nagkataon lang to, feel ko may sabwatan talaga na nangyari dito

Tumingin ako kay Zky at napatingin din sya sakin "Thank you sa Teddy bear at Flowers" sabi ko sabay ngiti

"Ang ganda mo talaga" sabi nya at hinampas ko sya sa braso "wala yon, basta ikaw"

"Para saan ba yon? Bakit mo ko pinadalhan ng mga yon?" seryosong muka na tanung ko sa kanya

Hinawakan nya ang kamay ko tsaka sya tumingin sakin "Gusto kong maramdaman mo na seryoso ako sayo at handa akong mag-intay hanggang maging handa ka" sabay ngiti at nginitian ko rin sya

Nakarating sabi sa bahay ng magsusukat saamin, bumaba kami ng kotse at tsaka kami naglakad palapit doon

"Magandang hapon po, dito po ba nakatira si Ms. Helen Genobia?' tanung ko doon sa babaeng nakasalamin na lumabas sa bahay

"Ako nga, ikaw ba yung kapatid ni Kassie? Ikaw ba si Staecy?" tanung nya sakin at ngumiti ako habang natango "ikaw naman si Zky ang nobyo ni Staecy"

Walang sumagot saamin at nagkatinginan kami ni Zky tsaka kami napatawa

"Pasok kayo, maupo muna kayo" yaya nya at pumasok namin kami sa bahay nya "Hay naku, mga kabataan nga naman ngayon ang bibilis magka nobyo't nobya alam nyo ba nung ako'y nagka nobyo ay bente nwebe na ako, ehh kayo ang babata nyo pa lang mag nobyo't nobya na kayo"

"Ahh sino po bang nagsabi sa inyo na mag nobyo't nobya kami?" tanung ko tsaka kami nagkatinginan ni Zky

"Aba edi ang kapatid mong si Sassy" sagot ni Nanay Helen at napakamot sa ulo "pero siguro naman hindi mo maagang bubuntisin to si Staecy, ano ijo?"

Napatingin si Zky sakin "wala pa po sa isip naman yon mga bata pa po kami, at may tamang oras po para sa bagay na yan" sagot ni Zky

Hindi ko akalain na sasagot si Zky ganun, tama naman ang sinabi nya at ngayon ko lang nalaman na napakalawak ng isip ni Zky para masagot ng ayos ang mga ganung tanung

"Tama ka dyan ijo" sang-ayon ni Nanay Helen "at isa pa ijo wag mong lolokohin yan si Staecy, kilala ko ang pamilya nila napaka babait ng lahi nila"

Tumingin sakin i Zky "hinding hindi ko po magagawa na lokohin si Staecy, mahal na mahal ko po sya"

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon