Kabanata 23

293 20 4
                                    

Andito pa rin kami sa resort kung saan ginanap ang reception ni Ate Kassie at Kuya Ivan. Yung ibang bisita nag uwian na pero yung iba naman mas pinili mag stay "ang ganda dito no" sabi ko kay Zky habang nakatingin kami sa sunset

Tumango si Zky tsaka sya tumingin sakin "ang tagal na rin pala simula nung nagkakilala tayo"

Tumingin ako sa kanya tsaka ako ngumiti "why? Are you tired of waiting?"

"Hindi, sinabi ko lang doesn't mean anything" sagot nya tsaka sya ngumiti sabay tingin sakin "i can wait how long until you're ready"

Tumango ako "i have something to ask you about my friend"

"Ano yon? Kilala ko ba sya?" tanung nya ng naka kunot ang noo

Umiling ako "No, her name is Caesilyn" sagot ko sa kanya at umayos ako ng upo "my friend ask me about this but i don't know how to answer that, so i think baka masagot mo to"

Napatigil sya tsaka nag-isip "tungkol saan?"

Nagpakawala ako ng buntong hininga "this is actually her secret, hm hindi sinabi ni Caesilyn sa boyfriend nya na she was a rape victim on her past, hindi nya sinabi yon sa boyfriend nya dahil baka magbago yung tingin sa kanya, tingin mo ba tama yung ginawa nya?" tanung ko sa kanya

Tumingin si Zky sa malayo na para malalim ang iniisip "i think hmn" sabi nya habang nag-iisip "tingin ko may anggulo na tama sya dahil baka nga naman mag bago yung tingin sa kanya nung boyfriend nya at syempre kahit sino naman matatakot lalo na kung sobrang mahal nya yung guy pero mali din naman kung hindi nya yon ipapaalam sa boyfriend nya dahil what is the sense of love if you are keeping secret with each other"

"Paano kung sinabi mo nga sa guy pero hindi ka naman nya tanggap" sabi ko kay Zky at nag-isip sya

"Hindi naman lahat ng lalaki ganon" sagot ni Zky

"Hindi ka rin ba tulad non? Na kapag nalaman mo yon di mo sya matatanggap, na kahit ganun sya hindi magbabago yung pagtingin mo sa kanya? Hindi ka ba ganun?" tanung ko sa kanya at napatigil si Zky habang nakatingin sakin "Ohh" sabi ko sabay kagat sa labi ko "don't mind, wag mo ng sagutin" tumayo ako mula sa pagkakaupo ko, nakatingin lang sakin si Zky at parang may iniisip "mauna na ko"

Aalis na sana ako pero hinawakan ni Zky ang wrist ko at napalingon ako sa kanya "gusto kong sagutin yung tanung mo"

"Ahh wag na, hindi naman importante yon" sabi ko sa kanya sabay pilit na ngiti

"Alam kong importante yon sa kaibigan mong si Caesilyn kaya hayaan mong sagutin ko yung tanung mo" sabi sakin ni Zky at bumalik ako sa tabi nya para umupo "alam kong mahirap yung sitwasyon nya, pero kung ako yung boyfriend nya at kahit late mo pa sakin sinabi hindi ako magagalit" sabi nya tsaka sya tumingin sakin "why? Dahil i will accept you whoever you are and whatever your past is" tumulo yung luha ko habang nakatingin ako kay Zky di kk na napigilan ang sarili ko, pinahiran ni Zky ang pisngi ko "bakit ka naiyak?" tanung nya sakin

"I'm sorry" sabi ko sa kanya tsaka ko pinahiran ang luha ko

"Siguro mahal na mahal nya yung boyfriend nya" sabi ni Zky sakin habang nakangiti

Ngumiti ako "tinanung ko sayo yon dahil alam kong masasagot mo dahil lalaki ka rin, thanks for your answer"

"Bakit ka naman umiyak?" pabirong tanung nya dakin habang nakatawa

Tumawa ako ng mahina "natuwa lang ako sa sagot mo para kay Caesilyn" sabi ko sa kanya

Tumango sya sabay tingin sakin "alam mo naman na walang kaso sakin yung mga ganung bagay lalo na't yung kapatid ko ay rape victim din"

"Alam mo, ang swerte ng susunod na magiging girlfriend mo" sabi ko sa kanya at napatawa sya

"Swerte din naman ako sayo" sagot nya at napatawa ako tsaka ko sya hinampas sa braso, inakbayan nya ko

"Oyyy ano yan?" sabi ni Laura sabay tapik niya sa kamay ni Zky at agad naman inialis yon ni Zky

Umupo si Laura at Jerick sa gilid namin "ano bang pinag-uusapan nyo? Share nyo naman" sabi ni Jerick saamin

"Kilala ba nila yon?" tanung sakin ni Zky

"Ha?" kunot noo na sabi ko "si Laura kilala yon pero si Jerick hindi"

"Sino yon?" tanung ni Laura sakin

"Si Caesilyn, kilala mo yon di ba" sabi ko kay Laura tsaka ko minumustrahan ng kilay ko

Napakamot si Laura "Ha? Sino yon?"

"Laura naman napaka makakalimutin mo, si Caesilyn yung friend natin na biktima ng rape nung nakaraan nya" sabi ko kay Laura habang minumustrahan ko ng muka ko para umagree

"Ahhh oo, si Caesilyn" sabi nya habang nakangiti

"Oh di ba naalala mo rin" sabi ko sabay tingin kay Zky "makakalimutin kasi si Laura"

"Oo tanda ko na sya, yung may nanliligaw sa kanya" sabi ni Laura at napakagat ako ng labi

"Ha?" tanung ni Zky

"Hindi, hindi Laura! Sinagot nya na yon" sabi ko sabay ngiti na kay Laura habang nanlalaki ang mga mata ko "sinagot nya na yon, matagal na nga sila e"

"Ahh talaga" masayang sabi ni Laura sakin "pasensya na makakalimutin kasi ako"

Tumango si Zky kay Laura "ano ba naman kayong dalawa" sabi ni Jerick saamin at napakamot na lang kami ni Laura

"Change topic na guys baka marinig pa tayo ng iba, secret lang yon about kay Caesilyn" sabi ko sa kanila tsaka ko lumingon sa paligid namin

"May sasabihin kami sa inyo" sabi ni Laura at napakunot yung kilay ko

"Good news ba yan?" tanung ko sa kanila

Tumango sila tsaka nagka tinginan "Yeeees" sabay nilang sagot

"Wait, don't tell me kayo na!!" sabi ko habang nakangiti

"Yes" sagot ni Laura habang nakangiti sila

"Wow, congrats bro" sabi ni Zky tsaka sila nag apir ni Jerick

"Ahhh" sigaw ko "i'm so happy for you Laura"

"Thank you thank you" sabi ni Laura

"So, nag kiss na kayo?" daretsong tanung ko at tumango sya habang nakangiti "ahhh, i'm so happy for you"

"Inggit ka?" tanung ni Laura at nawala ang ngiti ko tsaka ako tumingin kay Zky

"Ohh, gusto mo ng kiss?" tanung sakin ni Zky at ngumiti si Jerick at Laura

"Kiiiiiiiiiiss" sabay na sabi ni Laura at Jerick

"Shhh" sabi ko sa kanila at tumahimik sila "hindi"

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon