STAECY @18th
Handa na ang lahat para debut ko, may mga bisita na rin na mga nag daratingan, ayos na rin sila Mama, Ate Sassy, Ate Kassie at kung sino sino pa. Happy birthday to me, happy ba? Happy ba talaga? Kahapon ko lang nalaman lahat ng sinabi ni Blezy sana pinalagpas nya muna yung celebration ko para naman hindi ako malungkot sa araw ng birthday ko, siguro sinadya nya yon. Gusto nila Mama na maging masaya ako kaya kahit masakit sa akin ngingiti ako hindi dahil masaya ako ngingiti ako dahil gusto ko ipakita sa kanila na okay ako kahit hindi naman talaga.
Ang garbo ng inihanda nilang preparasyon para sa akin, maganda rin ang susuotin ko at magmumukha talaga akong elegante simula ulo, hanggang paa ultimo kuko pinaghandaan nila, elegante at malawak na venue para sa akin halos lahat kasi ng mga kapatid ko ay nakaranas ng maganda at magarbong debut wala man si Daddy ngayon pero itinuturing kami ni Mama na mga prinsesa. Blue at Violet ang paborito kong kulay kaya naman ang venue ay napapaligiran ng mga kulay na iyon ultimo gown, kuko at maging ang souvenir ay ganun na rin ang kulay.
Iminulat ko ang mga mata ko matapos akong lagyan ng fake eye lashes, mabigat sa mata at madikit sa talukap, unang beses ko pa lang maka gamit ng lashes dahil na rin siguro hindi ako mahilig maglagay ng mga anik anik sa muka at dahil na rin siguro noong nagka allergy ako "parang malaki yung pinag bago ko" sabi ko sa make up artist ko
Tinignan nya ko ng maigi sabay ngiti "ang ganda mo namang bata ka parang pang miss universe ang awrahan, may jowa ka ba?" tanung nya sa akin
"Ah oo, meron bakla may jowa yan kilala mo ba si Zky? Zkyler John Gesis, yung trainee ng BT Entertainment sa japan, iyon ang jowa nya" pagmamayabang na sabi ni Ate Sassy sa make up artist ko
Kinuha nya ang phone nya "wait search ko" matapos nya i-search ay nanlaki ang mata nya tsaka nya iniharap ang phone nya sa amin "eto ba? Jowa mo?"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, lalo akong pinapahirapan "hindi ko jowa yan" malungkot na sagot ko
Kinuha ni Ate Sassy ang phone ko tsaka nya binuksan at iniharap sa make up artist ko "ohh jowa mo pala e' wallpaper mo pa sabi mo hindi, wag ka mag-alala hindi ko ipagkakalat"
Parang gusto ko na sabihin sa family ko ang totoo about sa amin ni Zky, nadagdag pa kasi to sa mga iniisip ko parang lalo akong hindi nagiging okay dahil sa nangyayari ngayon, ang hirap kasi ng sitwasyon ko ngayon nakawala nga ako sa allergy ko dumating si Zky nawala din naman sya agad, bakit pa dumating kung iiwan lang rin naman ako.
"A blessed evening to each and everyone, and welcome to Staecy Lei's 18th birthday party, we would like to thank everyone in this beautiful venue for gracing this momentous celebration as they say you only get to be 18 once, but before that may we invite everyone to please stand for the prayer" sabi ng Emcee at nag tayuan naman lahat mula sa mga pagkakaupo nila "Good evening to all of us. Welcome to the one of the most important evening of our charming debutant who is now turning into a fine lady. This is quite a very important event in her life and she is very much honor for your presence. Like Wendy in the movie Peter Pan, no more fairy tale stories every night. She is now a real lady as she stepped onto the much higher level of what we call LIFE. Ladies and gentlemen, sit back as we witness the spectacular night of her life and enjoy her party for tonight"
Naka ayos na ako at iniintay ko na lang na tawagan ako ng Emcee, alam kong hindi ako masaya ngayon pero ngingiti ako para sa kanila
"My name is August Martin Castro and I am very much honored to be your master of ceremonies for tonight." sabi nya at nagpalakpakan sila "And now…. guests, friends, ladies and gentlemen, let us all stand as we welcome the debutant as a woman of grandeur, and legal. Let us all stand as we welcome our debutante. Ms Staecy Lei Choi"
Habang nag lalakad ako papunta sa unahan "Wow, blooming and lovely, indeed! Kanino nga ba sya nagmana? Kay Mama ba nya? O kay Daddy? Or both. Staecy spent years growing up in a happy home. The love of a family will always be God’s greatest blessing. Sabi nga nila, in life we can have several friends, classmates, and social circles, but there is only one family who is always willing and ready to welcome us no matter what." nasa akin lahat ang atensyon nila, nakangiti sila at nagpapalakpakan nakita ko rin si Mama na nasa unahan nakangiti sa akin at pilit ko na lang rin nginitian.
18 Red roses
18 Pink roses
18 Bills
DinnerUmakyat si Laura sa stage ng may hawak script "Kinakabahan ako!!" sabi ni Laura
"Go girl" sabi ko sa kanya habang nakangiti
Itinutok nya sa bunganga nya ang mic "First imma start of by saying happy birthday i am so freaking lucky to have you in my life, you accept me at my worst and boost me up at my best when i make my self look stupid you laugh and that is a good friendship. You are irreplaceable, you are my other half, my shawty, my bestie, my mamacita, my marites, my sister from another mother and much more.. I would not be able to imagine my life without you, i am better when i'm with you i am really appreciate you, i can always count on you to be there when i need you, you always stick up for me even when i'm wrong and you know it. I want to thank you for everything, you have taught me how to be a better person i will trust you with my life. I love you" sabi ni Laura tsaka sya dahan dahan na nag pahid ng luha
Lumapit sa akin si Laura tsaka nya ko niyakap ng mahigpit, masaya ako at nakilala ko si Laura at naging kaibigan ko sya, si Laura lang ang kaisa isa kong kaibigan kaya naman lubos yung saya ko na nagii-stay pa rin sya sa tabi ko ano man ang mangyari.

BINABASA MO ANG
ALLERGY
Ficção AdolescenteBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...