Makalipas ang isang linggo ay tinatawagan ko si Zky pero walang nasagot nagriring lang, nag-iintay din ako ng tawag mula sa kanya pero wala man lang, nage-email din ako sa kanya pero hindi na sya nasagot nagi-iwan din ako ng message sa mga social media account nya pero hindi rin sya nasagot wala man lang Hi o Kamusta ka na?. Wala man lang paramdam si Zky, ginawa ko na ang lahat macontact ko lang sya kinapalan ko na yung muka ko nag email na ko sa entertainment niya pero wala pa rin sagot hindi ko man lang alam kung okay lang ba sya. Unti unti ng nalabas yung muka ni Zky sa social media pero hindi ako kontento ng nakikita ko lang sya gusto kong malaman kung okay lang ba sya, kung nakaka kain ba sya ng maayos, kung kamusta ba yung araw nya, kung nami-miss nya ba ko at kung mahal nya pa ba ko? Ang dami kong gustong itanung pero hindi ko magawa, ganun lang ba yon? Sumikat lang sya kakalimutan na ko? Paano yon? Nalalapit na ang 18 ko wala man lang syang paramdam.
Nandito kami ngayon sa bahay ni Ate Kassie, maganda yung bahay malaki sya talagang pang pamilya na "eto po" sabi ni Kuya Uvan kay Mama at iniabot ang box na may ribbon
"Ano to? Hindi ko naman birthday" sbai ni Mama habang nakangiting hawak ang regalo
Hinawakan ni Ate Sassy si Mama sa braso "buksan mo na Ma" masayang sabi ni Ate Sassy
Tinanggal ni Mama ang ribbon tsaka nya tinanggal ang takip, nanlaki ang mga mata ni Mama sa nakita nya, lumapit kami lalo ni Ate Sassy kay Mama para makita yung hawak nya "are you pregnant?" tanung ni Mama kay Ate Kassie
Nakaakbay si Kuya Ivan kay Ate Kassie, nakangiti sila pareho tsaka tumango si Ate Kassie "Yes" masayang sagot nito
"Oh my gosh i am so happy at magkakaroon na ko ng pamangkin" excited na sabi ni Ate Sassy
"Ibig sabihin magkaka apo na ko?" nakangiting tanung ni Mama kay Ate Kassie tsaka nya ito niyakap at pati na rin si Kuya Ivan
Nag apir naman si Ate Kassie at Ate Sassy "ilang buwan na Ate?" tanung ni Ate Sassy
"Five weeks" sagot ni Ate Kassie sabay mustra ng lima
"Ohh" sabi ni Ate Sassy sakin sabay tingin "parang hindi ka masaya Staecy"
"Masaya ako" sagot ko ng nakangiti
"Hindi!! Parang may problema ka, parang hindi masaya. Nag away ba kayo ni Zky?" tanung ni Ate Kassie habang nakahawak sya sa tiyan nya
Umiling ako "hindi, hindi kami nag away ni Zky okay kami" sagot ko sa kanila ng nakangiti
"Sigurado ka? Para kasing matamlay ka, parang wala ka sa mood" sabi ni Ate Sassy
Tumango ako "okay lang talaga ako, masakit lang yung puson ko" sabi ko sa kanila sabah ngiti
Ang hirap itago sa kanila ang nangyayari samin ni Zky, alam kong magagalit sila kay Zky kapag nalaman nila to baka kung anong isipin nila kay Zky sabagay ganun din ang iniisip ko na baka nakahanap ng sya iba, na baka ayaw na nya sakin. Ang hirap magpanggap na okay ka kahit hindi naman talaga, ang hirap ngumiti kung hindi ka naman talaga masaya.
Nag meet kami ni Laura sa isang restaurant kasama nya si Jerick pero naiwan lang si Jerick sa kotse "Bakit hindi mo itanung sa Mommy nya kung anong number ni Zky?" tanung sa akin ni Laura
"Pumunta ako sa kanila nung isang araw ang sabi nila sa akin kahit daw sila hindi tinatawagan ni Zky, napapanood nila sa social media pero sapat na daw sa kanila yon dahil nakikita naman nila si Zky na nasa magandang kalagayan at mukang masaya" kwento ko kay Laura ng nakasimangot ang mukha
Hindi ko na alam ang gagawin ko hindi talaga ako kuntento ng hindi ko sya nakakausap yung totoo miss na miss ko na sya sobra, gustong gusto ko siyang yakapin "ano ng balak mo?" tanung sa akin ni Laura
Nagkibit balikat lang ako "hindi ko na alam Laura, ewan ko" sagot ko sa kanya
"Alam nila Tita yung tungkol dito?" tanung niya sa akin sabay taas ng kilay
"Hindi" sagot ko sabay iling "baka kung ano na lang sabihin nila kay Zky"
"Malamang magagalit sila, syempre hindi rin naman nila ine-expect na magagawa yon ni Zky" sabi ni Laura sabay cross arm
Uminom ako ng tubig "ewan ko ba!! Parang masaya sya kapag nakikita ko sya sa social media, para bang okay lang sa kanya kahit hindi ako tawagan o hindi ako kamustahin. Ganun lang ba kadali akong iwan?" sabi ko kay Laura at parang galit na ang muka
"Baka naman may dahilan talaga kung bakit hindi ka nya konikontak" sabi sakin ni Laura at inirapan ko lang
"Siguro nga may dahilan baka may nakita na sya doon na ipapalit sakin" galit na sabi ko kay Laura
Tumawa si Laura ng mahina tsaka dumikit sa lamesa "bakit? Kung kailan wala na sya tsaka mo mare-realize na mahal mo pala" pang-iinis na sabi nya sakin
Tama si Laura ngayon ko lang na realize kung kailan wala na si Zky, ganun ba ko kamalas sa pag-ibig? Lord naman!! Kung hindi sya para sakin wag mo ng ipakilala sakin masasaktan lang ulit ako tapos magpapaka anga na naman.
BINABASA MO ANG
ALLERGY
Teen FictionBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...