Kabanata 16

485 21 6
                                    

6:20PM

Sa sobrang daming kwento ni Nanay Helen ay inabot na kami ng ala sais ng hapon, kanina pa kami tapos masukatan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makaalis sa bahay nya, halos isa't kalahating oras na sya nagke-kwento tungkol sa mga naging trabaho nya, naging kwento nila ni Mama at kahit buhay ng kapit bahay nya ay naikwento nya na rin nahihiya namin kaming umalis ng basta basta dahil ipinagluto pa kami para doon maghapunan pero kahit natapos na kami kumain ay marami pa rin syang kwento at mukang hindi mauubusan

"Alam nyo ba yung nangutang na yon sakin hanggang ngayon walang paramdam ang daming naging......" kwento nya at napatigil sya ng iniharang ko ang kamay ko

"Pwede pong sumingit Nay?" tanung ko sa kanya na may halong kahihiyan

"Oo naman, ano yon?" tanung nya sakin sabay ngiti

Lumunok ako "gabi na po kasi magpapaalam na po sana kami para umuwi" sabi sabay ngiti

"Oo naman, walang problema gusto nyo bukas na kayo umuwi may isang kwarto pa naman dyan para sainyo" sabi nya at napangiti si Zky, siniko ko sya

"Salamat na lang po pero may sasakyan naman po kami, uuwi na lang po kami" sabi ko tsaka kami tumayo ni Zky

"Hayaan mo at kapag dumalaw ulit kayo rito, napaka dami ko pang kwento sa inyo" sabi ni Nanay sabay hagod sa buhok ko "mag-iingat kayo"

Ilang minuto lang ay sumakay na kami sa kotse ni Zky, sinimulan paandarin at panandaliang nanahimik

Lumungon sakin si Zky "ang daldal ni Nanay Helen, hindi ko akalain na gagabihin tayo sa dami ng kwento nya" sabi nya at napatawa ako

"Pasensya ka na, baka ganun lang talaga sya hindi nauubusan ng kwento" sabi ko sa kanya at iniharap ko yung katawan ko sa kanya "Zky yung Ex mo sinugod ako kanina, sinampal nya ko"

Napailing sya "wala na talaga yon sa katinuan, lahat na inaway nya kahit si Echo sinugod din sa bahay nya at pinaghahampas dahil kinukunsinti daw ako ni Echo" kwento nya at napa buntong hininga na lang sya, halata kay Zky na galit sya dahil kita yon sa mga mata nya, alam kong mahirap din yon sa part ni Zky dahil pilit isinisiksik ni Blezy ang sarili nya at hindi rin naman alam ni Zky na mangyayari ang mga ginawa ni Blezy

Mag-iisang oras na kami sa loob ng kotse dahil sa sobrang tagal ng traffic at parang hindi nausad sinabayan pa ng malakas na ulan, masarap matulog dahil malamig dito sa kotse pero hindi ko gagawin yon dahil baka makagawa lang ako ng mapa o baka mangamoy tulok ako nakakahiya naman sa driver at kay Zky

Kung ano anong upo na ang ginawa namin sa sobrang boring namin sa loob ng kotse, inabot na rin ako ng gutom sa sobrang tagal ng byahe kapag nga naman talaga minamalas ka nagkataon pa nakasama ko si Zky syempre masaya sya sasabihin nya na naman 'atleast i spend my time with you' pangilala na mga sinasabi nya

"Gusto mo ba kumain muna?" tanung nya sakin at napangiti ako sa kanya "ramdam ko kasi gutom ka na"

Ipinandong namin yung jacket ni Zky, sumugod na kami sa ulan kahit walang payong may pandong naman kami, pumasok kami sa isang restaurant at nakangiti naman yung guard nung pagpasok namin, sinalubong kaagad kami ng isang Waiter na lalaki "Good evening Ma'am Sir" bati nya at nginitian lang namin sya dinala nya kami sa isang couch na for two person lang "eto po yung menu"

"Sakin ay Lamb salad with fregola" sabi ni Zky sa waiter at napangiti yung waiter

"Good choice Sir" sabi nung waiter kay Zky ng nakangiti "dahil ang napili mo po sa menu ay Lamb salad with fregola isa po yan saaming promo ngayon, once na mapili nyo po yan ay may ring po kaming ibibigay para sa mag couple"

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon