Kabanata 25

335 19 8
                                    

Tinatapik ako ni Zky sa braso habang nakaupo sya sa kama ko "Staecy" gising nya saakin, nagising ako at napabangon

"Oh ang aga mo naman" sabi ko sa kanya

Umayos sya ng upo at humarap sakin "may sasabihin ako sayo" sabi nya sakin at hinawakan nya yung kamay ko tsaka nya hinalikan "Di ba alam mong mahilig ako sa instruments. Noong 2019 nag apply ako sa isang entertainment sa Japan para maging guitarist or drummer ng isang boy band tapos kahapon nag-email sila sakin they told me to sign the contract agad agad"

"Tapos?" tanung ko habang nakakunot ang noo

"Hmm flight ko na mamaya" sabi nya sakin, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis, alam kong mahilig sya sa intruments pero hindi ko alam na gusto nya pala pumasok sa mga ganun ngayon ko lang rin nalaman na may apply pala sya kaya hindi ko alam kung ano bang dapat kong i-react "babalik naman ako"

"Oo nga babalik ka, paano naman ako ng wala ka" sabi ko sa kanya habang malungkot ang muka

"May communication naman tayo, hindi naman mawawala yon" sagot nya sakin tsaka nya hinawakan yung pisngi ko "hindi naman ako maghahanap ng iba, ikaw lang yung mahal ko"

Oo nga pala, wala nga pa lang kami kaya kahit ayoko syang umalis syempre aalis pa rin sya "Sana nga, sana nga pagbalik mo ako pa rin yung mahal mo"

Niyakap ako ni Zky tsaka ako hinalikan sa ulo "pinapangako ko sayo na ikaw lang yung mamahalin ko, intayin mo ako babalik ako"

Matagal nya ko niyakap at parang ayaw nya na pumiglas sakin, kailangan pa bang mangyari to para malaman ko na sobrang mahalaga pala talaga sakin si Zky, ayoko syang umalis parang ang hirap, parang ayoko "ngayon ka na ba talaga aalis?"

Tumango sya "oo e' gusto nila makapirma agad ako ng kontrata" sagot ni Zky

Tumayo sya habang hawak ang kamay ko, bumitaw naman ako para tumayo at maglakad papunta sa kanya "dito ka na lang" sabi ko sa kanya

Hinawakan nya ang kamay ko tsaka nya hinalikan "kung pwede nga lang" inilagay nya yung kamay ko sa bewang nya tsaka nya niyakap ng mahigpit "mamimiss kita"

"Mamimiss din kita Zky" bulong ko sa kanya

"Parang may nararamdaman ako" sabi nya sakin tsaka sya tumingin sakin

Tumawa ako ng mahina tsaka ko lang nalaman "sorry, wala pala akong bra"

"Okay lang" sabi nya sakin tsaka nya ko ulit niyakap

"Sobrang mamimiss kita" sabi ko sa kanya tsaka ko hinigpitan ang yakap

Umalis sya sa mula pagkakayakap tsaka nya hinawakan ang dalawa kong pisngi "mahal na mahal kita" sabi nya sakin tsaka nya ko hinalikan

Knock knock

Agad kaming pumiglas sa isa't isa pero nakaakbay pa rin sya sa akin, pumasok sa kwarto ko si Mama, Ate Kassie at Ate Sassy "sigurado ka na ba dyan Zky?" tanung ni Ate Sassy

Tumango si Zky "sigurado na po ako, matagal ko na po ito inaantay" sagot ni Zky habang malungkot ang mukha

"Baka naman kapag sikat ka na kalimutan mo na kami" sabi ni Ate Kassie kay Zky

Ngumiti si Zky "Ate naman, makakalimutan ko ba naman kayo e kayo yung pamilya ng taong mahal ko"  sagot ni Zky at napangiti sila

Hinawakan ni Mama ang ulo ni Zky tsaka nya ito hinagod "mag-iingat ka doon, kapag may problema ka wag ka mag dalawang isip na tawagan kami" sabi ni Mama tsaka nya niyakap si Zky

"Salamat po Tita" sabi ni Zky habang yakap yakap nya si Mama

Naghiwalay sila ng yakap tsaka nya niyakap si Ate Kassie at Ate Sassy "mag-iingat ka doon" sabi ni Ate Sassy

"Pwede ko po ba mayakap si Staecy?" tanung ni Zky

Tumawa sila tsaka sabay sabay tumango "go" sabi ni Mama tsaka ako itinuro

Niyakap ako ulit ng mahigpit ni Zky "nabitin ako sa kiss" bulong nya sakin "mahal na mahal kita, hintayin mo ko babalik ako" sabi nya sakin tsaka nya ko hinalikan sa ulo

"Ngayon pa kung kailan malapit na mag 18 si Staecy" sabi ni Ate Sassy

"Uuwi po ako kapag pinayagan ako ng entertainment" sagot ni Zky

"Mag-iingat ka" sabi ko kay Zky tsaka ko sya niyakap

Matapos makaalis ni Zky ay parang ayoko ng kumilos, ayoko ng gumalaw, ayoko ng kumain at gusto ko syang sundan. Hindi namin alam kung kailan ba ulit kami magkikita ni Zky, hindi ko alam kung kailan ko ba ulit mahahawakan yung malambot nyang kamay, kung kailan nya ko ulit aakbayan at kung kailan mauulit na halikan nya ko ulit. Ilang taon na rin ang lumipas bago ako mahalikan ulit, at masaya naman ako dahil ang labi ni Zky ang dumampi sa labi ko.

Nagla-laptop ako ng biglang mag ring phone ko, at sinagot ko naman iyon "Zky" banggit ko

"Andito na ko sa airport, kapag naka tungtong ako sa Japan tatawagan kita agad" sabi nya sakin at ngumiti ako

"Mag-iingat ka dyan lalo na sa mga magaganda" sabi ko sa kanya at narinig ko yung tawa nya

"Ikaw lang yung maganda sa paningin ko" sabi nya at napatawa ako

"Aalis ka na nga bolero ka pa rin" sabi ko

"Wag ka mag-entertain ng ibang lalaki dyan ha!! Hintayin mo ko, babalik ako" sabi nya sakin at napatango ako "sige na, ibababa ko na, i love you"

Maganda yung bagong mundo na papasukin nya, hindi ko naman sya pwedeng pigilan dahil pangarap nya yon gusto ko lang suportahan sya sa direksiyon na tatahakin nya pero mas gusto ko sana kung nasa tabi nya ko kaya lang hindi pa naman ako pwedeng sumunod don dahil una sa lahat hindi pa ako graduate at kailangan ko pang tapusin yung pag-aaral ko, di bale sya at kaka 21 nya lang pwede na nyang gawin kung anong gusto nya samantalang ako wala pa ko sa legal age kaya lahat dictated pa nila, darating din ako sa araw na magkakaroon ako ng sariling desisyon but for now kailangan ko muna antayin si Zky and i hope na pag balik ni Zky i have my own decision.

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon