Her day, her special day. Malaki yung tiwala namin kay Kuya Ivan hindi nya naman siguro yon sisirain, masaya naman kami sa nangyayari ngayon kay Ate Kassie parang noon lang binebaby nya ko pero panigurado after ng wedding nila magba-baby na sila. From Kassie Lei Choi to Kassie Lei Choi Montalvan, maganda naman pakinggan mahaba lang. Ngayon na ang wedding ni Ate Kassie di pa rin ako makapaniwala at sa mga susunod pa na buwan panigurado susunod na rin si Ate Sassy magpakasal, pero kahit anong desisyon nila magiging masaya lang ako para sa kanila basta masaya sila.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Ate Kassie suot ang wedding dress nya "ang ganda mo Ate Kassie"
"Oo nga anak" nakangiting sabi ni Mama na para naiiyak "napaka ganda mo"
"Ohh Mama, wag ka muna iiyak wala munang iiyak" pigil ni Ate Kassie kay Mama
"Oo nga Mama, baka pati kami maiyak din" sabi ni Ate Sassy habang nakahawak sya sa kewang ni Ate Kassie
Hanggang sa tuluyan ng tumulo yung luha ni Mama "kasi naman ang Ate nyo, ikakasal na iiwan na tayo"
"Mama yung make up mo" sabi ko sabay pinapaypayan ko ng kamay yung kamay nya
"Hindi naman Ma, hindi ko naman kayo iiwan hindi naman ako mawawala madadagdagan pa nga tayo di ba, si Ivan madadagdag sa family natin" sagot ni Ate Kassie na pinipigil ang iyak "Thank you for everything and supporting Ma"
Inabutan ni Ate Sassy si Mama ng tissue "sira na tuloy yung make up mo"
Si Ate Kassie at Mama ay nakasakay sa iisang kotse, kami naman ni Ate Sassy ang magkasama sa kotse. Nauna kaming dumating sa church, pagkababa ko ng kotse ay agad naman akong dumaretso para pumunta kay Laura at Miss "Wow, ang ganda mo Stae" sabi ni Miss at hinagod ko paligod ang buhok ko
"Staecy" sigaw ni Zky habang papalapit sa amin "Ang ganda naman"
"Well, ako lang to" pabirong sabi ko kay Zky sabay turo ko sa sarili ko
"That's my girl" sabi ni Zky sakin at nag tinginan si Miss at Laura
Nag kunot noo si Laura "wait, may hindi ba kami alam?"
"Oo nga, parang may nag bago" sabi naman ni Miss at nagkatinginan kami ni Zky
"Walang nabago, wala kayong dapat malaman kami lang to" sagot ko habang nakangiti
Inalok sakin ni Zky ang braso nya at humawak naman ako sa braso nya, kami na ni Zky ang lalakad sa aisle habang mabagal ang paglakad namin ay nakita ko si Zky na nakatingin sakin "tumingin ka sa harap wag sakin" pasimpleng sabi ko habang nakangiti pa rin
"Ang sarap mag-imagine na tayo yung ikakasal" sabi nya sakin at bumalik sya ng tingin sa harap
"Stop" sabi ko habang nakangiti
"I love you" sabi nya sabay tingin sakin
Tsaka ako bumitaw sa kanya at nag hiwalay kami sa kanan ako at sa kaliwa sya. Ng si Ate Kassie na yung naglalakad ay napatingin ako kay Mama na walang ginawa kundi magpahid ng luha "si Mama talaga" bulong ko
Pagkarating nila sa unahan kung saan ay naroroon si Kuya Ivan, nag bless si Kuya Ivan kay Mama at si Ate Kassie naman ay nag bless din sa Mother at Father ni Kuya Ivan.
Napatingin ako kay Zky at nakita ko na nakatingin sya sakin sabay kaway, at nagkakataon din naman na bigla biglang magsasalubong yung tingin namin tapos ngingiti lang sa isa't isa
After a few hour
Bride and Groom, you have heard the words about love and marriage, have exchange your vows and made your promises, and celebrate your union with the giving and receiving of rings.
It is at this time that i now pronounce you husband and wife.
You may now kiss the bride!
Tinanggal ni Kuya Ivan ang belo ni Ate Kassie tsaka nya ito hinalikan sa labi. Nagpalakpakan ang lahat.
After ng wedding ay dumaretso ang lahat sa resort kung saan ang reception, matapos kumain ng lahat ay umakyat si Ate Sassy sa maliit na stage "Hello, hello" try nito sa mic "magandang araw sa inyong lahat, let us congratulate our newly wed Mr and Mrs Montalvan" nagpalakpakan ang lahat habang si Ate Kassie at Kuya Ivan ay nasa gilid na nakain "i hope na busog, nabusog ba kayo?"
"Yeeeees" sigaw nila
"Okay thank you for that" sabi ni Ate Sassy at bumaba sya ng stage "can i get the attention of the bride and the bridesmaids, please come here in front"
Agad namang nag lapitan ang mga bridesmaids sa harap maging ang bride na dala ang bulaklak na ihahagis. Ako, si Ate Jane, si Ate Sassy, si Laura at si Ate Lea. Tumalikod si Ate Kassie "girls ready na ba kayo?"
"Yes" sagot namin
Kahit ayokong makisali sa kanila pero sige for my sister go ako, pumwesto ako sa likod yung alam kong hindi ko masasambot. Sabi nila, ang susunod daw na makakasambot ng bulaklak ay sya ang susunod na ikakasal o sasambot ng swerte. Inihagis ni Ate Kassie ang bulaklak, at luckily nasambot ni Ate Sassy na sya namang ikinatuwa nya ng sobra, ng si Kuya Ivan na ang maghahagis ng garter ay ipinaubaya na ng boys ang garter kay Kuya Aldrin dahil alam din naman nila ang relationship ni Ate Sassy at Kuya Aldrin. Habang nagpapalakpakan ang lahat ay naglalakad si Zky papunta sa tabi ko "bakit di mo sinambot?" tanung ni Zky
"Kiiiiiiiiiiss, kiiiiiiiiiis" sigaw nilang lahat habang nagpapalakpakan
"Dahil alam kong ganito yung mangyayari" sagot ko kay Zky
"Gusto ko nga yon e" sagot ni Zky habang nakatingin sakin at siniko ko sya ng mahina
Umakyat si Miss sa stage tsaka kinuha yung Mic "ohh kiss daw Sassy at Aldrin, oh wait bakit hindi sabayan ng newly wed" sabi ni Miss at nag sigawan lahat "bibilang tayo after 3 you have to kiss your partner"
"One..... Two...... Three" bilang ng lahat
"Ohh kiss daw yung mga mag partner" bulong sakin ni Zky at sinamaan ko sya ng tingin "joke lang"
Nagpalakpakan ang lahat, tsaka nagbalikan sa kani-kanilang table, kasama na namin sa table si Zky actually after the wedding palagi na syang nakadikit sakin siguro baka naisip nya na baka may lumapit na naman sakin para kuhanin ang number ko. May nakabakod.

BINABASA MO ANG
ALLERGY
JugendliteraturBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...