Kabanata 19

364 18 9
                                    

Marami ng dumating si Zky na bisita, at sabi nya may mga magdadatingan pa mukang nagiging busy si Zky dahil sa page-entertain sa mga bisita gayun pa man maya't maya pa rin naman ako pinupuntahan ni Zky at tinatanung nya kung okay lang ba ko.

Nagkukumpulan kami ni Miss at Laura sa isang lamesa habang yung iba naman ay talagang nagsasay, yung iba naman ay medyo lasing na "teka maiba tayo, nanliligaw na ba sayo ni Zky?" tanung ni Laura sakin

Alam kong nakita kami ni Laura sa kwarto ni Zky at hindi rin naman maiiwasan na pag-isipan kami ni Zky "Hindi" sagot ko sa kanila

Tumawa si Laura sabay harap kay Miss "alam mo ba Miss nakita ko si Staecy at Zky na nasa kwarto, magkayakap" yabang na kwento nya

"Stae" sabi ni Miss sabay tingin sakin

Tumango ako sabay ngiti "natuwa lang sya sa regalo ko kaya niyakap nya ko" paliwanag ko sa kanila

"Ayy Staecy wag kang sinungaling, iba pa yon nung pumasok ako nakita ko kayong dalawa mag kayakap na" paliwanag ni Laura

"Oo na, wag kayo maingay kay Mama papagalitan ako non" sabi ko sa kanila

"So hindi pa nga kayo?" tanung sakin ni Miss

"Hindi pa" sagot ko sa kanila napangiti sila "hindi"

"Hindi PA, PA ibig sabihin magpapaligaw ka na?" tanung sakin ni Laura, na parang gusto nyang sabay kami na magpaligaw at gustong gusto ko mahuli sa mga sagot ko

Nag kibit balikat ako "hindi, hindi ko alam, hindi ko pa alam" sagot ko sa kanila na

"Excuse me" sabi nung lalaking dumating, napatingin kami lahat sa kanya at inaabot nya ang phone nya "pwede ko ba makuha yung number mo?"

"Ayy sorry hindi na ko available" nakangiting sabi ni Laura dun sa lalaki

"I'm sorry, sya sana kung pwede makuha yung number" sabi nung lalaki sabay turo sa akin

Agad namang dumating si Zky at inakbayan yung lalaki "Vince kamusta? Balita ko kayo na ni Patricia ahh" sabi ni Zky sa lalaki at nanlaki yung mata ni Laura, hinila ni Zky si Vince palayo sabay hawak ni Zky sakin sa braso

"Babaero" bulong ni Laura saamin at napatawa kami ni Miss

"May girlfriend naman pala, naporma pa sa iba" sabi ni Miss sabay tingin doon sa lalaki kanina tsaka inirapan

Napatingin kami kay Zky ng naglalakad sya palapit saamin "wag kayong basta nagtitiwala don, babaero yon" sabi nya sabay lingon sakin "lalo ka na"

"Alam ko naman ang dapat kong gawin, kung dapat ko ba ibigay o hindi" sagot ko kay Zky habang nakatingin ako sa kanya

"Galing!! Bakod na bakod" nakangiting sabi ni Miss kay Zky

Hinawakan ni Zky ang braso ko tsaka hinagod "syempre naman, papakawalan ko pa ba si Stae" sabi nya tsaka sya tumingin sakin

Nakakatuwa naman at nasaktuhan na dating ni Zky, hindi namin alam na babaero pala yung Vince na yon pero kahit hindi man sya babaero hindi ko rin ibibigay ang number ko dahil kay Zky pa nga lang nag-aalinlangan na ko pano pa kayo kung dalawa sila, hindi naman sobrang pag-aalinlangan parang nahihirapan pa kasi akk mag desisyon kung ano bang dapat kong gawin, parang ang hirap tumayo sa sariling desisyon

Makalipas ng ilang oras ay unti unti ng nag-uuwian ang mga bisita at kahit si Miss ay umuwi na rin, may mga ilang natitira pa na bisita na parang ayaw na mag tira ng pang uwi sa sobrang kalasingan at si Zky ay gegewang gewang na rin dahil nakipag sabayan na rin sa mga bisita ng pag-iinom "mamaya ka na kaya umuwi" sabi ko kay Laura dahil nagpapaalam na rin sya

"Uuwi na ko, lasing na rin pati si Jerick" sabi nya tsaka nya tinuro si Jerick na nakaupo sa upuan at laylay na ang ulo

"Sige mag-ingat kayo" sabi ko sa kanila sabay pilit na ngiti, nakatingin ako sa kanila habang naglalakad sila palayo

Nagulat ako ng biglang may nagtaklob ng jacket sa balikat ko, lumingon ako sa likod ko at nginitian ako ni Zky "wag ka ng magsusuot ng mga ganyang damit, marami sayong nalapit baka mamaya maagaw ka pa sakin" sabi nya at nag cross arm ako tsaka tumawa "tinatawanan mo pa ko  seryoso naman ako sa mga sinasabi ko sayo, wag mo ng susuotin yan at masyado kang maganda sa damit na yan"

"lasing ka na no?" nakangiting tanung ko sa kanya

Hinawakan nya yung bewang ko at hinigit nya ko palapit sa kanya "hindi pa ko lasing, nakikita ko pa yung kagandahan mo"

"Bolero ka talaga" sabi ko sa kanya tsaka ko pasimpleng itinulak yung muka nya gamit ang kamay ko para humiwalay ako sa kanya

"Hindi a' totoo ang sinasabi ko, napaka ganda mo" sabi nya sakin sabay kindat, hinawakan nya ang kamay ko tsaka nya iyon hinalikan "mahal na mahal kita Staecy"

"Mahal mo ba talaga ko?" tanung ko sa kanya tsaka ako hinigit para yakapin

"Sobrang mahal na mahal kita Staecy" sabi nya tsaka nya ko hinalikan sa ulo "wag mo na ulit susuotin yan, baka makaakit ka ng iba bigla mo kong ipagpalit" umalis ako sa pagkakayakap sa kanya tsaka ko sya tinignan ng masama "joke lang"

Mukang seryoso naman sakin si Zky i mean ramdam ko naman na seryoso sya at ramdam ko rin naman na mahal nya ko, natutuwa ako kapag naririnig ko yon sa kanya kapag naririnig ko sa kanya na 'mahal na mahal nya ko' at yung madalas nyang sabihin sakin na 'ang ganda ganda mo' masaya akong marinig yon mula sa kanya.

ALLERGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon