Ilang araw rin kami nag stay dito sa beach, naging masaya naman ako pero hindi na ko nakapag enjoy ng maigi dahil nga sa nangyari sa paa ko, naka bandage at nawala na rin ang sobrang pamamaga
Matapos namin mag-ayos ng gamit ay tinawagan ko si Ate Kassie
"Hello Ate" bati ko sa kanya
"Oh Stae napatawag ka?" sabi nya
"Ngayon na kami uuwi" seryosong sabi ko sa kanya
"Mabuti naman at mas mauuna kang dumating kaysa kay Jerick" sabi ni Ate Kassie
"Sige Ate, antayin nyo na lang ako dyan" sabi ko
"Sige mag-ingat kayo" sabi ni Ate Kassie at pinutol ko na ang linya
Matapos ko makausap si Ate ay agad kong inilapag sa kama ang phone ko, nagbihis ako agad at nag tsinelas lang ako dahil nga naka bandage yung isang paa ko, nakalagay ang gamit ko sa maleta higit higit ko iyon at meron akong bitbit na shoulder bag tskaa kami sumakay sa van
Tawanan sila ng tawanan habang nasa biyahe, at ako naman tulog lang ng tulog na parang wala sa mood
"Salamat guys" paalam ko sa kanila ng makababa ako ng van
Pagpasok ko sa bahay namin ay tahimik at parang walang tao
"I'm here" sigaw ko
Nakipag beso beso ako kay Ate Kassie at kay Mama
"Kamusta bonding?" tanung ni Mama sakin
"Okay lang masaya naman po" sagot ko at nilibot ko ang mata ko "nasaan si Ate Sassy?"
"May date sya" sabi ni Ate Kassie
"Date? May boyfriend ba si Ate Sassy?" tanung ko ng nakakunot ang noo
"Alam mo anak, hindi lang naamin yang Ate Sassy mo pero may feel ko may boyfriend yan" sabi ni Mama at napatawa naman si Ate Kassie
"Mama sobrang strict nyo kasi, kaya hindi maipakilala ni Sassy yung boyfriend nya, pati hayaan nyo naman magkaboyfriend yan si Sassy 25 years old na yan" pangaral ni Ate Kassie
"ikaw ikakasal na tapos sya may boyfriend na, ano yon iiiwan nyo na ko?" malungkot na sabi ni Mama
"Mama don't worry kahit magkaroon na kami ng sariling pamilya we're always be here for you" malambing na sabi ni Ate Kassie
"Aww so sweet" sabi ni Mama tsaka nya pinatong ang ulo nya sa balikat ni kay Ate Kassie
"At isa pa andyan si Staecy, muka namang tatandang dalaga yan" sabi ni Ate Sassy
Napangiti ako sa sinabi nya "Kapag ako nakahanap" bulong ko
"May sinasabi ka Stae?" tanung ni Ate Kassie sakin
"Wala!!" sagot ko sabay irap
May narinig kaming tunog ng kotse kaya naman mabilis na kong tumakbo papunta sa kwarto ko at naiwan ko ang maleta ko sa sala
Ilang sandali lang ay narinig ko yung pagbukas ng pinto ni Jerick
"Stae" tawag nya
"Oh? Bakit?" tanung ko
"May sasabihin ako sayo" sabi nya mula sa kabilang dingding "nakakaya na kay Tita Ayie kaya naman dun na lang muna ako titira sa hotel"
"Are you sure? San ka naman kukuha ng pambayad mo?" tanung ko sa kanya
"May pera pa naman ako, magtitipid muna ako" malungkot na boses na sabi nya
"Basta kapag may kailangan ka, wag ka mahiyang lumapit o magsabi, you're now part of our family" sabi ko sa kanya habang hinagod ko ang buhok ko
"Salamat, wag ka mag-alala dadalawin kita dito i mean kayo nila Ate Kassie" masiglang boses na sabi nya
"So? Ngayon ka na aalis?" tanung ko
"Oo, dadaanan ako ng tropa ko" sagot nya
"Sige, ingat ka" sabi ko sa kanya at napangiti sya
Nahiga ako sa kama at dahan dahan kong ipinikit yung mga mata ko, ilang minuto din nakapikit ang mga mata ko pero hindi naman ako makatulog kasi kung ano anong napasok sa isip ko, iminulat ko ang mga mata ko
Binuhat ako nya ko ng dalawang beses, hindi nya rin ako iniwan nung araw na nagdurugo yung paa ko, sana makita ko pa sya ulit, gusto ko syang makilala
"Pare" sigaw ng boses ng lalaki na nasa kabilang kwarto
Napatayo agad ako mula sa pagkakahiga ko tsaka ko mabilis na idinikit ang tenga ko sa dingding
"Pare ayoko na kay Blezilda gusto ko na makipagbreak" boses ni Zky mula sa kabilang kwarto
"Ha? Bakit naman?" kunot noo na tanung ni Jerick
"Nasasakal ako Pare, di ko na ma take" dismayado na sabi ni Zky
"Paano namang masasakal ka, ang bait kaya ni Blez" sagot ni Jerick
"Pare three months pa lang kami sinasakal nya na ko, alam mo bang kanina lang kausap ko sya sa cp tapos nagagalit sya sakin baka daw may babae ako kaya ayaw ko sya isama tapos pati dun sa nakitext sakin si Reren dun sa girlfriend nya, sinasabi sakin ni Blezy na may babae daw ako Pare ayoko na talaga, eto pa ha ang dami nyang pinagbabawal sakin bawal umuwi ng gabi bawal gumimik ng gabi bawal ng may kainumang babae bawal ng may kaakbay na PINSAN pare ayoko na talaga, tamang hinala na sinasakal pa ko" kwento ni Zky
"Ahh.. So sigurado ka na sa desisyon mo?" paniguradong tanung ni Jerick
"Sure na, wala ng bawian" sagot ni Zky
Humarap si Jerick kay Zky "sigurado ka ayun ang dahilan nun, baka naman may bago ka ng nakita?"
"Pare wala, seryoso ako sa rason ko at sa desisyon ko" sabi nya na seryoso ang muka
Nagkibit balikat si Zky "ikaw, bahala ka" sagot ni Jerick "Bakit nga pala hindi sumama si Echo?"
"Dun na daw sya dadaretso sa hotel" sbgot ni Zky at tumango ako
Narinig kong naglabasan na sila ng kwarto ni Jerick kaya naman lumabas ako ng kwarto ko at daretso agad ako sa sofa namin
"Hi" bati ni Ate Sassy palapit saakin at bumeso sya "Nasan sila Mama? Mama"
Lumapit sila Mama at nakipag beso beso sila kay Ate Sassy
"Umakyat ka muna sa kwarto mo Stae at nasa labas yung boyfriend ko" sabi ni Ate Sassy at napasimangot ako
"Si Ate naman kabababa ko lang" nakabusangot ang muka na sabi ko
Nagmadali na kong umakyat papunta sa kwarto ko at iniwan ko na sila doon
"Babe" sigaw ni Ate Sassy at pumasok ng bahay yung boyfriend nya
"Babe??" nadidiring sabi ni Ate Kassie
"Future husband?" tanung ni Mama
Nag-isip si Ate Sassy at hinawakan nya sa braso yung lalaki "why not Mama"
"Oh my god" nanlalaking mata na sabi ni Mama
"I'm just joking" arteng sabi ni Ate Sassy "i just want you to meet my boyfriend Aldrin Santiago, Aldrin meet my Mama Ayie and my Sister Kassie"
"Hello po" bati nito sabay bless kay Mama
"So what is your job Aldrin?" tanung ni Mama
"Mama?" pigil ni Ate Sassy kay Mama
"Engineer po Tita" sagot nito
"Nice to hear that Aldrin, wag mong pababayaan ang anak ko" bilin ni Mama
BINABASA MO ANG
ALLERGY
Teen FictionBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...