Nagsisipilyo ako sa cr ng biglang tumunog ang phone ko
-Hi
Hindi ko pinansin iyon at pinagpatuloy ko ang magsisipilyo ko ng biglang tumunog ulit at tinignan ko iyon
-Tulog ka na ba?
"Sino ba to?" sabi ko sa sarili ko at nagmumog na ako tsaka nag pahid ng twalya sa bibig
Knock knock
Binuksan ko yung pinto "ohh gising ka pa" sabi ko kay Zky
"Hi" sabi nya sabay ngiti "Tulog ka na ba?"
"Wait!! Ikaw ba yung...." sabi ko at tumawa sya
"Ako nga" sagot nya sabay ngiti
"San mo nakuha number ko?" tanung ko sa kanya habang naka cross arm
Sumandal sya sa pinto "hindi na importante yon"
"Alam mo matulog ka na, anong oras na wala pa tayong tulog" sabi ko sa kanya
"Okay lang yon, atleast i spend my time with you" sabi nya at napangiti ako
"Alam mo, ang galing mo sa flowery words" nakangiting sabi ko sa kanya
Humakbang sya ng isa palapit sakin "Bakit? Nakukuha na ba kita sa mga flowery words ko"
"Eheeeem" sabi ni Laura na mukang nagising dahil saamin
"Sorry" sabi ko kay Laura "ang ingay mo kasi e" sabi ko kay Zky
Hinila nya ko palabas ng kwarto tsaka nya isinara yung pinto
"Bakit ba? May sasabihin ka ba?" sabi ko sa kanya at ngumiti sya
"Ang ganda mo talaga kapag naiinis" nakangiting sabi nya sakin
"Tigilan mo nga ako, hindi ka ba nalulungkot kagagaling mo lang sa break up tapos ganyan ka kasaya" sabi ko sa kanya sabay irap
"Hindi naman ako malulungkot dahil nawala sya kasi alam ko namang darating ka" sabi nya at tumalikod ko sa kanya na pinipilit wag ngumiti
Humarap ako sa kanya "bumalik ka na sa kwarto ni Jerick at matulog ka na"
"ayoko di rin naman ako makakatulog" sabi nya at lumapit sya sakin "baka hindi ka umalis sa isipan ko"
"Ano ba yan Zky? Tigilan mo na ko, wala akong panahon dyan, wala akong panahon sa mga ganyan" sabi ko sa kanya
"Ayaw mo naman kasi akong replyan" malungkot na sabi nya
"Bakit kasi hindi ka na lang makipag balikan sa Ex mo?" tanung ko sa kanya
"Ha? Final decision na yon, i don't love her anymore" mayabang na sagot nya "at isa pa kapag bumalik ako sa kanya hindi ko alam kung mamahalin ko pa sya dahil sa ugali na meron sya"
"Bakit? Ano bang ugali meron sya?" seryosong tanung ko sa kanya
"Yung ugali na hindi ko nakita sayo" nakatitig na sagot nya
"Bakit? Alam mo na ba yung ugali ko?" taas kilay na tanung ko sa kanya
"Oo" lakas loob na sagot nya "i know that you don't hurt people with lies, you kill them with truth"
"Bakit gising pa kayo?" tanung ni Ate Sassy habang nagkukuskos ng mata "matulog na kayo"
"Si Zky kasi ayaw pa ko patulugin" sumbong ko kay Ate
"Zky bukas ka na manligaw" sabi ni Ate at napatawa si Zky
"Ate hindi sya nanliligaw" sabi ko kay Ate Sassy
"Hindi PA nanliligaw" sabi ni Ate Sassy at nag apir sila ni Zky
Bumaba si Ate Sassy ng hagdan at naiwan kami doon
"Anong ginawa mo? Bakit naging close mo si Ate Sassy?" tanung ko sa kanya ng naka cross arm
"Finlowery words ko rin" sabi nya at napatawa naman ako
Hindi ako sigurado pero nararamdaman ko si Zky na may gusto sakin, tama ba ko? O masyado lang akong gandang ganda sa sarili ko, ewan ko pero ayun yung nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung anong mangyayari sa susunod pero takot pa rin ako hindi pa rin nawawala sa isip ko na kahit andyan sila para sakin baka pwedeng maulit yung dati, mahirap magbigay ng tiwala ulit.

BINABASA MO ANG
ALLERGY
Novela JuvenilBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...