Ilang araw na rin ang lumipas, halos araw araw napunta dito si Zky para lang dalawin ako para lang magdala ng bulaklak, tsokolate, teddy bear, at marami pang ibang pagkain talagang pinaparamdam nya sakin na seryoso sya at gusto nya ko makuha, hindi pa napayag si Mama na magkaroon ulit ako ng manliligaw pero gayun pa man kahit hindi nanliligaw si Zky at ipanaparamdam nya sakin na seryoso sya at espesyal ako para sa kanya, palagi naman syang welcome dito sa bahay dahil close nya na rin naman si Ate Sassy, Ate Kassie, si Mama at maging yung boyfriend ng mga Ate ko. Magaling sya makihalubilo kaya naman mabilis nya na makuha ang loob ng mga taong malalapit sakin na kahit maging si Laura at Miss ay close nya na rin
"Mama pwede ba kita makausap?" tanung ko kay Mama habang si Mama ay nag-aayos ng mga bulaklak na ilalagay sa vase
"Ano yon Staecy?" tanung nya sakin habang busy sya
"Ma gusto mo ba si Zky para sakin?" seryoso ang muka ko ng tanungin ko yan kay Mama, napatigil sya sa ginagawa nya at tumingin sya sakin ng daretso
Alam kong iba ang iisipin ni Mama sa tanung ko pero gusto ko marinig mula sa kanya kung gusto nya ba para sakin si Zky "Kung ako yung tatanungin mo hindi, sa ngayon" sabi nya at hinagod nya ang buhok ko "yung totoo, hindi pa ko handa na magkaboyfriend o magkaroon ka ulit ng manliligaw dahil kahit alam kong mabait si Zky gusto ko pa rin masigurado yung mga bagay bagay kung talaga sya na ba yung taong para sayo, bakit? Kasi ayoko na kita makita na iyak ng iyak, na trauma, na ikukulong mo na naman yung sarili mo, na magta-tangka ka na naman mag suicide, ayoko na dahil kapag nakikita kita na ganun hindi ko rin kinakaya, nasasaktan din ako"
First time ko narinig yang mga salitang yan mula kay Mama, ramdam ko na mahal nya ko pero hindi nya sinasabi hindi ko alam na ganyan pala ang pakiramdam ni Mama nung mga araw na ganun ako "hindi na mauulit yon Mama" sabi ko sa kanya sabay ngiti
Hinawakan ni Mama ang pisngi ko "ikaw ang magdedesisyon nasa likod mo lang ako para umalalay sayo, pero ang sa akin lang siguraduhin mo muna yung mga desisyon mo bago ka mag step 2 isipin mo muna bago mo gawin, kung noon nag kulang ako ngayon hinding hindi ako mawawala sa tabi mo, hinding hindi ako magsasawang pakinggan ka. Bakit? Para malimutan mo na talaga si Bry gusto mo ng papasukin si Zky sa buhay mo?"
Ano bang dapat kong isagot sa tanung ni Mama, parang ang hirap sagutin naka moved on na ko kay Zky pero hindi ko alam kung handa na ba talaga ako "Ma nalimutan ko na si Bryan matagal na, okay na skain lahat pero hindi ako sigurado kung papapasukin ko na ba si Zky sa buhay ko" sabi ko sa kanya at parang nag-isip si Mama
"Kung handa mo ng papasukin sa buhay mo si Zky dapat alam mo yung mga possibility na pwedeng mangyari, mga bata pa kayo pwedeng humanap ka pa ng iba humanap pa sya, iwanan mo sya o iwanan ka nya, lokohin mo sya o kaya naman lokohin ka nya maraming pwedeng mangyari dapat handa ka sa mga yon kasi hindi natin alam kung mangyayari ba yon o hindi, maging sigurado ka sa desisyon mo pero ano man ang mangyari nandito lang kami para sayo" sabi nya sakin at niyakap ko sya
Napatingin kami kay Manang Hena ng pumasok sya sa bahay "Ma'am may bisita po kayo, si Zky" sabi nya at tsaka sya umalis, na sya namang pasok ni Zky daredaretso sya kay Mama para bumeso
"kumain ka na ba Zky?" tanung ni Mama kay Zky
Ngumiti si Zky kay Mama sabay tango "Opo, kumain na po ako Tita"
Mabait talaga si Mama kay Zky ewan ko ba kung bakit, ganyan din si Mama kay Bryan noon at mabilis din naman nakuha ni Bryan ang loob ni Mama. Mabait din naman si Zky at nakikita ko rin naman na seryoso sya sakin pero marami pa rin ang pag-aalinlangan sa isip ko na baka maulit yung dati, siguro naman hindi ganun Zky
Iniwanan kami ni Mama doon at ang bagong dalang bulaklak ni Zky ay ibinigay ko na rin kay Mama para ilagay sa vase, magkatabi kami ni Zky sa sofa binigyan sya ni Manang Hena ng isang basong juice "Kamusta?" seryosong tanung nya sakin
Tumawa ako at nakatingin lang sya sakin "kamusta ka dyan, e' kagagaling mo lang dito kahapon pati magkausap lang tayo kagabi sa phone" sabi ko s kanya habang nakangiti
Hinawakan nya ang kamay ko na sya namang nakita ni Mama mula sa table na pinag-aayusan nya ng bulaklak "Eheeem no touch" sabi ni Mama at agad naman tinanggal yon ni Zky
"Sorry po Tita" sigaw ni Zky habang nakangiti kay Mama,
Nakakahiya naman masyado akong bakod na bakod ni Mama talagang protective "pasensya na may gwardya na nakabantay" sabi ko habang natawa
"Okay lang, ako nga nahihiya hindi ko mapigilan na hawakan yung kamay mo" sabi nya sakin ng daretso
"Willing ka ba mag-antay ng 10 years?" sabi ko sa kanya habang pinipigilan ko yung sarili ko na tumawa
Nanlaki ang mata nya na parang nagulat "10 years talaga?" seryosong tanung nya na parang hindi nya naramdaman na nagbibiro lang ako "di nga? 10 years nga?"
"Oo nga, 10 years ka pa mag-aantay, ayaw mo ba? Susuko ka na ba?" naka kunot na tanung ko sa kanya
Umiling sya "hindi syempre, bakit naman ako susuko e gusto ko ikaw na yung huling babae na mamahalin ko" seryosong sabi nya sakin
Hindi ko akalain na ganun ang isasagot nya sakin, ako na ang huling babae na mamahalin nya? Mahirap maniwala pero masaya ako na marinig yon mula sa kanya "binibiro lang kita, wala pa tayo sa legal age para sa mga bagay bagay pero handa akong maramdaman kung ano yung gusto mo iparamdam sakin"

BINABASA MO ANG
ALLERGY
Fiksi RemajaBakit allergy pa? Am i a bad person to have this? I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan. How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt? -- Stae...