Bakit allergy pa?
Am i a bad person to have this?
I'm just a victim, isa akong biktima na kailan man ay walang karapatan na maging masaya at harapin ang katotohanan.
How can i live without my allergies? How can i trust again without doubt?
--
Stae...
Hinampas ni Sir Art ang lamesa nya ng napaka lakas "Ano na namang ginawa mo Staecy? Paano mo ipapaliwanag yon sa media?" sigaw nya sakin habang nakatungo lang ang ulo ko "Nakaka-disappoint ka, hindi na ikaw yung kilala kong Staecy na nag-iingat sa lahat ng bagay. Alam mong artist si Zky, paano mo ipapaliwanag sa media yon? Paano mo ipapaliwanag na hindi totoo ang kumakalat na mga pictures"
"Sir with all your respect wala ho akong ginawang masama, walang ibig sabihin yung mga photos na nagkalat sa social media" lakas loob na sagot ko sa kanya at nagulat ako ng ibato sa akin ni Sir Art ang mga pictures na kasama ng brown envelope
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lumapit sa akin si Sir Art "sayo walang ibig sabihin e' sa netizens, meron! Alam mong iniinganatan natin ang pangalan ni Zky, bakit hindi ka nag-iingat? Paano mo ipapaliwanag yon sa kanilang lahat? Sinasabi ko sayo Staecy, kapag nawala pa sa atin si Zky hindi ko na alam ang gagawin ko sayo"
Iniwan ako doon ni Sir Art at malakas nyang isinara ang pinto, humawak ako sa ulo ko tsaka ako pumikit
"Stae" tawag ni Pat habang papalapit sa akin tsaka nya ko hinawakan sa likod "mainit lang ulo ni Sir alam mo naman yan matandang binata, pagpasensyahan mo na"
Maraming nagkalat na mga pictures sa social media, pati na rin sa mga news. Hindi ko alam kung paano ko to ipapaliwanag sa media, hindi ko alam kung anong muka ang ihaharap ko sa kanila, hindi rin naman nila pwedeng malaman na may nakaraan kami ni Zky dahil malamang non mas lalo kaming pagpepyestahan lalo na ako baka maraming magalit sakin at baka sugurin na lang ako basta basta ng mga fans ni Zky at Akinna
11:24 PM
"Staecy pasensya na" sabi ni Pat sakin sabay hawak sa braso ko
Nginitian ko sya "Okay lang sige mauna ka na, salamat"
"Hindi na talaga kita masasamahan dito, alam mo naman nag-iisa lang din si Mommy sa bahay" paliwanag nya habang hinahagod ang braso ko "sorry na talaga"
"Okay lang okay lang, sige na umuwi ka na inaantay ka na ni Tita konti na lang naman siguro aalis na rin yung mga reporter sa ground floor" paliwanag ko
Dinampot ni Pat ang bag nya "bye, ingat ka pag-uwi" sigaw nya habang naglalakad palayo
Mag-isa na lang ako sa Office, hindi naman ako natatakot sa multo dahil alam kong may mga tao pa ng gantong oras sa ibang floor kaya panatag ang loob ko
Napaka tya-tiyaga naman ng mga reporters na yon at gantong oras inaantay pa rin ako sa baba, wala akong mukang ihaharap sa kanila dahil kitang kita naman sa mga photos na inaaway ko si Zky kaya malamang non maraming galit sakin
1:23 AM
Pagkamulat ko ng mata ko ay kinusot ko ang mga mata tsaka ko iniunat ang aking mga kamay. Napahawak ako sa dibdib ko ng makita ko si Zky na nakaupo sa tabi ko habang nakaharap sakin
"Sorry, nagulat ba kita?" sabi nya sakin tsaka nya tinanggal ang pagkakadekwatro ng paa nya
Inayos ko ang sarili ko "Anong ginagawa mo dito?" tanung ko sa kanya ng nakakunot ang noo
"Nalaman ko kasi, wala kang kasama dito" sagot nya
Tinignan ko ang phone ko at may text si Pat
From: Pat
Sorry, binigay ko phone number mo kay Zky i just want to make sure na okay ka talaga dyan
Napapikit ako at nanggigil ng malaman kong si Pat pala ang dahilan kung bakit andito tong lalaking to
"May mga reporters pa sa baba" sabi ni Zky
"Hindi mo naman kailangang pumunta dito, kaya ko yung sarili ko" mayabang na sabi ko
Napangisi sya sa sinabi ko "kaya pala 1:28 na ng umaga andito ka pa rin, yun ba yung sinasabi mong kaya mo yung sarili mo?"
Sinamaan ko sya ng tingin habang nakataas ang kaliwang kilay ko "Bakit? Wala naman akong sinabing maging concern ka ahh"
"Kahit hindi mo sabihin, concern ako sayo" seryosong sabi nya tsaka ngumiti
Tumayo ako sa kinauupuan ko tsaka ako nag cross arm "hindi ko kailangan ng concern mo at isa pa, wag ka ngang umasta na okay tayo wag ka ngang umasta na walang nangyari" nakangiti lang sya habang nakatingin sakin "oh? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
"Wala ka pa ring pinagbago, napaka ganda mo pa rin kahit nagagalit ka" sabi nya at tinaasan ko lang sya ng kilay
"Wala akong oras makipag bolahan sayo, isa pa bakit ka pa ba bumalik dito sa pilipinas? Dapat hindi ka na bumalik dito, dapat doon ka na lang sa Japan tutal naman mas masaya ka doon" taray na sabi ko sa kanya "Isa pa, wag ka ngang sulpot ng sulpot sa buhay ko dahil sayo nagkanda malas malas na ko" sabi ko habang dinuduro duro ko sya "dahil sayo nagkaproblema pa ko sa trabaho ko, bakit ba kasi bumalik balik ka pa dito sa pilipinas tapos ngayon babalik balik ka sa buhay ko tap......."
Hinila nya ang wrist ko tsaka nya ko hinawakan sa bewang at saktong sakto ang dampi ng labi ko sa labi nya, akma akong aalis mula sa pagkakahalik namin pero mas lalo nya pang diniinan ang halik nya