A Path Of Flowers
I decided na umuwi na lang muna kaysa sa sundan si Akiro kung saan siya pupunta. Nauna rin kasi siyang lumbas kaysa sa akin kaya ayon hindi ko na nasundan kung saan siya pupunta. Hindi rin naman ako handang bumalik doon sa gusali kung saan siya tumalon... iyon lang ang lugar na naisip kong pupuntahan niya kung sakali na wala siya sa kanila.
Pagkauwi ko sa bahay sumigaw kaagad ako nang pangalang hindi ko akalain na tatawagin ko ulit. Hindi ko na pinansin kung malakas ba ang boses ko, basta paulit-ulit ko lang binabangit ang pangalan ng isang taong hindi ko pa lubusang kilala. Sabi niya kapag kailangan ko siyang makausap tawagin ko lang siya. kaya ito ang ginagawa ko tinatawag siya.
"Damon!" I shouted repeatedly.
Pero napagod na ako kakasigaw bago pa siya lumabas.
Napairap ako sa hangin. Mamaya kung anong isipin ng mga kapitbahay ko kung bakit ako nasigaw.
"Bakit ka nasigaw?" natatawa niyang sabi. "Pwede namang mahinahon lang."
"Paano ang tagal mong lumabas. Pero anong gagawin ko?" hindi ko pinansin ang sinabi niya at direkta ko na siyang tinanong.
"I already told you, ikaw dapat ang mag-isip ng paraan."
Napabuntong hininga na lang ako. Talaga bang kakayanin ko 'to?
"Susuko ka na ba kaagad?" sabi niya na parang nabasa niya ang nasa isip ko. "Hindi pa natatapos ang isang araw at higit sa lahat nagsisimula ka pa lang naman."
Tumango ako at kahit papaano, lumakas ang loob at nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili. Tama siya kakasimula pa lang ng lahat ngayon. Nag-restart ang lahat kaya dapat maisip ako ng paraan kung paano ko matutulungan si Akiro.
"Pero tandaan mo tumatakbo ang oras. At bawat segundo mahalaga."
Basag trip naman 'tong si Damon. Okay na e, lumalakas na loob ko pero na-pressure naman ako sa sinabi niya.
"Bakit ba kasi ako?" singhal ko sa kanya.
"Bakit ba hindi ikaw?" pabalik niyang tanong.
"Nakukwestyon ko kasi ang sarili ko kung kaya ko ba. Ganun ba talaga kalakas ang will ko para iligtas siya o baka lang nadadala ako ng guilt ko kasi nakita ko siyang magpakamatay?"
Tumango si Damon para ipakita na naiintindihan niya ako. "Gusto mo nang bumalik? Sumusuko ka na kaagad nang hindi man lang sinusubukan? O natatakot ka lang na hindi mo kaya at makita siya ulit na mamatay?"
Napasapo na lang ako sa noo ko dahil iyon na naman ang sagot niya sa tuwing tinatanong ko siya nun. Hindi man lang ako makakuha ng matinong sagot sa kanya.
"Alam kong kaya mo siyang tulungan," sagot niya nang wala akong maisagot sa kanya.
Tumitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nauubusan ako ng salita na pwede kong isagot sa kanya.
"Gusto ko lang naman na mabuhay siya," my voice cracked and I feel like I want to breakdown.
This whole situation makes me feel more vulnerable than I was before. I wanted to be a better person to save Akiro. A woman who can give him a meaning to live again. Someone he can rely on and would show him the meaning of life. Pero paano ko gagawin 'yon kung ako nga hindi ko masagot ang tanong ni Damon at hindi ko rin alam kung ano nga ba ang buong kahulugan ng buhay.
"But you can make it worse. So, be careful." He warned me.
"Alam ko," mahina kong sabi at napatingin ako saglit sa sahig bago mag-angat ng tingin sa kanya. "Damon-"
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...