Again
"Hello po!" bati ko sa guard na malawak ang ngiti nang makita ako.
"Nand'yan pa po ba si Akiro?" hinihingal kong tanong dahil sa pagtakbo.
Mabilis siyang tumango. "Nand'yan nga."
"Salamat po."
Muli na naman akong tumakbo kahit na naghahabol pa rin ng hininga. Hindi naman ako pinigilan ni Kuya Berto kaya hindi ako nag-abala na tumigil. The funny part was he cheered for me. Tila malabo ang nasa paligid ko. Hindi ko man lang magawang tumingin sa wrist watch ko dahil sa pagmamadali. First time ko rito sa loob at medyo nabigla ako dahil sa malinis ang paligid pero hindi ko muna ito inintindi at kumaripas ng takbo patungo sa pinakataas nitong building.
Matindi ang paghahabol ko ng aking hininga na halos lalawit ang dila ko. Pakiramdam ko sobrang daming calories ang nabawas sa akin. Dinaig ko pa ang nag-full body exercise at sumali sa marathon.
Nang mahawakan ko ang door handle ay nanginig pa ang kamay ko pero kaagad ko itong binuksan at nagpasalamat na hindi ito naka-lock. Napaupo na lang ako sa sahig nang makita si Akiro na natutulog. May sapin siya at hindi naman din nakatapat ang araw sa pwesto niya kaya hindi siya naaarawan.
Pinunasan ko ang luha na lumandas sa mata ko. Sobra akong nag-alala sa kanya na hindi ko alam kung paano mag-re-react. Panay pa rin ang paghahabol ko ng aking hininga, hindi ko na alam kung paano pabalikin sa dating pagtibok ang puso ko sa sobra nitong bilis, pagod na pagod ako pero may ngiti sa labi ko dahil okay lang siya. Maayos siya at umaapaw sa tuwa ang puso ko. Nakakatawa ang ginagawa ko at reaksyon kong ito.
Akiro makes me do things I have never done before.
I have never chased someone. I have never been this scared in my life. But I have never been this happy seeing someone.
Nang makabawi na sa paghinga ng maayos, doon lang ako lumapit sa kanya. Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang aking kamay. Inamoy ko muna ang sarili ko bago ako tuluyan na lumapit sa kanya. Nakakahiya naman kasi na ang fresh niya tapos ako haggard na ewan pero hindi naman ako mabaho.
Inalog ko ang balikat ni Akiro para gisingin siya pero bigo ako dahil nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata.
Napalunok ako bago muli siyang inalog sabay sabing, "May tubig ka?"
Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa pagkauhaw. Ang layo ba naman ng tinakbo ko! Kaya lang hindi niya ako pinapansin pero nakita ko naman ang bag niya sa tabi.
Hinawi ko ang tikwas ko na buhok na basa dahil sa pawis. "Painom ah. Nauuhaw ako." paalam ko sabay kuha ng bag niya para hanapin ang tubig pero mabilis niya itong hinablot sa akin.
"Hindi pa ako pumapayag," banayad ang pagkawalang buhay sa boses niya.
Umayos si Akiro ng pagkakaupo at nahuli ang mata niya na pinasadahan ang kabuuan ko na may pagtataka sa kanyang tingin. Tila isang malaking kalokohan ang makita ako sa kanyang harapan. Hindi ko na pinansin ang pagsipat niya at kung ano man ang sasabihin niya dahil tubig lang ang nasa utak ko ngayon. Kung hindi ako makakainom ngayon ng tubig baka mauna pa akong mamatay dahil sa labis na pagkauhaw!
Binasa ko ang labi ko. Bumaba naman ang tingin niya sa labi ko pero kaagad din namang tumingin sa mata ko. "Painom lang... ang layo ng tinakbo ko," giit ko sa kanya habang pinapaypayan ulit ang sarili.
Ramdam ko ang pamumuo ng maliliit na butil ng pawis ko sa noo, ilong, sa taas ng labi ko, at sa dibdib ko. Gosh! Ang init. Gusto kong maghubad. Wala na nga akong suot na coat pero ang init pa rin.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...