Condition For You
Napahinto sa paglalakad si Akiro at nilingon ako. Saglit ko lang siyang tiningnan at nakakunot ang noo niya sa akin bago ko binalingan si Kiefer. Si Kiefer naman papalapit sa amin. Ano galit ba siya dahil nakasunod ako sa kanya? Ngayon niya lang ba na-realize ang presensya ko?
"Mauna na ako doon sa taas," sabi niya sabay turo sa taas ng building.
"Oh." Akala ko kung anong sasabihin niya. Umiling ako. "Sabay na tayo," pero hindi niya ako pinansin.
Kita ko pang pasimple niyang tinapunan ng tingin ni Kiefer si Akiro.
"Emi!" tawag muli ni Kiefer habang papalapit.
"Ano 'yon?" tanong ko kay Kiefer nang tuluyan na siyang makalapit.
Napasulyap na lang ako kay Akiro na patuloy na naglalakad papalayo sa akin. Gusto kong humabol sa kanya pero kailangan ko munang harapin si Kiefer. Bumuntong-hininga na lang ako at siguro naman sisipot talaga siya doon sa rooftop nitong building 'di ba? Hindi naman niya siguro ako i-indian.
"Bakit mo kasama si Akiro?" takang tanong ni Kiefer.
"Iyan lang na tanong mo? Nagmamadali kasi ako kailangan kong kausapin si Akiro."
"Bakit?" punong-puno ng kuryusidad ang kanyang mukha.
"Siya ka-pair ko sa project at kailangan naming mag-usap," nagmamadali kong sabi.
Marahan siyang tumango sabay sulyap sa dinaan ni Akiro. Wala na si Akiro sa paningin namin. Hindi ko alam kung umakyat ba siya pero kailangan ko ng pumunta.
"Sige, una na ako. Kapag may tanong ka kay Kate ka na lang muna magtanong," sabi ko habang lumalakad patalikod. Umawang ang labi ni Kiefer na parang may sasabihin pa pero pinaglapat niya ito at tumango na lamang.
Binilisan ko ang lakad ko at nang makarating sa hagdan ay tumakbo ako na papaakyat. Hinihingal ako nang makarating ako ng tuluyan sa taas. Kaagad akong luminga sa paligid at naabutan siyang nakatayo sa may upuan.
Nanlaki ang mata ko at kahit hinihingal ay tumakbo ako sa pwesto niya at hinila siya. Iyong hila ko ay para lang pababain siya. Naalerto siya sa ginawa ko pero huli na at tuluyan ko siyang napababa.
Gulat niya akong hinarap.
"Bakit-"
"Bakit ka nakatayo d'yan? Anong ginagawa mo? Gusto mo bang mamatay?" sunod-sunod kong tanong.
Gulat pa rin ang ekspresyon niya at mababasa rin sa mata niya ang pagkainis sa ginawa. Heto na naman kami... nakakainis! Pinapakaba niya ako!
Napatingin ako sa upuan at nilayo iyon. Nakadikit kasi iyon sa may rooftop fence.
"Bakit mo ginawa 'yon?" bakas ang pagkalito niya sa ginawa kong paghila sa kanya. Hindi niya pinansin ang naging tanong ko sa kanya.
"Eh, delikado 'yon."
Kumunot-noo siya at natawa. "Seriously? Paano naman naging delikado? May fence naman na harang kaya hindi ako malalaglag kahit tumuntong ako doon sa upuan." napailing na lang siya at umalis.
"Buti sana kung mahuhulog ka ay masasalo kita," giit ko.
"Hindi mo ako kailangang saluhin. Bakit ikaw ba ang fence?"
"Hindi pero hindi kita hahayaan mahulog."
He smirked, shaking his head. Wala akong ideya kung anong naisip niya para ngumiti na mataray pa rin. "Hindi naman mabubutas ang fence," sagot niya at patuloy sa pag-alis.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mistero / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...