Stalker
Now, masasabi kong naiirita na nga siya at ramdam ko na sa masama niyang tingin na hindi niya papaniwalaan kung ano man ang lalabas sa bibig ko na palusot.
Hindi ko mapigilang hindi pagmasdan ang kabuuan niya kahit nagawa ko na kanina. Mas lalong lumakas ang dating niya ngayong malapit na siya. Naka-sweater jacket siya tapos sa ibabaw nun ay itong sleeveless vest at black pajama at black two strap slippers.
"Anong ginagawa mo dito?" napapikit ako saglit dahil sa lamig ng pagkakasabi niya.
I feel the coldness of his voice from the tip of my finger straight to my heart. His voice is boyish but perfectly melodic to the ear, scratchy and deep. It makes me want to listen to it forever. In addition, his stares make me want to cry. Sobra ba talaga ang galit niya sa tao at kahit simpleng approach ko lang ay nagagalit na kaagad siya?! Iyong tipo ng tingin na kahit walang sabihin ay hinuhusgahan ka na kaagad. Pakiramdam ko nasa harap ako ng isang professor na nagpapa-recitation at wala akong maisagot kahit na nakinig naman ako.
"A-ano... n-napadaan lang..." pagdadahilan ko at nag-utal-utal tuloy ang boses ko.
"Napadaan?" hindi niya makapaniwala na tanong. "Dito? E, ang layo nito sa inyo kaya sinong niloloko mo at sasabihin mong napadaan ka lang. Sa tingin mo tanga ako para maniwala ako sa 'yo? You like to lie to me," he rudely and sarcastically said.
Napalunok ako at tinapangan ang sarili na harapin siya. "Napadaan nga lang," pagsasabi ko ulit ng dahilan ko. Hindi ako nautal kaya mas tunog nakakakumbinsi ako pero wala pa ring nagbago sa kanyang mukha.
He raised an eyebrow and smirked. "You think naman maniniwala talaga ako?"
"Hindi ko na kasalanan kung hindi ka maniniwala sa 'kin," pasaring ko.
He narrowed his eyes and then scoffs. "Hindi talaga ako naniniwala."
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Totoo nga... napadaan lang talaga ako..." pahina nang pahina kong sabi.
"Sino naman dinaanan mo rito?"
Hindi ko mapigilang hindi mag-isip. "Secret." pero wala akong maisip kaya iyon na lang ang napili kong sabihin.
"Mga palusot mo bulok."
"Totoo nga!"
A hint of smile forms on his lips, sharp-smirking like a bad boy. Pero mabilis lang din itong naglaho. "Are you stalking me? Alam ko naman na ako lang ang pupuntahan mo dito."
Nanlaki ang mata ko. "No! Hindi talaga, Akiro," I said, defensively.
"Weh?"
Syempre, I stalk him nga pero hindi ako aamin.
Mabilis akong umiling. "Hindi nga." Umiinit na ang mukha ko sa pamimilit niya sa akin na parang sasabog ang mukha ko sa kahihiyan.
He hissed as slightly tilting his head, giving me a suspicious look. "Seriously? Sa tingin mo maniniwala ako sa palusot mo. Hindi uobra 'yan, stalker," panunuya niya.
"O-okay... edi 'wag. Uuwi na ako." paalam ko sabay talikod sa kanya.
Pagkatalikod ko ay mariin akong napapikit at pinagalitan ang sarili dahil sa kapalpakan. Binilisan ko ang lakad ko kahit medyo ika dahil gusto ko ng matapos ang pagkahiya ko ngayong araw. Maingat pa rin naman ang bawat hakbang ko dahil hindi ko gustong makakomplikasyon ulit pagkatapos ng ilang araw kong nakulong sa bahay.
"Hey!" napahinto ako at mabilis na napalingon sa likod.
"Uuwi ka na?" takang tanong niya. "... kaagad?" dugtong pa niya.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...