Tragedy
Emilia's POV
Ano nga ba ang kahulugan ng buhay?
Iba ba ang kahulugan nito sa kahulugan ng iba?
Para kasi sa akin, ang buhay ay hiram lamang na nakatakdang bawiin kapag oras mo na. Walang saktong oras o panahon, walang sino man ang makakapagsabi kung anong mangyayari sa ating buhay.
Buhay - isang salita na sobrang lalim ng kahulugan para sa bawat tao. Hindi natin ito hawak pero tayo ang masusunod. It's how you connect to people and learn to live on your own and design your own life. Ngunit gayun pa man, lahat tayo lumalaban at kinakaharap ang ating bukas para mabuhay... para man sa sarili natin o sa taong mahal natin.
Pero may tama bang paraan para diktahan ang buhay? Iyong masasabi mo na tama ang ginagawa mo. Kaya mo pa at lalaban pa para sa iyong kinabukasan. Iyong tipong pasan mo na ang mundo, lumalaban ka pa rin.
Hindi ko alam ang sagot sa tanong ko dahil go with the flow lang ako sa buhay ko. No thrill. No excitement. Nabubuhay lang ako kasi sa tingin ko iyong ang purpose ko. Tumulong magbigay ng carbon dioxide sa mundo at dumagdag sa populasyon at maging isang anak, na walang problemang dinudulot sa kanilang magulang.
But is it enough?
Tumingin ako sa isang lumang gusali na naging imbakan na lang. Mataas ito at talaga namang nakakalulang tignan. Hindi ko na pinatagal ang tingin ko doon dahil may pupuntahan pa ako. Hindi ko rin kayang magtagal doon dahil sa alaalang naglalaro sa isipan ko. Wala akong makukuha na maganda sa pagtitig sa gusaling iyon. Puro masasakit na alaala lang ang naiwan doon.
I feel like I was fluctuating while I was walking going back home. Dalawang araw na rin ang nakakalipas simula nang kumalat ang balita sa buong bayan... nakakagimbal na balita. Unang pagkakataon na may nangyaring ganun sa aming bayan.
Naging matunog ito sa buong bayan at pati na rin sa social media. Kaya naman kung ano-anong komento ang maririnig sa lugar namin.
"Nagpakamatay daw 'yong anak nun."
"Maryosep! Kabata-bata pa!"
"Hindi! Ang sabi aksidente daw."
"Baka sinabi lang na aksidente pero hindi talaga. Wala naman kasing nakakita."
"Sinayang lang 'yong buhay niya kung gan'on. Ang daming taong ayaw mamatay e."
"Matalino't may itsura pa naman, sayang. Hindi mo talaga masasabi kung anong nangyayari."
Napapailing na lang ako at pilit na hindi pinapakinggan ang mga sinasabi nila. Hanggang ngayon may mga palihim pa rin na nagsasalita tungkol sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit kinukombinse ko ang sarili kong hindi sila paniwalaan. Hindi man lang sumagi sa akin na totoo ang lahat. It never sinks in as I tried to let it go. It hurts though.
I was still looking for a strength to let it go... to let him go.
Kahit hindi ko naman kaano-ano at alam ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay ngunit mabigat sa loob ko ang nangyari. Hindi rin naman kami magkaibigan pero nakakairita lang itong mga taong dada nang dada. Kung ano-ano ang mga salitang binibitawan nila para sa taong piniling umalis sa mundong hindi naman mapayapa.
Sa loob din ng dalawang araw, iyong lang din ang paulit-ulit kong naririnig mula sa mga taong nakakaalam ng balita kahit hindi naman talaga nila siya lubisang kilala. Kahit ako aminado akong hindi ko pa siya lubos na kilala kahit na nakatira lang kami sa iisang barangay. Pero aminado naman akong wala akong halos na kakilala sa barangay namin kasi hindi naman ako lumalabas, bilang lang ata sa daliri ko ang mga taong kilala ko dito sa amin.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...