Bawat Sandali
"A-anong ginagawa natin dito, Akiro?" tanong ko at pilit tinatago ang sakit ng pulsuhan ko sa mahigpit niyang hawak.
Kanina lumuwag ang hawak niya ngayon bigla na namang humigpit habang kinakaladkad niya ako papaakyat ng building. Hindi siya nagsalita at panay ang pintig ng panga hanggang sa makarating kami sa rooftop. Pinaharap niya ako sa kanya ngunit hindi pa rin binibitiwan ang kamay.
Lito na naman ako kung anong uunahin ko. Ang maghabol ng hininga dahil sa taas ng inakyat namin o ang salubungin ang masama niyang tingin.
"N-nasasaktan na ako, Akiro," turan ko sabay tingin sa kamay niya.
Mabilis niya akong binitawan pero nagliliyab sa galit ang kanyang mga mata.
Pasimple kong niyakap ang aking katawan nang umihip ang malamig na hangin.
"B-bakit tayo nandito?"
Hinagod niya ang kanyang buhok papunta sa likod at pagod na bumuga ng hininga. "Ano ba?! Pwede bang layuan mo na ako! Bakit ba hindi ka makinig sa akin?! Ano pa ba ang gusto mong marinig mula sa akin? Ano ba ang dapat kong gawin para layuan mo ako? Gusto mo ba na lumuhod ako sa 'yo at magmakaawa na layuan ako?"
"Pumunta lang naman ako sa bahay niyo," giit ko.
"Para ano?" tumawa siya pero galit pa rin. "Para makita ako? Bakit hindi ka na lang tumigil at lumayo sa akin? Bakit hindi mo itigil ang kahibangan na 'to?"
"Kahibangan? Iyan ba ang tingin mo sa ginagawa ko? Hindi pa maluwag ang turnilyo sa utak ko para hayaan ka lang na makitang nasasaktan. At bakit ako lalayo?! Bakit mo ba ako laging pinagtatabuyan, huh?! Ano bang ginawa ko para paulit-ulit mo na lang akong pagtabuyan?!"
Mabilis na uminit ang sulok ng aking mga mata.
"Dahil mapapahamak ka! Hindi mo ba maintindihan na gusto kitang iligtas mula sa akin. You're fvcking not safe with me. Darating ang araw na hihilingin mo na sana hindi mo na lang ako nakilala at kung lalayo ka ngayon, malamang pasasalamatan mo pa ako. So fvcking leave me alone!"
Umiling ako. "No! I can't. Hindi pwede, Akiro. Hindi ako aalis kahit pa paulit-ulit mo akong ipagtabuyan-"
"Eh bakit nga?!"
"Kasi mahalaga ka sa akin!" I shouted at him. Mabilis kong pinaalis ang luha ko na tila naiwan na gripo kung bumagsak. "Putang*na! Bakit ka ba kasi nandito tayo lagi sa abandonadong lugar na 'to?! May masayang lugar kaysa dito, Akiro." Pinunansan ko ang mukha ko at hinagod ang mukha at impit na tumili. Luminga ako sa paligid bago ko binalik sa kanya. "Bakit gusto mo laging mag-isa kung nandito naman ako para samahan ka? Bakit ang hirap sa 'yo na tanggapin ako? Bakit pinipigilan mo ang sarili mo maging masaya kasama ko? You deserve to be happy, so, please, stop being so freaking cold."
"Kasi hindi madali. Hindi ganun kadaling maging masaya kung ang lahat naman ng ito hindi magtatagal. I don't want temporary happiness, Emi."
Natigilan ako at kumunot-noo. "This is not temporary-"
"Hindi madali para sa akin. Damn it! Nung nakita kitang saktan ng tatay ko, gusto kong makapatay ng tao. Dinala kita sa problema ko at kung lalapit ka pa ng tuluyan sa akin pwede kang mapahamak. I swear, alam kong hindi niya ito papalampasin at lahat ng ilusyon mo na magiging masaya ako kasama ka ay mawawala. Kapag napunta ka sa dilim ng buhay ko, makakalimutan mo na magkaroon ng pag-asa."
Hindi niya alam kung papaano niya ilalabas ang kanyang galit. Mariin siyang napapasabot sa buhok at nang makita ang isang karton malapit sa amin ay malakas niya itong sinipa.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...