Creepy
Makakadaan pa muna kami sa eskinita nila bago sa bahay namin pero sa kanto pa lang nila ay huminto na siya. Naisip ko na baka hindi niya alam kung saan ako nakatira kaya huminto siya rito sa kanto nila pero hindi pala iyon ang dahilan.
Nang sundan ko kung saan siya nakatingin doon ko lang napagtanto kung anong dahilan. Hindi pala iyon dahil sa hindi niya alam kung saan ako nakatira, mukhang higit pa roon.
"Mauna ka na. Hanggang dito na lang pala kita maihahatid," binasag ni Akiro ang katahimikan.
"Teka... anong problema-"
"Walang problema," madiin niyang sabi, defensive masyado ang sagot.
Napatingin ako sa kanya habang naka-side view siya at malayo ang tingin. Basang-basa ko ang ekspresyon niya, galit siya pero sa kabila nun nananaig ang takot. Binalik ko ang tingin ko sa dahilan. May mga lalaki sa tapat ng bahay nila na sumisilip sa loob. Pero naputol ang tingin ko doon nang ipedal ni Akiro ang bike niya. Konti lang naman ang inabante namin at umalis lang kami sa tapat ng kanto nila na tila nagtatago kami.
"Hindi..." he sighed. "ihahatid na pala kita," pagbabago ng isip niya.
Hindi na niya inantay pa ang magiging sagot ko at mabilis na pumadyak para makaalis kami doon. Hindi ko naman nasabi kung nasaan ako nakatira pero naihatid niya ako sa mismo kong bahay.
Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya at bumaba ako sabay hinarap siya. Nagmamadali siyang aalis na sana pero hinawakan ko ang kamay niyang mahigpit na nakakahawak sa manibela.
"Baka may maitulong ako-"
He cut me off again. "Wala," madiin niyang sabi. He clenched his jaw, sighing. "Wala kang dapat na itulong kasi wala namang problema at hindi mo na kailangan pang sumunod sa akin." pagalit niyang sabi na napikon sa panghihimasok ko.
Anong magagawa ko nag-aalala ako para sa kanya at sa kapatid niya!
Umiling ako.
Inayos niya ang pagkaka-stand ng bike niya bago iginaya ako papalapit sa gate.
"Pumasok ka na sa bahay niyo at 'wag mo na akong susundan," mariin niyang sabi.
Napalunok ako at pinisil ang kamay ko. "Alam ko naman 'yon pero baka delikado ang mga lalaking-"
"Shut up!" napatalon ang katawan ko sa matinding galit ng pagkakasabi niya. "Delikado? You don't even know them."
I swallowed hard all the nervousness and straightly looked at him. "Kung ganoon sino sila? Kilala mo sila?"
He clenched his jaw. "K-kaibigan ng Dad ko." medyo nag-alangan siya sa sagot niya.
"See? Even you are not sure kung kilala mo sila?"
He gritted his teeth now. Galit na talaga siya at nauubos na ang pasensya. "I said I know them,"
"Eh bakit ka takot?"
"Eh bakit ba ang dami mong tanong?"
I swallowed hard. I see a raging fire in his eyes.
"Kilala ko sila okay," sinabi niya 'yong tila hindi para sa akin kundi para sa sarili niya.
Marahan akong tumango pero hindi ako naniniwala sa kanya dahil sa hindi niya siguradong pagkakasabi.
"Sasama ako sa 'yo. Wala naman akong gagawin. I'll just check if you're okay with them," pagpupumilit ko pa rin. Baka sila ang dahilan kung bakit gagawin ni Akiro ang dapat hindi niya gawin sa hinaharap.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...