Back Again
Hindi ko maimulat ang mata ko dahil sa sobrang silaw. Hinarang ko ang kanang kamay ko sa taas ng mata ko para hindi ako gaanong masilaw at dahan-dahang minulat ang mata. Maingay ang paligid at wala naman akong bisita bukod kay Damon at hindi naman iyon isang boses lamang kundi marami.
Nakalimutan ko bang isarado ang bintana? May kamag-anak ba kaming bumisita?
Pero nang tuluyan ng makapag-adjust ang mata ko doon ko lang napansin kung nasaan ako.
Walang bisita sa bahay. I wasn't in my room.
Mas naging maingay ang buong paligid na akala ko may gulo lang sa labas pero mali ang akala ko at kapansin-pansin na medyo magulo ang mga kaklase ko. Mukhang normal ang lahat, parang walang nangyari.
Parang totoong nandito na ako ulit. Hindi...
Napaayos ako ng pagkakaupo at kahit papaano tanda ko ang eksena rito.
So, nakabalik na ba ako sa nakaraan? Ito na ba 'yong sinasabi ni Damon? It feels so surreal. Kung ganun nandito si...
Mabilis akong lumingon sa kanang likod. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko ng makita siya sa dati niyang pwesto. Nakayuko siya at mukhang natutulog na naman. Malakas akong napabuntong-hininga bago mahinang natawa. Gosh! Pakiramdam ko mababaliw na ako. Malinaw pa rin sa akin ang nakita ko na namatay siya tapos ngayon, buhay siya ulit. At kung hindi ko magagawa ng tama ang misyon ko ay mamamatay siya.
Buhay siya at humihinga! Hindi naman siguro 'to isang panaginip lang 'di ba?! Totoo iyong sinabi ni Damon.
Nakabalik nga talaga ako!
"Uyy!"
Naputol ang tingin ko sa kanya ng may humarang. Si Kate pala. Parang kailan lang nung huli kaming magkita... sa future. Pero tulad nga ng sabi ni Damon ito na ang present at nasa kamay ko kung anong magiging future... lalo na ni Akiro. Lahat nakasalalay sa akin.
"Teka, umiiyak ka ba?" nag-aalala niyang tanong.
Mabilis kong pinunasan ang gilid ng mata at umiling. Takte! Basa nga ang mata ko. "Hindi no!"
Tumayo ako at niyakap siya. She flinched.
"U-uyy! Bakit may payakap ka? Parang magkasama lang tayo kanina ah!"
Masyado akong naging emosyonal sa muling pagbabalik. I'm telling myself that I should be the one who would be the reason why Akiro will choose to be alive. Malabo pa ngayon kung papaano ko gagawin pero ito na ang simula.
Hinarap niya ako at mahina akong tumawa.
Umayos siyang tumayo at nakapameywang pa. "Hoy! Sinong nambully kay Emi?!" sigaw niya sa klase namin. Gulat ako pero natawa sa kanyang ginawa at ginapangan din ng hiya dahil halos natigil ang mga kaklase naman sa kani-kanilang ginagawa.
Hinila ko ang coat niya at napailing na lang dahil sa ginagawa ng kaibigan ko. May pagka-siga itong si Kate pero sobrang lambot ng puso. Mas iyakin pa nga kaysa sa akin pero magaling siyang magpakita na malakas siya. Inawat ko ang kanyang kamay dahil nagtuturo pa nung kung sino-sino pero mabilis namang tumanggi ang mga kaklase ko. Syempre wala naman talaga e!
"Baka umiyak kasi nabotong president ulit." asar nung isa kong kaklase.
"Hindi mo ba gusto?" nanlalaking mata ni Kate habang nakatingin sa akin. Siya kasi ang pasimuno kaya naging president ulit ako.
Mabilis akong umiling. "Wala naman sa aking problema."
Siya ang nag-nominate sa akin at ang lakas pa ng trip na manlilibre daw siya kapag nanalo ako. Last year kasi ako rin ang president kaya pumayag silang ako muli ang maging presidente ng klase.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...