Kabanata 11

44 11 0
                                    

Wasted Days


I didn't expect that I need to extend my excuse for being unable to attend to class because of the bandage on my right feet. I thought two days were enough. Kahit nakasaklay ako papasok akong school kaya lang mariing inabisuhan ako ng doctor na 'wag muna akong magkikikilos sa loob ng apat na araw. Pangalawang araw pa lang ngayon at bukas pa ako babalik ulit sa hospital for check up.

Nakarating naman kaagad sa parents ko ang balita tungkol sa 'kin. Ang dami nilang tinanong sa akin kung anong nangyari at bakit naging ganoon ang kalagayan ko. Sobrang nag-alala pa si Mom kaya hindi siya pumasok kahapon at si Dad naman tinawagan ako at tinanong kung anong nangyari. Sinabi ko lang na naaksidente ang nangyari sa akin. Hindi ko rin sana gusto pang sabihin sa kanila dahil ayoko kung ano mang maaaring maiisip nila kay Akiro. Pero nalaman pa rin nila dahil kay Doc Mike.

Nung sabihin sa 'kin ng Doctor na dapat akong magpahinga lang sa bahay ay halos manlamig ako at syempre umalma ako. I need to do something! I have to do an important mission here. Hindi pwedeng mag-aksaya ng oras kahit isang segundo. Lugmok na lugmok ako dahil hindi ako pinayagan kahit anong sabihin ko. Kahit igiit kong okay na naman ang pakiramdam ng paa ko.

"I advance you to listen to me and do not push yourself. Mas mabuting makapagpahinga ka kaysa ipilit mo 'yang paa at iyang pang-upo mo. Baka kapag napuwersa mas matagal ka pang hindi makalakad ng maayos. Tomorrow, come to my clinic, bumalik ka ulit para ma-check natin ang paa at kung walang problema pwede ka ulit pumasok."

Tumatak 'yon sa isip ko kaya hindi ko na pinilit pa.

Luckily, I didn't get any fracture or any serious injury. Pero biglang nagkaroon ng pamamaga ang paa ko nung gabing din 'yon na kinabahala ng parents ko pati na rin ako. Sobrang kirot na rin nun ng kanang paa ko. Kaagad naman akong ginamot at walang pang-isang araw humilom na rin ang pamamaga at iyon kailangan lagyan ng bandage 'yong kanang paa ko at hindi pwedeng ilagay.

Well, hindi ko rin naman masisis si Doc Mike dahil kailangan niya talagang sabihin 'yon. Hindi ko rin kasi kaagad siya nasabihan na 'wag nang sabihin pa.

"Dapat mag-ingat ka rin."

Napairap ako habang nakanguso sa sinabi ni Damon. He's here in my room. Nakahilig sa upuan habang naka-krus ang paa. Same outfit pa rin siya pero nakaalis ang sombrero niya at nakalagay iyon sa tabing table.

Ibinuka ko ang bibig ko para sana may sabihin pero itinikom ko 'yong muli.

I deeply exhaled. I can't help but to pout more as I nod my head.

"You only have 28 days," pagpapaalala sa akin ni Damon.

"Ano ba ang gagawin ko?" sabi ko sabay hilamos sa mukha.

"Save him,"

Napaangat ako ng tingin sa kanya at sinamaan ng tingin sabay irap. "Parang gano'n kadali 'yon."

He shrugged. "Iyon lang naman ang paraan 'di ba? Ililigtas mo siya o mamamatay siya... ulit."

Walang lakas akong tumango at tinignan itong laptop ko na may mukha ni Akiro.

Syempre hindi ko naman sinayang ang pananatili ko rito sa bahay ng walang ginagawa para alamin ang tungkol sa kanya. Kahit wala man ako sa school ngayon at least may makukuha akong information sa abot ng makakaya ko para matulungan siya. Pero dapat may alam ako sa pagkatao niya.

Hindi gaanong marami ang impormasyon na nakalap ko tungkol sa kanya. Aaminin ko nahirapan ako dahil sa hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Ang alam ko lang ang pangalan niya at sa pagkakatanda ko sa future, na-meet ko na 'yong Mama niya pati 'yong kapatid niya.

My Thirty-one DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon